chapter 12

77 0 0
                                    

EDGE

If there's one thing Edge hates, is flirts!
'Yung mga girls na kapag nakakita ng cute guys, magbubulungan, maghahagikhikan! At titingin sa guy na nagpapa-cute! Mag-i-smile. Magpapapungay ng mga mata.
Oh, how he hates that!
He remembers his Mom, noong bata pa siya kapag nakikipag-usap sa phone, panay ang giggle. At kapag kausap ang ibang guys, maski 'yung mga kaibigan ng Daddy niya, may pahawak-hawak pa sa braso.
"Why is Mommy like that?" Tanong niya sa Daddy niya noong grade four siya. Sa murang edad, alam niyang mali para sa isang babae ang umakto nang gano'n. Hindi niya nakikitang gano'n ang mga Mommies ng mga classmates niya.
"Your mom is a natural slut"
Kampanteng sagot naman ng Daddy niya habang nagbabasa ng briefs ay summonses. Lawyer and daddy niya.
"But don't mind it. It's harmless, she doesn't mean anything by it. She's just being friendly." Being friendly 'yung nagka-affair si Mommy sa best friend ni Daddy? Na nahuli pa silang dalawa na magkasama sa Tagaytay? Nauwi iyon sa away. Sa paghihiwalayan. At sila ni Ward, pinag-tig-isahan ng kanyang Mommy't Daddy. Siya, naiwan sa kanyang Daddy. Si Ward naman ay kinuha ng kanyang Mommy, magkaiba na rin sila ng mga school na pinapasukan. Siya sa U.S.T High dahil sa Makati sila nakatira. Si Ward ay sa Quezon City Academy dahil naman sa Project 6 nakatira ang Mommy niya at ang bago nitong husband. They used to be so close. Gano'n daw ang kambal, may natural connection, pero simula nu'ng pinaghiwalay sila, parang nagkaroon na rin sila ng wall sa kanilang magkambal. Siguro dahil lagi niyang sinisisi ang Mommy nila sa paghihiwalay ng parents nila. At sa pagkawasak ng family nila in general. "Mom is a slut kaya tayo naging broken family." Madalas niyang iparinig sa Mommy niya tuwing dumadalaw siya sa mga ito. Na biglang ikaiiyak ng mommy niya. At siyempre, maaawa si Ward sa kanilang mommy. Sa kanya naman magagalit. "Don't say that to her" pagsasaway ni Ward sa kanya. Pero hindi niya ito pinakikinggan. Lalo niya itong aasarin. Iyon ang dahilan kung bakit dumalang ang pagkuha sa kanya ng mommy niya. Na okay lang, dahil sa totoo lang, he hates his Mom. Iyon ang reason kung bakit ayaw niya sa flirt girls. Na kung bakit elementary pa lang, lapitin na siya ng mga gano'ng type of girls. 'Yung titingin sa kanya, magbubulungan, maghahagikhikan. Noong high school nga, hindi basta tumitingin, nakikipagkilala pa ang mga girls sa kanya sa mga malls. Kinukuha ang cellphone number niya. Magte-text, mayayayang lumabas, mag-frap sa Starbucks, manood ng movie. Noong una, hindi niya pinapansin. Pero dahil sa dami, naisip niya na pagbigyan ang mga ito.
"I thought ayaw mo sa flirt girls?" Tanong ng best friend at kaklase niyang si Andy. Andy is not that good looking kaya hindi lapitin ng girls. Kaya nagtaka ito kay Edge na parang allergic sa pretty girls.
"I want to give them a lesson" ang sagot niya. Nakikipag date nga siya sa mga girls na nagyayaya sa kanya. Kumain sa labas, he lets the girl pay for their bill, pati sa movie tickets. At hahalikan niya, tapos bigla niyang dededmahin. Kahit anong text ang gawin sa kanya, hindi na niya sinasagot. Or kapag nakita niya sa hallway ng school, hindi rin niya pinapansin. The more na naghahabol ang babae, the more na dededmahin niya. At kapag nakita niyang umiyak, tuwang-tuwa siya. 'Yun ang goal niya, mapaiyak ang mga girls. Kung paanong umiyak ang Daddy niya nu'ng ma discover na may iba ang mommy niya. Noong mga bata pa sila, kapag nadadapa siya o nasusugatan, kapag umiiyak siya, pinapagalitan siya ng daddy nila. "Boys don't cry" utos ng daddy nila, nu'ng iwan ng mommy nila, umiyak. Nasaktan ng todo, naglasing, nagwala. Kaya sabi niya sa sarili niya, hindi siya iiyak ng dahil sa isang girl. And in fact, siya ang magpapaiyak sa mga girls. Marami na siyang napaiyak na girls! Na ikinagalit ng daddy niya "that's bad" admonition ng daddy niya. "Maka-karma ka." He doesn't believe in karma. Ang daddy niya, ang bait sa mommy niya, faithful. Pero ano'ng ginawa ng mommy niya? Naghanap ng ibang lover. Nasira ang family nila. Does his father deserve that? No! At ang daddy niya hindi na naghanap ng iba. Samantalang ang mommy niya, hanggang ngayon sila pa rin ng best friend ng daddy niya. Ang latest girlfriend niya na pinaiyak niya ay si Celine. Ang anak ng client ng kanyang daddy. Pano naman kasi, nagpa-charming din sa kanya. So he gave her a lesson in love. Cruel love. Ayun, umiyak. Nagalit ang papa ni Celine sa daddy niya, nagalit si daddy sa kanya kaya bad trip. War sila ng daddy niya ngayon. Kaya last night, hindi siya actually umuwi ng bahay, nagpuyat siya sa bar kasama si Adie and true enough, just like a magnet, may mga girls na namang nagpi-flirt sa kanya. Tuwa naman si Adie dahil naaambunan siya ng girls. 'Yung mga girls pa, nag-bet kung sino ang unang makaka-kiss sa kanya. Bad trip na bad trip siya. "You're gay yata"
sabi ng isang girl nang iwasan niya ang kiss nito. He's not gay, ayaw lang talaga niya sa mga girls na masyadong forward. And after nga ng gimmick last night, kina Adie muna siya natulog. Then dumiretso siya sa Quezon City Academy where Ward goes to. Gugulatin niya ang kakambal at sasabihing doon muna siya matutulog sa kanila ni mommy. Kaso, napaaga yata siya. Maghihintay sana siya sa labas, sa gate kaso ng makita siya ng guard, pinapasok siya kahit wala siyang ID. Diretso siya sa isang classroom na wala pang students, naupo. At dahil inaantok, he tried to sleep. Noon niya nakita ang isang girl. Maganda, simple, mukhang shy type dahil ni walang make-up. He hates girls na makapal mag makeup at yung panay ang brush ng buhok o, kung anu-anong gimmick ang inilalagay sa hair. Unlike this girl na pretty in a simple way. He really likes simple girls. Pumasok ang girl na iyon sa classroom where he's pretending to sleep. And lo and behold, lumapit sa kanya. And she kissed him. He's wrong. Hindi simple ang girl na ito, she's like all the sluts he hates. And what's irritating, binaligtad siya ng girl na ito kay Ward. She denied she kissed him! Flirt na, liar pa! And her name is Welcome. What kind of name is that? Baduy! She's not worth his time kaya umalis na lang siya. Nagpunta na lang siya sa car ni Ward. Buti na lang hinayaan siya ng driver na matulog do'n. Pero nagutom siya kaya he decided na magpunta sa canteen. Kumain, nag-coffee, naupo and he tried to sleep again. But a student entered the empty canteen. A girl
This Welcome who kissed him. Bakit nag cross nanaman ang path nila? What does this mean? May paiiyakin na naman ba siya?

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon