Twelve

1.9K 107 18
                                    

"Guess who's back?" Masayang tanong ni Camille sa amin.

"Tuna pie?" Hula ni Carol

"Hindi yun, tao ang tinutukoy ko!" Sabi naman ni Cams sa kanya.

At bigla namang tumawa si Kim "The answer is General Douglas MacArthur!" Bibang sagot nito.

Hinampas naman siya ni Mika na tawa ng tawa. Ngayon masaya siya pero last week lang halos hindi siya makausap. Pagibig nga naman.

"Bruha! Hindi siya! Pero taray mo ha, mukhang present ka nung diniscuss sa inyo yun." Natatawang sabi nito.

"Eh sino ba kasi yung tinutukoy mo?" Tanong ni Cienne sa kanya.

"Si Tigs..." Nakangiting sagot nito.

Tumingin naman sila sa akin. "Tigilan niyo ko dahil ngayon palang sinasabi ko na sa inyo na mali kayo."

Tumawa naman si Kim. "Bruh, iniisip ko na mas maganda ka sa akin kaso sayo na mismo nanggaling na mali iniisip namin so sabi na eh, mas maganda talaga ako sayo."

Inirapan ko naman siya. "Lakas! Nakabingwit lang ng isang Almond ganyan ka na!" Asar ko sa kanya.

Ngumiti naman ito at tila nag-iimagine, naging routine na niya yan pag nababanggit ang pangalan ni Kuya Almond.

"Bakit naman siya bumalik? Di ba siya masaya sa states?" Tanong ni Cienne. I am keeping it cool. Kunwari busy ako sa cellphone ko pero nakikinig talaga ako sa usapan.

"Magte-take kasi siya ng Masteral dito sa La Salle." Sagot naman ni Camille.

So may posibilidad pala na magkita kami dito sa campus.

"Kaya naman pala. Akala ko may binabalikan." Makahulugang sabi ni Mika

Mukha namang tapos na mag-fantasize si Kim at nakisali na ulit sa kwentuhan nila samantalang patuloy lang ako sa paglalaro sa cellphone ko.

"Si Tigs papunta dito." Sabi ni Carol sabay turo sa may likuran ko. Tumingin naman ako sa kanila at nanlaki ang mga mata ko. Naninigas yung katawan ko, I can't move.

Bigla naman silang tumawa "You should have seen your face Daks!" Sabi sa akin ni Mika na tawa ng tawa.

Inirapan ko naman siya. "Jeron!" sabi ko naman sabay wave sa likuran niya.

"Bumenta na yan!" Sabi niya at tawa parin ng tawa.

"Hi girls!"

"Hi Jeron!!!" Masaya naming bati at si Mika naman ang hindi makagalaw ngayon, if you can only see your reaction daks.

Umupo naman si Jeron sa tabi niya. "Ayos ka na ba, Miks?" tanong nito. Tumango naman si Mika.

"Kung sino man yung nanakit sayo ang laki niyang tanga." Seryosong sabi nito kay Mika. Nagkatinginan naman kami ng bullies.

"Malaki talaga, 6'2 yung height mo eh." Bulong ko.

"Teng anong GWA mo?" Tanong ni Carol

"3.0 bakit?" Takang sabi ni Jeron.

"Mataas naman pala, so hindi ka tanga." Bulong naman ni Camille.

Umiling naman si Mika. "Hindi siya tanga. Wala lang talaga siyang idea sa feelings ko para sa kanya." Sagot nito kay Jeron sabay balik sa kinakain niya.

"Sayang naman." Malungkot na sabi ni Teng. Tumingin naman ulit sa kanya si Mika. "Sayang nga."

"Sayang na sayang nga kayo." Bulong naman ni Kim.

May tumawag naman kay Jeron kaya nagpaalam din ito kaagad.

"Sana sa susunod hindi na Havianas slippers ang ibi-build natin kundi yung Love Story na natin." Malungkot na sabi ni Mika habang nakatingin sa umalis na si Jeron.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon