One

2.7K 108 11
                                    

"Ano ba yan, Arabella kailangan talaga palakad-lakad pag nagiisip? Hindi ba pwedeng nakaupo lang ganon?" Singhal sa akin ni Carol. Sinamaan ko naman siya nang tingin. I am so desperate, I don't know what to do.

"WAAAAAAHHHH...." Sigaw ko tsaka napaupo sa couch. Bigla naman lumapit sa akin yung bullies.

"Uy, Ara isipin mo nalang naka-jackpot ka sa lotto nang hindi tumataya." sabi ni Cienne. "Gaga! Bakit naman yun yung iispin ko?" Mataray kong tanong sakanya. "Grabe Ara, isipin mo magiging instant 'fake' boyfriend mo si Thomas Torres." sagot niya. "Eh, Ano naman kung si Thomas Torres siya?" tanong ko sabay irap.

Bigla namang hinila ni Mika yung buhok ko. "Duh, as if mapapaniwala mo kami sa pagpapademure mo. Hoy Daks, Thomas Torres yon. Si T.T na itinutweet natin noon lalo na ikaw." sabi niya

"Si ang cuuuutttte mo @iamthomastorres #galinggaling mo noon!" Sabat naman ni Camille

Inirapan ko naman sila. Ayos din eh noh, hindi talaga uso sa mga to ang salitang move on.

"Oo nga! Halos lahat pa ng tweets ni Thomas or about kay Thomas kinu-quote mo too bad hindi ka naman niya pinapansin non." Sabat pa ni Kimmy tsaka kunwari umiiyak. Nagtawanan naman ang mga bruha.

Bigla namang tumayo si Mika at para bang inutusan niya si Cienne na tumayo rin. Mukha namang nagets ni Cienne ang ibig ipahiwatig ni Mika. Gets ko narin, Cienne played as Billie. "Pero yung idol ko talaga si Aruuuh Guuuhlung." sabi ni Mika na ginaya pa yung accent ni Thomas.

"Grabe Mika, sabi conyo hindi ngongo. Kaloka ka!!" Sigaw ni Kim sakanya. Natawa nalang ako.

"So, kailangan talaga ibininabalik lahat? Past is past. Uso magmove on guys!" sabi ko sakanila.

"Alam naman namin yun, ang amin lang. Nandiyan na yan eh. Nangyari na kumbaga damage has been done. Isa pa si Thomas naman yun, eh kahit papaano naman naging close na kayo dati. So why don't you just go with the flow?" Seryosong sabi ni Kim sa akin.

Nilapitan naman siya ni Carol at biglang pinunasan ang ilong ni Kim gamit ang laylayan ng damit niya. "Masyadong maraming English yung nasabi mo baks, nag bi-bleeding ka na!" Seryosong sabi nito.

Pinalo naman ni Kim yung kamay ni Carol. "Gaga! Pero yes! that's English I'm so proud of me." Proud na sabi nito.

"Iyon na nga, si Thomas yun. Mga teh si THOMAS TORRES. Nakalimutan niyo na?" Pagtatanong ko sakanila.

Binato naman siya ni Cienne ng suklay. "Oo nga, di naman namin yun nakakalimutan. But that was three years ago. Okay ka naman na. Isa pa wala ka narin namang magagawa Daks, the news about you and Thomas were now all over the social media. Siyempre parang walang nagexpect na magkakatotoo ang biru-biruang loveteam niyo tapos biglang may lalabas na news about sa inyo that's a big deal thats huge." Sabi sa akin ni Mika.

"Pero hindi naman totoo yun eh. None of it was true. He has Arra and I have..." Napaisip ako saglit pero technically I have "no one." Sagot ko.

"Exactly! You have no one right now because break na kayo ni Shomba, Ooops I mean ni Bang. While Thomas has Arra na pinuproktektahan ang showbiz career niya. So you're actually doing them a favor too." Dagdag ni Cams. May point naman siya. Secret lang yung relationship ni Thomas at Arra ngayon because Arra has now a career and an image to protect.

I let out a deep sigh. "Pero kasi natatakot ako." Pag amin ko sakanila "natatakot ako sa kahihinatnan nito pag pumayag ako. Tsaka nakataya din dito yung future ko noh!"

Halata namang worried sila sa akin. For a brief moment tahimik lang kami. It rarely happens.

"Basta kung anong maging desisyon mo Ara, susuportahan ka namin."

"Auuuh! Thanks bullies! Grouphug!!!!" Pero habang nakagrouphug kami ay biglang nalang nag-pass out si Kim.

"Don't worry guys, masyado lang niya nagamit yung braincells niya dahil sa pageenglish niya kanina. Lagi naman yang ganyan di pa kayo nasanay." Natatawang sabi ni Cienne at imbes na tulungan si Kim ay tinawan na lang namin siya. Bullies alert.

***

Later that night Ms Joy texted me, reminding us na kailangan na naming magdesisyon dahil kinukulit na siya ng mga writers they obviously wanna interview me and Thomas.

I checked my twitter and read the article all over again. Maganda yung pagkakasulat its almost believable but it was not true. Everything's written wasn't true. Nakakalungkot lang na maraming fans ang nagsasaya over this na wala namang katotohanan.


Pero bakit ba naman kasi magkapangalan pa kami Arra. At bakit ba naman kasi sa lahat pa ng tao eh si Thomas pa yung boyfriend niya. Yung taong pilit kong tinangal sa sistema ko at pilit kong iniwasan sa loob ng tatlong taon.


Hoy tadhana, pinaglalaruan mo na naman ba kami ni Thomas?

_________

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon