Kaya pala hindi ako pinansin ni Ward sa school, hindi naman pala siya ang nag-text na manliligaw. Walanghiya ka Jerson, sinira mo ang araw ko yesterday umasa ako sa wala!!!
But first, kailangan kong dispatsahin itong si Jerson. Sinabi ko sa kanya na hindi pa ako pwedeng magpaligaw, dahil may usapan kami ni mader na magtapos muna ako ng high school, ng college, ng masteral. "Pero bakit nag-text back ka ng sige..." Resbak sa akin ni Jerson. Oo nga 'no? Pero ang akala ko nga kasi, siya si Ward. Pero alangan namang sabihin ko 'yon, 'no? "Antok na kasi ako no'n. Mag-aalas dose na no'n Sorry talaga Jerson. Hindi pa pwede, eh."
"O, sige, basta pagka-graduate mo ng high school liligawan na kita, ha?"
"College."
"Ang tagal naman."
"Hindi kita pinipilit, 'no?"
"Sige, after college." 'Yun lang at lulugu-lugo nang umalis si Jerson, dala ang roses. Ang chocolates pinaiwan ko... Nalaman ng kuya ko na busted si Jerson. Nagulat. "Di ba, bawal pa akong magka-boyfriend" paalala ko kay kuya Bal.
"Okay naman si Jerson, ah" pagtatanggol ni kuya sa barkada niya. "Bawal nga, 'di ba? Sumbong kita kay nanay." Natahimik na siya. Pero bigla ring buwelta. "Pero bakit nu'ng sinabi kong may bisita ka, excited ka. Nagpaganda ka pa. Halos madapa ka pa sa hagdan." Kasi nga, akala ko si Ward. Pero ang nasabi ko na lang ay: "A...e..."
"May binanggit ka pa ngang pangalan."
"Wala, ah. Teka, magsasaing na ako" sabay talikod. The classic way of pag-iwas.THE following day, sa school, ang lakas ng tawa nina Karen at Ramil nang malaman ang true story ng mysterious suitor ko.
"My God, nakakahiya, friend! Ang lakas mo palang mag-assume" si Karen.
"Malay ko bang hindi pala siya 'yun. Walang name, eh. Eksaktong kakukuha niya sa iyo ng number ko kaya akala ko, siya na talaga. Masama ba? Mali ba?
"Friend, ang tawag diyan, presumidang frog" pang-aalaska naman ni Ramil.
"Sorry na, tao lang!" Toot toot. Cellphone ko, may nag-text. Nang tingnan ko walang number. HI WELCOME! Inalaska na naman ako nina Karen at Ramil. Jerson na naman daw. Nangungulit. Nainis ako dahil ang kulit ni Jerson, at dahil kalo-load ko lang ng 20 pesos na may unlitext at unlicall, talagang tinawagan ko ang mokong na ito at ito ang nilitanya ko. "Ano ka ba Jerson? Bakit text ka pa rin nang text? Hindi ba't sinabi ko nang hindi ako pwedeng mag-boyfriend ng high school hanggang college? Na pwede lang akong ligawan kapag nagtatrabaho na? Ligawan mo lang ako pag matandang dalaga na ako dahil-"
"Wait, wait! Hey, is this Welcome? Do i have the right number?" Teka, hindi boses ni Jerson 'yon, a. Hindi 'yon nag-iingles! "Who's this?" Bigla akong kambiyo, nanginginig pa ang boses. "Hindi ba si Jerson ito?"
"No, this is Ward. Welcome this is Ward." Oh no! Natalakan ko si Ward, and worse sinabi ko na hindi ako pwedeng ligawan hangga't hindi matandang dalaga! Why is this happening to me? Hinga...hinga...Welcome, relax...calma...ano ang gagawin ko? Pinatay ko ang call.RIGHT at that moment, ang tingin ko no'n sa mundo, ang dilim. Parang babagyo. Feeling ko, wala na! Hindi pa nag uumpisa, dead na ang romance. Kasi naman, nauuna ang bibig kaysa utak.
Paano pa ako ngayon liligawan ni Ward niyan. Lalo akong nalungkot nung umpisa na ng Filipino class namin, kahit may vacant seat sa tabi ko, sa likod siya umupo, sa tabi naman ni Ramil. During recess, wala talaga akong gana. Ni hindi ko makagat ang banana cue na binili ko. Buti na lang, nando'n si Karen at pinapasigla ang mood ko. "Friend, tama na 'yan. It's not the end of the world." Pero sad talaga ako, eh. "Bakit hindi mo na lang siya kausapin?"
"At ano ang sasabihin ko? Na si Jerson lang ang hindi pwedeng manligaw? Na siya, pwedeng pwede?"
"Hmmmm." 'Yun lang ang nasabi ni Karen. Sunud-sunod na naman kasi ang tanong ko sa kanya, eh. Noon dumating si Ramil. Tumabi sa amin. "Uy, banana cue! My favorite!" Sabay dampot sa banana cue. Pero inagaw ko sa kanya 'yon. "Akin 'yan."
"Sungit! Di naman kinakain, eh."
"Eh, ano? I feel bad."
"Dahil natalakan mo si Ward?"
Para akong maamong tupang tumango lang. "Problem solved. Sinabi ko na sa kanya na si Jerson 'yon. Nanliligaw sa iyo pero ayaw mo, gets naman niya!"
"Talaga?" Para akong kuwago na lumuluwa na ang mga mata.
"Oo. Sinabi ko rin na siya ang gusto mong manligaw sa iyo. I mean si Ward."
"Sinabi mo 'yon?" Napakalakas yata ang boses ko nagtinginan sa amin ang ibang students.
"Siyempre, hindi 'no? Sinabi ko lang na ayaw mo kay Jerson dahil hindi gentleman ang hinahanap mo gentleman."
"Ano ang reaction ni Ward?" Ngumiti lang si Ramil. Halatang nambibitin.
"Ramil, sabihin mo na!" Si Karen 'yon na halatang excited din.
"Akin na lang 'yang banana cue."
"Iyo na!" Sabay abot ko sa banana cue.
"Ano ngang reaksyon niya?" Pero kinain muna n'ya ang banana cue sabay pabili ng soft drinks. Inis na inis na kami ni Karen pero walang magawa. Blackmailer talaga itong si Ramil. "Ano na ang sabi niya? Nanggigigil ko na pangungulit.
"Wala. Ngumiti lang siya." Isang batok ang napala sa amin ni Ramil.PERO after recess, during classes, hindi ulit umupo sa tabi ko si Ward. Kaya sad talaga. Kaya after class nang magyaya sina Karen at Ramil na mag-mall, pumayag ako. Palabas na kami ng gate noon nang may makita kaming naghihintay sa labas.
Si Ward.
"Hi," sabi niya sa amin, pero sa akin siya nakatingin. Nakangiti.
"We're going to the mall" sabi ni Ramil. "wanna come?"
"Sure" nakangiting sabi ni Ward. Pero tumingin ulit sa akin. "if it's okay with Welcome." Kahit walang salamin, alam kong namumula ako.
"Welcome, ano? Huwag kang magpa-girl diyan. Welcome bang mag-join sa atin si Ward?"
I smiled and nodded sabay hawak sa crown ko at sash.
Miss universe ako, bakit ba?
BINABASA MO ANG
The Wrong Mr. Right
RomanceThey say, looking for Mr. Right is hard. But not for welcome (the girl na ipananganak sa welcome rotonda) nakita niya, nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...