Fourteen

1.7K 113 17
                                    

"Ara tikman mo 'to." Sabi ni Tita Jane sabay lagay ng Chicken Afritada sa plate ko.

"Sige po Ma'am ako nalang po." Nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba hija, Tita nalang ang itawag mo sa akin at Tito nalang dito kay Victorino pero pwede rin namang mommy at daddy." Pagbibiro niya tumawa naman sila pati si Thomas. Hala! Joke pala yun? Akala ko pa naman totoo na. Char.

"Sige po Tita and Tito."

"Sayang wala si Kuya Axel, idol na idol ka pa naman nun Ate Ara." Sabi ni Diethird at natawa naman silang lahat maliban kay Thomas na busy sa pagkain. Tiningnan naman siya ng pamilya niya at lalong tumawa. Ano kayang meron?

Tama nga si Mika masarap nga yung Chicken Afritada ni Tita Jane pero dahil nahihiya ako at first meeting namin 'to, nagpabebe ako. Alam niyo yung feeling na nabusog ka dahil sobrang daming liquid intake mo? Yes, lumaklak ako ng napakaraming tubig para mabusog agad.

After namin kumain ay niyaya ako nina Kath at Iya sa room nila may ipapakita daw kasi sila sa akin.

"Wag niyo masyadong kulitin ang Ate Ara niyo ha." Bilin ni Tita Jane sa kanila, tumango naman sila. "Pagpasensyahan mo na Ara ha."

"Okay lang po." Sagot ko sa kanya.

Lumapit naman sa amin si Thomas. "Girls, behave." Sabi niya sa mga kapatid niya pero biniletan lang siya ng mga 'to tsaka ako hinila paakyat sa hagdanan. Napakamot na lang ng ulo si Thomas.

"Ate Ara, papirmahan naman po nitong magazines." Sabi ni Iya sabay abot sa akin ng magazines.

"Yes finally mapipirmahan narin." Sabi naman ni Kat na medyo sumayaw-sayaw pa. "Tagal naming hinintay 'to ate." Dagdgad pa niya.

"Dapat pinabigay niyo kay Thomas para napirmahan ko agad noon." Sabi ko sa kanila.

Umiling naman sila "Ayaw niya po eh. Pero siya po talaga bumili ng mga 'to." Napangiti naman ako sa idea na binabasa ni Thomas yung article about sa Lady spikers... about sa akin.

After kong mapirmahan yung magazines ay ipinakita nila sa akin yung family pictures nila. Super cute nilang tingnan. Halatang close talaga sila sa isa't isa.

"Alam mo Ate Ara sobrang kinabahan kami nung Finals Game 2 kasi akala namin na-injured ka talaga." Biglang sabi ni Iya.

"Oo nga kung nakita mo lang kung paano kami nag-alala lalo na si Kuya Thomas." Natatawang sabi ni Kat

"Talaga?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwalang nag-alala talaga sa akin si Thomas. Ano kayang itsura nun? Na-curious tuloy ako bigla.

"Oo ate! Tapos nung Finals game 3 di kami nakanood ng live kasi birthday nung pinsan nami pero grabe todo cheer naman kami sa inyo kahit sa TV lang." Sabi ni Iya

Tumawa naman si Kat at nagtinginan sila ni Iya na para bang nag-uusap sa mata.

"Nabasa mo po ba yung tweets ni Kuya Thomas sayo?"

Napaisip naman ako sa tanong ni Kat. "Hindi. Anong tweets? Parang wala naman akong nabasang ganun"

"Sa account po ni Kuya Axel siya nagtweet. Noong una ayaw siyang payagan ni Kuya Axel kasi daw baka mabasa nung nililigawan niya at magselos kaya ayon tinawagan ni Kuya Thomas si Ate Hannah para magpaalam." Pag-amin ni Iya

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga sinasabi sa akin ng mga kapatid ni Thomas.

"Uuuuyyy si Ate Ara kinikilig!!!" Asar nila sa akin. "Sana talaga kayo nalang." Dagdag pa nila.

Hindi naman ako sumagot nginitian ko lang sila.

.

.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon