"Where do you wanna eat, Daks?" Tanong sa akin ni Mika. Parehas kasing freecut yung last class namin kaya ito at magkasama kami.
Tumingin naman ako sa paligid tsaka tinuro yung McDonald's. "Doon nalang para less hassle." Sabi ko sa kanya at pumayag naman siya.
Parehas kaming pumila para umorder. I ordered Green Apple float, Large fries and their new burger McDo, wala lang ita-try ko lang. Nauna akong matapos mag-order kay Mika kaya ako na ang naghanap ng tables for us. Nakita naman din niya ako kaagad.
"Naks same tayo ng order!" Sabi niya tsaka inilapag yung tray niya sa lamesa.
Sisimulan na namin dapat ni Mika yung pagkain nang bigla kaming lapitan ni Jeron.
"Pwede maki-table?" Tanong niya sa amin sabay ngiti. Tumango naman kami ni Mika.
Since magkatabi kami ni Damulag doon siya umupo sa harap nito. Tiningnan ko naman si Mika na pulang pula na ngayon.
"Bakit ka dito kumakain? Diba endorser ka ng Jollibee?" Biro ni Jeron kay Mika.
Tinaasan naman siya ni Yeye ng kilay. "Wag kang ganyan kami nga di namin kinuwestiyon yung McDonald's sa pagkuha sa inyo ni Jeric na endorser kahit Team Chowking naman talaga kayo." Natawa naman kami ni Teng sa sinagot ni Mika.
"Bro dito!" Sigaw ni Teng sa aking likuran.
Nagulat naman ako ng biglang lumapit si Thomas at umupo sa harapan ko. Ngayon nagsisisi na ako kung bakit good for 4 persons yung table na napili ko.
Nginitian naman ako ni Thomas nang makaupo na siya sinuklian ko din yun ng isang ngiti tapos ay sinimulan ko na ang pagkain ng fries ko. Ngayon ko lang napansin na parehas na parehas pala kami ng inorder ni Thomas.
Napangiti naman ako, kinuha ko yung burger at tinanggal ko muna yung mayonnaise bago ito kainin. Nang napatingin ako kay Thomas, nakatingin na pala siya sa akin at nakangiti habang umiiling iling. Pinapanood niya ako kanina? Agad ko namang inalis yung tingin ko sa kanya.
"In fairness masarap din 'tong New Burger McDo." Sabi Jeron nag-agree naman sa kanya si Mika. Doon ko lang napansin na pare-parehas pala kaming nag-try ng bagong burger mcdo.
Siguro sa pagkain at sa headache nalang kami magiging mutual ng kaharap ko... pero hindi sa feelings.
Nang matapos kumain si Jeron ay nagpaalam na siya kaagad magkikita pa daw kasi sila ni Jeanine, sumabay narin si Thomas sa kanya dahil may class pa daw siya.
"Daks paano mo nagagawa yun?" Tanong ko sa kany nang makaalis yung dalawa.
Tumingin naman siya sa akin "Ang alin?"
"Yung kausapin at pakisamahan siya ng ganun at minsan si Jeanine na parang hindi ka nasasaktan."
Ngumiti naman siya. "Hindi madali daks, pero mas okay na din yung ganito kesa sa wala." Sabi niya sabay inom ng tubig.
"Bigyan mo na kaya si Richard ng chance. Para medyo makalimutan mo si Jeron, chinito din yun wag ka!" Biro ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Ayoko daks. No."
"Pero bakit naman?" Usisa ko.
"Ganito kasi yun daks, kapag ba nauhaw ka iinumin mo ba yung tubig ulan kasi tubig din naman yun?" Tanong niya sa akin. "Hindi naman di ba? Parang ganun din si Richard at Jeron. Si Richard yung tubig ulan at si Jeron naman yung purified water ko."
Binatukan ko naman siya. "Eh ikaw anong klaseng tubig si Thomas para sayo?"
Napaisip naman ako. "Sparkling water... hindi ko pa kasi natitikman." Natatawa kong sagot.