Natulala ako. Napatitig lang ako sa kanya. He's really good looking. Maganda ang mga mata, malamlam, long lashes; at ang ilong, matangos; ang lips; mamula-mula; makinis ang skin niya, may kaputian; may nunal siya sa gilid ng kaliwang mata;... Parang ang tagal, parang tumigil ang oras para mapansin ko lahat iyon sa kanya. Pero ang totoo sandali lang iyon. Dahil agad-agad siyang yumuko at hinawakan ako sa braso para itayo. "I'm sorry, miss. I didn't see you,"sabi niya, gawd! ang lambing ng boses niya! 'Yung galit ko kanina, biglang nawala. 'It's ....it's okay," sabi ko na halos magkandautal ako at hindi makatingin sa kanya. "Are you sure?" ''Yeah," nakangiti kong paniniguro. ''Okay, good." yun lang at bumaba na siya ng hagdan. Ako naman, sinundan ko siya ng tingin. Kung movie ito, bigla siyang lilingon at ngingiti sa akin sabay kaway. Hindi ito movie.... pero lumingon siya sa akin.... nag- smile at nag wave. ohhhmyyyyygooooooooodddddd!!! sa loob -loob ko, nagtititili ako. Gusto kong mag-sasayaw, magtatalon, magsisigaw. Sa loob ko lang 'yon dahil ang totoo...... nakatulala lang ako.
'NAKAKAINIS! nakakainis talaga!" sabi ko kay Karen pagkatapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari. Nasa classroom kami at hinihintay ang teacher namin sa physics. "Para akong tanga na hindi nakapagsalita. Para akong nabudol-budol." "Cute talaga?" "sobrang cute!" "Baka siya 'yung bagong transferee. Sabi nila may bagong lipat daw sa school natin, eh." "Ano'ng name? anong year?ano'ng section?" Tuluy-tuloy kong tanong. "Hindi ko alam. Narinig ko lang 'yung mga girls na nag-uusap sa girls room kanina habang naglilip-stick ako." 'Yan si Karen, bukod sa hindi mo maaabala kapag nanonood ng movie o tv, deadma rin siya sa earth kapag nagme-makeup. Minsan bago matulog nagme-makeup 'yan para raw pag nanaginip siya ng cute guy, at least maganda pa rin siya. Sasabihin ko na sana kay Karen na nakita ko na ang guy na iyon sa sinehan ang bumatok kay Ramil. Pero noon lumapit sa amin si Ramil, mainit ang ulo. ''O, bakit?" Tanong ni Karen "Tinukso ako nina Gordon. Nabatukan daw ako sa moviehouse. Sino sa inyo ang nagkuwento nung nangyari kahapon?" "Me! ay, hindi ko naman alam na hindi pala dapat ikuwento," buong kainosentehang sagot ni Karen, nagtaas pa ng kamay "nagkukuwentuhan kasi sila tungkol sa Guardians of the Galaxy. May sinasabi silang part na hindi ko alam, noon ko naisip na iyon 'yung lumabas tayo dahil sinundan natin 'yung nambatok sa iyo, kaya naikuwento ko na." "Ikaw talaga, Kar! sinisira mo ang image ko! crush ko pa man din si Gordon, ngayon pinagtatawanan lang niya ako." "Sorry!" "Naku, makita ko lang talaga 'yung lalaking nambatok sa akin, lagot sa akin 'yon." Now, paano ko lang talaga 'yung lalaking nambatok sa kanya ay nakabunggo ko rito sa school?
TWENTY minutes late si Mr. Patalen, ang teacher namin sa Physics. Nasa Principals Office raw. "Bakit?" tanong ni Karen. Hindi sumagot si Ramil na mainit pa rin ang ulo. Nagkibit-balikat lang si Karen, na deadma kapag nag-e-emote si Ramil. Alam naman niyan sandali lang 'yon. Madalas mag-away ang dalawa, pero madali ring magkabati. Siyempre, friends for life naman kami, eh. "Lika, C.R muna tayo," yaya ko kay Karen. "Let's go," agad na sabi ni Karen. Madali yayain itong friend ko sa girls room para makapag-retouch. Ako, iba ang reason ko sa paglabas. Gusto kong hanapin ang aking mysterious Mr. Right. Ito 'yung sinasabi kong hanap ko sa isang guy, eh. 'Yung may air of mystery. May tatlo pa ba sa pagka-mysterious ng guy na ito? Imagine, nakita ko sa moviehouse. Binatukan ang friend ko. Tapos biglang nawala, tapos biglang sumulpot sa school namin. Imagine that. I mean, can you imagine that? Panay ang silip ko sa ibang classrooms. Hoping na makita si mysterious Mr. Right. Taka naman si Karen. "May hinahanap ka ba?" "wala," sagot ko. Pero parang binabanat ang leeg ko sa kasisilip sa isang classroom kung saan nakatalikod ang isang male student. Siya kaya 'yon? Pero tinitigan ako ni Miss Dagampat, ang teacher ng Biology. Natakot ako. Terror 'yon eh. Saka hinila na ako ni Karen sa comfort room. Retouch-retouch si Karen. Panay ang daldal, bla blah blah! May sinasabi siya tungkol sa makeup, tungkol sa damit, tungkol sa Mommy't Daddy niya. Hindi ko naiintindihan ang mga sinsabi niya. Sabagay mahirap intindihin ang mga sinasabi ni Karen dahil parang tren tumakbo ang utak niya. Saka nasa isip ko lang ay si mysterious Mr. Right, Paano ko ba siya makikita ulit? "Let's go," sabi ni Karen. "Baka naroon na si Mr. Patalen. Mapapagalitan pa tayo." Naroon na nga si Mr. Patalen. And true enough, pinagalitan kami. "Where have you been, you two girls?" "Sir, nag C.R lang kami, call of beautiful nature" buong ningning na pagpapa-cute ni Karen kay Mr. Patalen. Only Karen can think of things like that, makapagpalusot lang. And it worked, napangiti na lang si Mr. Patalen at pinaupo na kami sa mga seats namin. Pero may nakaupo sa seat ko. Isang guy nakatalikod sa akin. "By the way, you have a new classmate." At humarap sa akin ang guy na nakaupo sa silya ko. At sino pa nga ba kundi ang kanina ko pa hinahanap but very elusive Mr. Right. "Hi, I'm Ward. Ward carballo" nakangiti niyang sabi sa akin sabay abot ng kamay ko. At siyempre, napatulala na naman ako.
BINABASA MO ANG
The Wrong Mr. Right
RomanceThey say, looking for Mr. Right is hard. But not for welcome (the girl na ipananganak sa welcome rotonda) nakita niya, nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...