Nineteen

1.7K 111 15
                                    


"Taray naman, baha na sa labas mukhang pati dito malapit naring bumaha." Asar sa ni Kim sa akin.


Mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa unan ko. Ang break up pala parang paglalasing, mas matindi yung hangover. Ganun din sa break up, mas masakit yung pag gising mo sa umaga marerealize mo na hindi na pala siya parte ng buhay o ikaw ng buhay niya.


Tumabi naman sa akin si Carol "Isang araw, inutusan si Bambi ng nanay niya na bumili ng suka sa tindahan. Sa kamamadali niya nakalimutan niyang naiwan niya pala yung pambili. Kaya nung binibigay na sa kanya yung binibili niyang suka ay wala siyang pambayad." Sandaling tumigil si Carol sa pagkukwento.


"Tuloy mo na yung suka-serye, Donkey!" Hirit ni Camille. Halos lahat kasi kami ay interesado sa kwento ni Carol.


Natatawang itinuloy ni Carol yung kwento "Dahil sa kahihiyan at pagkahiya ay kumaripas ng takbo si Bambi pauwi sa kanila. Noong pinapabalik siya ng nanay niya sa tindahan ay ayaw na niyang bumalik pa." Bigla namang nagiyak-iyakan si Carol.


"Oh, bakit? May nangyari bang masama sa nanay niya?" Nag-aalalang tanong ni Cienne pero umiling si Carol.


"Pero isang trahedya ang nangyari." Sagot nito na hindi maipinta ang mukha.


"Uy, Donkey ano yun?" Tanong naman ni Mika.


Huminga naman ng malalim si Carol bago sumagot tsaka kami tiningnan isa-isa. "Hindi nakumpleto ang sangkap ng Adobo. Kaya ayon, Afritada nalang ang niluto nila."


At bigla naman kaming nagtawanan dahil ang suka-serye ay naging masalimuot dahil hindi nakumpleto ang rekados para sa Adobo.


Pero naputol ang kasiyahan namin nang biglang magsalitang muli ni Carol. "Ma-pride si Bambi, gustong gusto niyang mag-ulam ng Adobo pero ayaw niyang bumalik sa tindahan para kuhanin yung suka" Sabi niya tsaka biglang tumingin sa akin. "Alam niyo kung di sana siya tumakbo agad narinig sana niya yung sinabi ng tindera na ibalik nalang niya yung bayad."


Natahimik naman ako, bullseye naman 'tong mga pinagsasabi ni Carol.


"Tsk! Naluto sana yung adobo." Nanghihinayang na sabi ni Kim.


"Wala eh, pinairal niya PRIDE chicken niya." Inis na sabi ni Camille


"Uy Nuggets ko yun, twin!" Natatawang sagot ni Cienne.


Pumasok naman si Aduke sa kwerto namin. "Mga Ate, ano daw ang ilulutong ulam?"


Agad kaming nagtinginan ng bullies. "Adobo!" Sabay-sabay naming sigaw.

***

"Oh what brings you here, Ara?" Masayang tanong sa akin ni Ms. Joy pagkapasok ko ng office niya.


Nginitian ko siya at umupo kami sa couch. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ms. Joy.


Huminga ako ng malalim tsaka siya muling tiningnan. "Break na po kami ni Thomas... I mean, tinapos na po namin yung agreement kaya hindi na po kami makakapag guest pa sa kahit anong show."


Hindi naman nagsalita si Ms. Joy nakatingin lang siya sa akin. "Alam ko, kagagaling lang dito ni Thomas" hinawakan niya yung kamay ko. "Ayos ka lang ba, Ara?" Nagaalalang tanong niya.


I don't know but the moment she asked alam ko hindi na ako okay. "Niloko niya ko, siya yung naglagay sa akin sa sitwasyong ito" naiiyak kong sagot.


"The things you do for love" Natatawang sabi niya. "Ginawa niya yun para mapalapit sayo."


Umiling naman ako "No, he actually did that to protect Arra's career."

"Ginawa niya yun dahil yun lang ang tanging paraan para maging close ulit kayo" sabi niya sabay balik ng tingin sa akin "He's really in love with you"


"Pero may Arra na siya." Pagtutol ko sa sinabi ni Ms. Joy


"Labas na dapat ako sa usapang 'to. Pero minsan may love story talagang kailangang pakialaman para umusad" natatawa naman ako sa sinabi niya "matagal na silang hiwalay ni Arra but they're still friends." Pag-amin niya.


Friends... I can't imagine Thomas and Arra just being friends.

Tumayo si Ms. Joy at may kinuha sa drawer niya, isang CD at sinalang niya yun sa portable DVD player. Medyo malabo yung kuha. Isang lalaki na nakaupo sa hood ng kotse sa isang street. Wait, labas 'to ng dorm. And the guy... It's Thomas.


"Kuha yan sa CCTV camera sa labas ng dorm niyo. Nireport yan sa amin dahil baka daw nagmamanman para gumawa ng hindi maganda." Sabi niya.


"Kailan pa po to nagsimula?" tanong ko pero hindi parin ko parin inaalis ang mata ko sa screen.


"Magtatatlong taon narin, at according sa CCTV operator wala daw mintis yang si Thomas sa pagtambay sa labas ng dorm niyo, kahit pa umuulan."


Sa pagkakataong yun ay hindi ko na mapigilang mapaiyak. Trying to imagine Thomas patiently waiting outside our dorm.


Naalala ko bigla yung gabing dumalaw siya sa labas ng dorm. Nung tinanong ko siya kung hindi ba siya nangangawit ang sagot niya sa akin ay sanay na siya sa ganoon. Akala ko dahil madalas niyang gawin yun kay Arra pero hindi pala sa kanya, kundi sa akin.


After an hour ay napagdesisyunan ko na umuwi na sa dorm. Si Mika palang ang tao don at nanonood siya ng Love, Rosie for the nth time. Umupo naman ako sa tabi niya.
Parehas kaming umiiyak, kahit pa alam na namin yung storya at yung ending affected parin kami.


"Feeling mo ba magiging kagaya din ng Love story nila yung sa inyo ni Jeron?" Tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Di na ako umaasa Daks."

"Ibig bang sabihin niyan nakamove on ka na? Na hindi mo na siya mahal?"

Tumayo naman siya para patayin yung TV at bumalik muli sa tabi ko. "We never stop loving silently those we once loved out loud, Daks."

Nginitian ko naman siya. "Alam mo kung anong masakit Daks? Loving someone from afar without knowing that he's also doing the same."

Tumawa naman siya "Wag kang magpaka-Bambi, Daks. If you want an Adobo go fight for it." Sabi niya sabay hampas sa braso ko. "Alam mo ba kung bakit hindi natuloy yung love story niyo noon?"


"Kasi tanga ako noon?"


Umirap naman siya. "Like duh, given na yun!" Sabi niya kaya binatukan ko siya. "Pero kaya hindi natuloy noon eh dahil busy pa si God isulat yung storyline niyo at ngayon ito na. Wag mo na pakawalan."


_______


Happy Eidl Fitr sa mga kababayan nating Muslim ☺ July 6 is Muslims day ❤

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon