chapter 6

81 1 0
                                    

EeeeeeeeeeEeeeeeeEEeeeeeee!
Si Karen 'yun, kinikilig din. Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa text ni Ward na manliligaw siya sa akin. Kaya ayun, parang busina ng kotse na nagtititili
"Ano'ng sagot mo?"
"Sabi ko sige..."
"Hindi ka man lang nagpakipot?"
"Bakit pa? Gusto ko naman siya."
"Oo nga! So kilig, my gosh! Magkakaboyfie ka na rin, Welcome! Just like me!"
"do you think manliligaw nga siya?"
"Oo naman. Why would he text me kung hindi. Pero biglang natigilan si Karen, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ay, baka hindi na lang siya manligaw."
"Bakit?" Kinakabahan kong tanong. Iniharap ako ni Karen sa mirror sa girls CR. "Look at yourself." At tiningnan ko nga ang itsura ko sa salamin. "So?"
"Ano'ng so? Wala kang kaayus-ayos. Paano naman magkakagana si Ward sa iyo. At ano 'yang amoy mo?" Sininghot ako ni Karen. "Amoy longganisa ka." Kinakabahan ako. "Talaga? Tumulong kasi ako kay nanay kanina, eh."
"Don't worry. I have the solution here." 'Yun lang at dumukot na si Karen ng cologne sa bag niya. Sabay spray sa akin. Mula ulo hanggang paa. Napaubo ako pero tiniis ko. Para kay Ward, para huwag mapurnada ang pagko-court niya sa akin.
"Now face naman."
"Ano'ng masama sa face ko?" Tanong ko.
"Wala. You're pretty, but there's nothing wrong with enhancing it more." At parang magician na kung anu-ano ang inilabas ni Karen sa kanyang bag. Blusher, makeup, eyebrow pencil at para rin siyang painter and my face is her canvas. And again, iniharap niya ako sa mirror.
Omg! I'm so pretty!

PAGPUNTA ko nga sa classroom, maraming boys ang nagtinginan sa akin.
"Welcome, ganda natin ngayon, a" banat ni Cedric, ang basketball captain ng school. "Ihatid kita mamaya, welcome," si Monching naman 'yan na hinarang pa si Cedric, ang pinakamatalino sa batch namin. "Sabay tayo sa canteen, welcome" si Biboy, third year, pero feeling senior na, mahilig 'yan manligaw ng ahead sa kanya, pero lagi ring busted. "Welcome, pautang daw ng tocino, sabi ng nanay ko. Sa katapusan ang bayad" si Alvin naman 'yun, sa dulo ng street namin. Madalas nangungutang ng tocino at longganisa ang nanay niya sa nanay ko. Ewan ko ba kay Alvin at kailangang isingit ang dialogue na 'yon sa gitna ng mga admirers ko. Mga admirers na hindi ko pinapansin dahil ang hinihintay ko ay si Ward, si Ward na nagpaalam pa na manliligaw. How gentlemanly! Nakakakilig ibig sabihin, he respects me! So pumasok na ako sa classroom. English. Naupo na ako sa seat ko. Nagpapaganda, waiting at may vacant seat sa tabi ko. Para kay Ward.
Umupo si Karen. Pero pinandilatan ko siya. Siyempre, hindi iyon nahalata ni Karen, napakunot-noo pa siya.
"Bestie, umalis ka riyan. That's for Ward" bulong ko sa kanya, saka lang niya na-gets. "Ay, oo nga pala. I forgot." Saka siya dumiretso na sa likod kung saan may vacant seat pa. Cooperative naman ang bestie ko. Uupo rin sana si Ramil doon pero hinila na siya ni Karen. "Bakit? Kokopya ako ng assignment kay Welcome." "Sa akin ka na lang kumopya" sabi naman ni Karen. "Gusto mo akong bumagsak?" nang-aasar na sagot ni Ramil. Pero hinila na siya ni Karen, binubulungan. Siguro, sinabi na ni Karen ang tungkol sa text ni Ward kaya napatango na lang si Ramil, sabay bigay ng O.K sign. At pumasok na nga si Ward, at umupo sa tabi ko. "Hi, Ward"
"Hi, Welcome." Hinihintay kong chikahin niya ako. Sige na nga, ligawan. Nakangiting tumingin sa akin si Ward, at ako naman, nagpapungay ng tingin, pero yumuko para hindi naman halata. Ibinuka ni Ward ang bibig niya, parang may sasabihin. Ako naman, naghintay. Pero noon na rin pumasok si Miss Velasco, ang teacher namin sa English, at nagsimula na siyang magturo kaya wala, hindi na nagkaroon ng chance si Ward to court... Or even talk to me. Kaines!
Di bale, sa recess siguro kakausapin na niya ako. Liligawan. Pero noong recess, biglang nawala si Ward. Kaya kami-kami na lang nina Karen at Ramil ang kumain.
"O, what happened?" Si Karen 'yun na sobrang excited. "Wala. Si Miss Velasco kasi, eh, ang daldal." O, 'di ba, sinisi ko pa raw ang teacher? "Baka humahanap lang ng tiyempo" si Ramil naman 'yon na pinapalakas ang loob ko. "Why don't I retouch your makeup para lalo siyang ma-inspire?"
"Wait, wait! Baka naman ayaw niya kay Welcome pag naka-makeup. Remember, nakikala niya si Welcome nang walang makeup."
"Oo nga, 'no? May point si Ramil. Tanggalin na lang natin ang makeup ko, i want to be a simple pretty girl." So sugod kami sa washroom para maghilamos. "How do I look?" Tanong ko kay Ramil na naghihintay sa labas ng washroom. "You look ordinary." Sagot ni Karen.  "But pretty in a simple way" si Ramil naman iyon. "Yan ang nagustuhan sa iyo ni Ward, remember your simplicity."  So, lakad na kami pabalik ng classroom. Wala nang pumansin sa akin unlike kaninang umaga. Oh no! How about Ward? Ano ang magiging action niya? Wah! Katabi ko pa rin si Ward sa tatlong subjects pero hindi naman siya nanligaw sa akin. Nanghiram ng ballpen, oo, dahil hindi niya makita ang ballpen niya. Pero bukod doon, wala.
Although, paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin. At kapag nahuli ko, umiiwas siya ng tingin. "Bakit ganon'n? Bakit hindi niya ako pinansin the whole day? Sabi nga, liligawan niya ako, eh." Para akong batang nagmamaktol noong pauwi na kami nina Karen at Ramil. "Ikaw kasi, eh, tinanggal mo ang makeup mo" sumbat ni Karen. "Sabi ni Ramil, eh" paninisi ko naman.
"Eh, teka teka, bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan ko ba kung mas maganda ako sa iyo!" Sabay tawa ni Ramil. Nakakainis itong baklang ito. Pero in fairness, si Ramil kasi, guwapo pero noong minsang nag karoon kami ng play, gumanap siyang babae, maganda rin siya. "I-text mo kaya" suggestion ni Karen. "At ano ang sasabihin ko: Hoy, bakit hindi mo ako niligawan just like you promised? Nakakahiya!" 
"Pero bakit siya nag-text sa iyo na liligawan ka niya tapos dededmahin ka rin pala?" Nakakunot-noo si Karen. Ang tingin niya sa problema ko ay science project na mahirap i-solve. Iyon din ang naglalaro sa isip ko habang naka-backride ako sa trike pauwi. Bakit nga ba? Bakit siya nag-text na manliligaw, 'yun pala hindi? Ang sagot ay naghihintay pagdating ko ng bahay.

"WELCOME, may bisita ka" bungad sa akin ng kuya ko. Nakangiti. Oh my god! Oh my god! Oh my god! Narito si Ward, kaya pala niya ako dinedma sa school kanina. Dahil dito niya balak manligaw. Oo nga naman, if he was gentleman enough to ask me first kung pwede niya akong ligawan, hindi niya ako basta-basta popormahan sa school o sa street o sa mall o sa café, dapat lang sa bahay. It means he really really respects me! He loves me! Pero teka, paano niya nalaman ang bahay namin? Ang address namin? Baka ipinagtanong niya. Aba, mas tumaas ang point sa akin ni Ward, nag research! Tatakbo na sana ako sa salas kung saan naghihintay si Ward pero bigla kong nasilip ang sarili ko sa salamin sa likod ng pinto, ang pangit ko! Ang oily ng face ko. Eh, ang sabi ni Ramil: oiliness is next to poverty! Oh no! Kailangan kong magpaganda bago ako humarap kay Ward. "Kuya, sabihin mo kay Ward, magfe-freshen up lang ako." Napakunot-noo si kuya Bal. Nagtaka. Pero takbo na ako sa room ko. Powder, suklay, kagat sa lips para pumula saka bumalik sa living room para harapin ang suitor kong si Ward.
Pero hindi si Ward ang naghihintay sa akin. Si Jerson. Ang kapitbahay namin na alam ko ang likaw ng bituka. Ang lalaking walang mystery. Ano ang ginagawa niya rito? Nasaan si Ward? May inabot sa akin si Jerson. Roses saka chocolates.
"Ano ito? Takang tanong ko.
"Roses. Chocolates" sagot naman niya habang nagkakamot ng ulo.
"Bakit?"
"Di ba, manliligaw na ako sa iyo?"
"Di ba, nag text ako sa iyo kagabi na manliligaw na ako sa iyo. At ang sabi mo, sige."
"Ikaw ang nag text sa akin kagabi?"
"Oo. Sino ba'ng akala mo?"
Waaaaaah!

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon