After nung first photoshoot namin ay wala nang tigil ang bullies kakaasar sa akin kay Thomas. Thomas sa almusal, Thomas sa tanghalian. Thomas sa meryenda. Thomas sa hapunan. Thomas sa midnight snack. Ganyan sila ka-consistent sa pang-aasar sa akin.
"Uy si Thomas, papunta dito!" Biglang sabi ni Cienne. Kasalukuyan kasi kaming nagla-lunch ng bullies, its been a tradition narin na sabay-sabay kumain pag may free-time.
"As if naman na pumun---" naputol ang sasabihin ko nang biglang umupo si Thomas sa harapan ko. "Hi Ara!" Masaya niyang bati. Bigla namang nagtilian ang bullies. "Uhm, Hi!" sagot ko.
"Grabe, hindi lang naman si Ara ang nandito pero parang siya lang ang nakikita mo." Nagdadramang sabi ni Carol.
"Paano naman kami ha Thomas?" Tanong ni Mika habang kunwari nagpupunas ng luha.
"Sino nalang ang papansin sa amin?" Sabi ni Cienne. "Wala ka ng ibang nakikita kundi si Ara." Dagdag pa ni Camille.
Bigla namang pinalo ni Kim yung lamesa na aming kinagulat. "Napakaswerte mo Victonara! Ikaw na nga ang paborito ng mama at papa noong mga bata pa tayo ngayon ikaw parin ang bida." Sabi nito. "At ikaw Thomas, tigilan mo na si Victonara dahil sinasabi ko sayo kahit isang kusing ay wala kang makukuha sa pamilya namin."
Tiningnan ko naman si Thomas na tawa lang ng tawa sa mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko.
"Sorry guys, nakalimutan ko. Uulitin ko nalang ulit. Uhm hi Ara. Hi bullies." Natatawang sabi ni Thomas. "Hindi rin po ako interesado pera niyo Ms. Kimberly.."
Bigala naman kaming nagtawanan ng bullies.
"Kimberly!!!" Sabi ni Carol habang tumatawa ng malakas.
Inakbayan naman ni Kim si Thomas. "Brad naman! Kim lang hindi Kimberly wag ganon baka makuha akong muse pag may nakarinig!"
"Hoy Kim, bitawan mo na si Thomas baka madumihan yan!" Sita ko naman habang patuloy na tumatawa.
Sumunod naman si Kim tsaka ngumiti. "Fine! Selosa ng girlfriend mo Thom!" sabi nito. Ngumiti naman si Thomas.
"Hindi ako selosa noh!" Depensa ko. "Yieee! Akala ko sasabihin mo 'hindi niya ako girlfriend noh' pero ang dinifend niya eh yung hindi siya selosa!" Sabi ni Mika habang tinutulak ang braso ko.
"It only means gusto niya din!!!" Sabay sabay na sigaw nila.
Inirapan ko naman sila habang tinatawanan lang sila ni Thomas. "Bullies tama na yan, baka mapikon ang girlfriend ko." Sabi nito sabay tingin sa akin. Lalo namang kinilig ang bullies. Utang na loob wag kang magb-blush Ara.
"Pretend Girlfriend!" I corrected him.
Narinig ko namang nag "KJ" ang mga bruha, maya-maya pa ay nagsitayuan na ang mga ito.
"Oh saan kayo pupunta?" Tanong ko saknila. "May class na kami." Sabay sabay na sabi nila. Which I doubt. "Bye Lovebirds." Natatawang sabi nila.
Thank you bullies, ngayon ang awkward na.
"Anong ginawa mo dito?" Tanong ko kay Thomas.
"I'm just hanging out with my girlfriend. Masama ba yun?
Girlfriend... Kunwari ay may pinulot ako sa floor ayoko kasing makita ni Thomas yung pamumula ko. Nung feeling ko ay nag-fade na ang pamumula ang kulay ng mga pisngi ko ay hinarap ko siya ulit.
"Pero wala naman yun sa rules natin ah!" Paalala ko sa kanya.
Umiling-iling naman siya. "Wala nga, but to make this set-up more believable."
He has a point. "Fine."
At least he's doing effort for this fake relationship. And I also like it every time he says I'm his girlfriend. Kay Bang kasi ako yung nagsasabi nun. Ngayon ako na yung sinasabihan, masarap pala sa pakiramdam. It plays repeatedly in my head. Girlfriend. Girlfriend. Girlfriend. I'm his girlfriend.
***
The next day...
Naglalakad ako papasok sa campus nang biglang lumitaw si Thomas sa harapan ko.
"Nakakagulat ka naman Thomas! May lahi ka bang kabute at sulpot ka nalang ng sulpot kung saan." Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya. "Harsh Ara," sagot niya tsaka ginulo ang buhok ko.
"Uy Thomas yung buhok ko hindi ko yan pinaayos kay Aduke para lang guluhin mo." Binitiwan naman niya. "Fine. What's your class now?" Tanong niya.
"May class ako sa Econ. Ikaw?"
"Comm Campaigns. Tara!" Yaya niya sa akin. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. "Hahatid ka sa room mo." Sabi niya sabay kuha ng dala kong mga libro.
"Pero east pa yung room ko, hassle yun baka malate k----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong inakbayan tsaka kami naglakad.
Nakatingin naman sa amin yung
ibang students. Siguro alam na din nila yung about sa amin ni Thomas. Sa panahon ba naman kasi ngayon mas mabilis kumalat ang balita lalo na sa social media."Bakit ganyan sila makatingin?" Tanong ko kay Thomas na inalis na ang pagkakaakbay sa akin. "Maybe they heard about the news. Wag mo nalang pansinin masasanay din sila sa atin." Sabi niya.
Nang makarating kami ni Thomas sa room ko ay may kinuha siya sa bag niya at inabot sa akin. "Ano 'to?" tanong ko sa kanya. "Nerds, obviously." sarkastikong sagot niya as if i don't see. Inirapan ko naman siya. "What I mean is bakit mo ako binibigyan nito?"
"Nagpabili kasi si Iya sa akin last night then I remember na favorite mo yan so I bought also for you." Sabi niya sabay hawak sa ilong niya. He remembered. Napangiti naman ako sakanya. Its the thought that counts.
"Thank you, Thom!" Masaya kong sabi. Ngumiti din siya. "You're always welcome, Ars!" Tapos ay nagpaalam na siya at pumasok naman na ako sa room.
After ng class ay chineck ko yung phone ko. Baka kasi nagtext yung bullies. Pero walang text galing sa kanila kundi galing kay Thomas
Thomas Torres
10:35 amI like you in braids, Ars! 😊
Napangiti naman ako.
Maybe I should ask Aduke to be my personal hairstylist.
_____
