Two

2.1K 100 19
                                    

"Don't worry guys, after a month or two lilipas na din yung issue tapos pwede nating palabasin na you're not really compatible tapos yun, pwede na kayo magbreak." Paliwanag sa amin ni Ms Joy.

"You mean, FAKE break up." I added. I can't believe na pumayag ako. "Yes, fake break up." sang-ayon ni Ms Joy sa akin.

"So what's the plan now?" Tanong ni Thomas habang patuloy na tina-tap yung table gamit ang phone niya.

"Right now, inaayos ko pa yung schedule niyo ng guestings and photoshoots. But I'll let you know as soon as possible." Sabi niya sabay ngumiti sa amin. "Thank you guys dahil pumayag kayo. I know this will be hard for the both of you but I'll always be here for you guys." Dagdag pa niya.

***

After an hour nagpaalam si Ms Joy aasikasuhin daw niya yung unang guesting namin ni Thomas. Speaking of Thomas, kaming dalawa lang ngayon ang naiwan dito sa office ni Ms. Joy. Hindi kami naguusap. Busy ako kunwari sa phone ko habang mukhang natutulog naman siya sa sofa.


"Seriously Ara, bakit ka pumayag?" Tanong niya. Akala ko tulog 'to.

"Honestly I don't know. Pero siguro its because of Ms. Joy, I can't say no to her after everything she's done for me and the team." Pag-amin ko. "Eh ikaw bakit ka pumayag?" balik kong tanong sa kanya.

"Kasi pumayag ka." Sabay tingin niya sa akin.

"H-ha?" Utal kong tanong sa kanya. Kunwari di ko naintindihan yung sinabi niya.

Ngumiti naman siya. Hay, those eyes. "I mean kasi pumayag ka na so technically wala na akong magagawa alangan naman na magpabebe pa ako." Natatawa niyang sabi. Ngumiti lang lang ako.


"Sabi ko nga, so I guess wala na tong bawian." sabi ko.

"Hmmm. I guess so. Pero alam mo swerte ka kasi Thomas Torres to!" Sabi niya sabay ayos ng kwelyo ng polo shirt niya.

"Ang hangin naman pala..." Sagot ko tsaka kunwaring tinatangay ako ng hangin. Tumawa naman siya.

Maya-maya tumabi siya sa akin. This is awkward. "I'm just joking, gusto ko lang maging comfortable ulit tayo sa isa't isa just like before kasi ngayon lagi na tayong magkakasama hanggang matapos to."


Well may point naman siya, that was three years ago. Everything has changed. Ako, Siya. Kami. "We'll work on that one. Pero ngayon I have a little request." Sagot ko sakanya sabay kumuha ako ng papel at ballpen sa backpack ko. Inabot ko naman ito sa kanya.


"Para saan to?" Takang tanong niya.


"We'll make rules para sa fake relationship natin. Ang cliché pakinggan noh? But let's do it. For safety precautions na rin." Sabi ko sakanya


Natatawa naman niyang kinuha yung papel at ballpen. "Seriously, Ara? But fine, let's do it." Pagpayag niya.

Minutes passed by pero ni isa wala parin akong nasusulat sa papel ko sinilip ko naman yung sakanya its also still blank. Ang hirap naman kasi. Gagabihin na ata kami dito pero wala parin kaming naiisip.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon