CHAPTER 15 - Salamat, Umamin Din.

17.8K 227 9
                                    

=Kath’s Residence=

Kath: Sige mga sis, akyat muna kayo dun sa kwarto ko. Maglaptop or wii kayo. Kausapin ko muna si Mama about sa plan sa birthday.

Julia & Kiray: Ok, sige!

Kath: Maaaa! Goodevening po. Ma, nabanggit kanina ng barkada yung birthday ko. Ano po bang pwedeng gawin? Party po ba?

Mom: Nako baby, wala ako dito sa birthday mo eh. May business trip kami nila Tita Shiela mo sa Cebu, 5 days yun, aalis kami bukas. Sorry?

Kath: Ganon po ba. Sige po, wag na lang magparty. *tumungo na parang iiyak*

Mom: Sorry ha. Naiintindihan mo naman ako diba? Para sayo din toh. Promise babawi ako pagbalik ko. Wag na sad ha? Anlaki laki na eh? Enjoy na lang with your friends. Mag-iiwan na lang ako ng pera para ikaw na bahala. Itreat mo sila kahit san.

Kath: Sige po ma, thank you. Goodnight. Dito nga po pala matutulog sila Julia.

*Umakyat si Kath na disappointed, pumasok na sa kwarto*


Kiray: Oh gurl, parang biyernes santo yang mukha mo? Anyare?

Kath: Wala dito si mama sa birthday ko, alis daw sila ng mama mo Juls. Mag-iiwan na lang daw siya ng pera panggastos.

Julia: Ay oo nabanggit nga pala saken ni Mama yun.

Kiray: Don’t be sad na. Andito naman kami eh! Papasayahin namen ang birthday mo!

Kath: Thanks sisses. So ano? Anong gagawin naten? Wag niyo sabihing matutulog lang kayo?

Julia: *Habang naglalaptop* Hindi noh. Kwentuhan galore!

Kiray: Dress-up!

Kath: Haha! Sige sige.

Kiray: *Nakita na super daming pictures nila DJ at Kath sa room, meron sa tabi ng kama, meron sa corkboard sa wall at yung iba nakaframe naman, naisipan na niyang eto na ang tamang time para i-open ang topic* Ganito ba talaga kayo kaclose ni DJ?

Kath: Ay oo, simula kasi pagkabata magkaibigan na kami eh.

Kiray: Magkaibigan nga ba talaga?

Kath: *Nagulat sa tanong ni Kiray* Sa totoo lang, di ko na rin alam eh. Total naman na-open na rin ang topic. May sasabihin ako sa inyo.

*Napatigil sa paglalaptop si Julia, si Kiray naman napatigil sa panonood ng TV, sabay pa silang napatakbo sa kama kung nasan si Kath, halatang excited. HAHA*

Julia: Anu yun sisteret? Daliii sabihin na!

Kiray: Ok, naintriga ko! Spill na! Kwentoooooo!

Kath: excited much? Eto na nga. Eh kasi simula nung umuwi ako dito sa Pilipinas. Parang iba na yung tingin k okay DJ. Lam niyo naman siguro ibig sabihin ko diba?

Kiray: Continue…

Kath: Ayun nga, parang  gusto ko lagi siyang kasama, super saya ko pag kasama ko siya na parang ayaw ko ng paalisin pa?

Julia: Crush mo siya?

Kath: Para ngang hindi crush eh. Kasi diba pag crush, lumilipas din? Eh etong sa kanya, nakakaloka, every minute of every day naiisip ko si DJ. Haha. Charot lang. Pero naiisip ko talaga siya parati. Yung mga happy moments namen.

Kiray: So, ibig mong sabihin….

Kath: MAHAL KO NA YATA SIYA. *sigh*

Julia & Kiray: Hay salamat! Umamin din!

Oo, Mahal Kita. Walang Magbabago ha? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon