Gulat na nakatingin sa akin si Ward, samantalang nakangisi naman ang kakambal niyang bad boy! Yes from now on, bad boy ang itatawag ko sa kolokoy na ito!
"You kissed him?" Tanong ni Ward.
"Of course not!" Mabilis kong sagot. Ang bilis kong magsinungaling 'no? Utos ni nanay na huwag na huwag daw kaming magsisinungaling. Masama raw iyon. Pero kabilin bilinan din niya na huwag daw kaming magpapaapi. Sinabi niya ito noong namatay ang tatay ko. Wala raw magtatanggol sa amin kaya dapat daw, magpakatatag kami, huwag daw kaming papayag na apak-apakan ng ibang tao.
This qualifies for that, 'di ba? Pang-aapi ito. Pamamahiya. Ano ang gusto niyang palabasin at ipapahiya niya ako sa kakambal niya? This guy is not gentleman! Not at all! Kaya sorry na lang pero kailangan kong magsinungaling para iligtas ang sarili ko sa matinding kahihiyan. Nawala ang ngisi ni bad boy!
"Are you calling me a liar?" Tanong niya sa akin na may halong pagkapikon.
"Hey Edge, chill" sabi ni Ward na may halong pananaway. Kinalma ni Edge ang sarili niya pero halatang pikon pa rin.
"What are you doing here, by the way?"Tanong ni Ward.
"Nag-away kami ni Dad. Sa inyo muna ako matutulog"
'Yun lang at tumalikod na si Edge.
"I'll wait for you in the car."
Paglabas niya ng classroom, noon nagbalikan ang mga classmates namin galing sa canteen. Agad siyang sinalubong ni Karen ng ngiti.
"Ward, bakit wala kayo ni Welcome sa canteen?" Pero hindi pinansin ni Edge si Karen. Taka ang bestie ko. Lalo na nang pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niya si Ward. Noon din pumasok si Ramil, nagrereklamo. "Welcome, nakita ko si Ward, binati ko pero itinulak lang ako. Ano'ng nangyari roon sa -"
Pero hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita rin si Ward. Napatango na lang si Ward. "Yes, that's my twin, Edge. Pasensiya na kayo, friendly lang talaga 'yon." Ward smiled, trying to make light of what happened. Samantalang ako, windang pa rin!SIYEMPRE, 'yun ang hottest topic during Physics Class. Nagliliparan ang mga viber messages namin sa isa't isa. Naka-silent kami kaya hindi naririnig ni Mr. Patalen.
KAREN: May twin si Ward?
RAMIL: 'Yun ang sabi niya, 'di ba?
KAREN: Oh my gosh! He's so cute! He's cuter than Ward. I think he's going to be my next boyfriend.
RAMIL: Oy Kar, may boyfriend ka remember?
KAREN: Break na kami ni Darryl.
RAMIL: Kailan pa?
KAREN: Mamaya ibe-break ko na siya.
RAMIL: Ang landi mo, Kar!
KAREN: Thanks for the compliment!
RAMIL: Oy, Welcome! Why so silent?
KAREN: Oo nga Wel, bakit hindi mo sinabi sa amin na may twin pala si Ward.
ME: Hindi ko rin alam 'no?
Susme kung alam ko ba, hahalikan ko ba 'yung kakambal niya?
Natigil lang kami nang biglang sumigaw si Mr. Patalen. "Give me those cellphones! I told you I don't want to see cellphones during my class!"
Pero biglang nangiyak-ngiyak si Karen.
"Sir, before you get my cellphone, just let me answer my Mom na uuwi agad ako after class. Kasi sir, you see my Dad had just a stroke."
Sabay na nag-react ang class. Naawa kay Karen. Maski si Mr. Patalen, hindi na kinuha ang cellphone niya. Kami ni Ramil, nagkatinginan na lang. Tumirik ang mga mata. Drama queen!!!AFTER ng Physics, vacant namin. Kaya umaarangkadang chikahan ang nangyari. Dalawa lang ang topic: ang "stroke" ng Daddy ni Karen
"Loka ka, paano mo lulusutan ngayon 'yan?" Tanong namin ni Ramil kay Karen.
"Sasabihin ko, pag-uwi ko, okay na pala ang daddy ko. Na-heartburn lang pala."
Galing talagang magsinungaling ng babaeng ito, maamo kasi mukha, eh.
At siyempre, topic number 2: ang twin brother ni Ward.
"Ward! bakit hindi mo sinabi sa amin na may kakambal ka?" Tanong ni Karen kay Ward. Nakapalibot na kami sa kanya.
"Hindi kasi kami close ni Edge"
paliwanag ni Ward.
"Ang ganda naman ng name niya. Edge" tanong ni Karen.
"Bakit, Edge?" Si Ramil naman.
"Edgardo ang real name niya. Kaya Edge ang nickname niya. Just like me, Ward pero ang real name..."
"Eduardo!" Sabay pang sabi ni Karen at Ramil. First day of class pa lang, inalam na namin ang real name ni Ward. Kasi hindi naman kami naniniwalang real name niya iyon. Kaya kinausap namin si Miss Mata, 'yung teacher namin sa Pilipino. 'Yun nga, sinabi sa amin ang real name niya ay Eduardo.
"Cute ang twin mo, huh!" Sabi ni Karen.
"Bad boy 'yun" nakangiting pagwa-warn ni Ward.
"Just my type!" Tumitili pang sagot ni Karen. Nagtawanan na lang kami.
"Bakit kayo magkahiwalay lumaki?"
Tanong ni Ramil na paminsan-minsan, may sense.
"Naghiwalay kasi parents namin noong 10 years old pa kami. Pinag-tig-isahan kami. Ako sa Mommy ko, si Edge sa Daddy ko."
Malungkot ang boses ni Ward. "Close kami ni Edge noong mga bata pa kami pero noong nagkahiwalay kami, nagkalayo na rin kami."
"Bakit siya narito?" Si Karen
"Hindi ko pa nga nakakausap na maige. Basta sabi niya, away sila ni Daddy kaya he'll stay with me muna. I mean, with me and my Mom."
"Ang cute talaga ng smile niya" sabi ni Karen na parang nangangarap. Naisip ko rin 'yung smile ni Edge sa akin kanina. Ngisi 'yun, eh. May laman, ngisi ng namba-black mail.
"Welcome, why are you so silent?" Si Ward, nakatingin sa akin nagtataka.
"Oo nga, Girl. Bakit ba nagpapa-mysterious effect ka riyan?" Si Ramil 'yon.
"Ano 'yung sabi ni Edge na nagkakilala na raw kayo?" Si Ward ulit.
Nanlaki ang mga mata ni Karen. Pati si Ramil ay curious na.
"Nagkakilala na kayo?"
"Bakit hindi mo kinukuwento sa amin?"
At paano ko maikukuwento ang totoong nangyari?
"Kasi ganito 'yon. Pagpasok ko kaninang umaga, nakita ko siyang nakaupo riyan, natutulog akala ko si Ward. Kaya...kaya...ginulat ko." Naumpisahan ko na rin lang magsinungaling, ituluy-tuloy na.
"Ay, nakakahiya!" Sabi ni Karen, sabay tawa nang malakas.
"Buti hindi ka hinalikan?" Si Ward 'yon.
What??? Muntik akong mabilaukan.
"Noong mga bata pa kasi, pag ginugulat ni Mommy si Edge, ang ginagawa ni Edge, hinahalikan si Mommy."
Natatawa ring kuwento ni Ward.
"Hindi naman" ang sagot ko na lang.
"Gano'n pala ang technique sa kanya ha?"
Sabi ni Karen. "Kapag nakita ko siya, gugulatin ko siya."
"Welcome, bakit ka namumula?" Tanong sa akin ni Ramil.
"Oo nga" agree ni Ward.
"Siguro, ini-imagine ni Welcome na hinahalikan siya ni Edge."
Oh my Lord. Kung alam n'yo lang ang totoong nangyari.
"Welcome is not that kind of girl"
Pagtatanggol ni Ward. Na nakatingin sa akin nang nakangiti. With that innocent smile of his.
"Kaya nga, I like her" pagtatapos ni Ward na nakatingin pa rin sa akin. Na ikinakilig nina Karen at Ramil. Aaminin ko, kinikig din ako dahil first time sinabi ito ni Ward.
Pero natatakot din ako. Paano kung sabihin ni Edge ang totoo? Na hinalikan ko siya?
Krug krug krug!
"Ano 'yon?" Bulong na tanong ni Karen. Tiyan ko 'yon. Kumakalam, hindi ko alam kung dahil sa tension o dahil sa gutom. Hindi nga pala ako nag-recess dahil nag-usap kami ni Ward at dumating pa ang kakambal niya. Kaya bago dumating ang teacher namin sa next subject, pumuslit ako para pumunta sa canteen. Para kumain. And guess who I saw?
Si Edge!
Si Bad Boy!!
Si Mr Wrong!!!
BINABASA MO ANG
The Wrong Mr. Right
عاطفيةThey say, looking for Mr. Right is hard. But not for welcome (the girl na ipananganak sa welcome rotonda) nakita niya, nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...