CHAPTER 28 - Why do I always have to suffer?

16.1K 162 11
                                    

=DJ’s POV=

Grabe ang saya ko, ok na ang puso ni Kath, sana gumaling na sya agad para makagala na kami at makauwi na rin sa Pilipinas. Dala-dala ko ang pagkain namen, nasa pinto ako ngayon ng room ni Kath, naririnig kong sumisigaw si Kath at umiiyak ng sobra kausap niya Mama niya. Sabe ng ayokong umiiyak to eh, Hindi muna ko pumasok at nakinig sa usapan. At nanghina ako sa narinig ko….

Kath: Ma, alam ng isip ko na mahal ko si DJ, pero wala sa puso ko. *umiyak na ng sobra* Bakit ganito maaaaa?!! Hindi pwede to……

Min: *niyakap si Kath* Calm down baby, malay mo nag-aadjust lang yang puso mo. Give it some time.

Kath: Maaaa. Ayoko ng ganito. Naghintay ako ng matagal para maayos ang puso ko pero hindi ko gusto ang kinalabasan!! Mas gusto ko pa yung dati kong puso na nagmamahal sa boyfriend ko, kay DJ ko.. Anung gagawin kooooo!!?????? Huhuhuhu. :’(

Anong gagawin ko? Posible ba talagang mangyari yun. Eto na ang kinakatakutan kong mangyari. Ang pagbabago ng puso niya. Bakit!? May nagawa po ba kong mali? Bakit ganito gusto ko na umiyak pero hindi pwede. Kumatok na lang ako sa pinto para maputol ang usapan nila. Pagpasok ko, nagpunas nag luha si Kath, umakto na lang ako na kunwaring walang narinig. Fake smile ako pagpasok, tinawag ako ni Kath…

Kath: Baby?

DJ: Yes baby? Eto na food mo o.

*Natawag niya pa kong baby, pero bago ko pa maiabot yung pagkain niya, hinigit niya ko at niyakap niya ko, niyakap niya ko ng sobrang higpit. Naiyak na ko dahil naalala ko na naman ang sinabi niya kanina, hindi ko napigilan. Yumakap na lang din ako sa kanya. I don’t want to let her go. Nagsalita na lang ako na kunwaring walang alam*

DJ: Baby, what’s wrong?

Kath: Dito  ka lang baby, Just let me hug you for a while. DJ, alam mo namang mahal na mahal kita diba?

DJ: Oo naman. Bakit ba? What’s bothering you?

Kath: Basta lage mong tatandaan ang paulit-ulit kong sinasabi sayo. Mahal kita. Walang Iba. *umiyak na lang siya ng umiyak*

Nakita ko si tita na umiiyak sa may isang tabi, lumabas siya, mukhang pati siya nabigla sa pangyayari. Pinahiga ko na si Kath at baka makasama pa sa kanya ang ganong lagay, nakatulog siya, lumabas muna ako at umkyat sa rooftop ng hospital at di ko napansing sinundan pala ko ni Tita Min.

Min: DJ nak, pagpasensyahan mo na si Kath sa pag-iyak niya kanina ha.

DJ: *naluha* Tita, narinig ko po yung usapan niyo kanina. *sigh*

Min: Ha?

DJ: Yung about po sa nararamdaman ni Kath para saken.

Min: Oh. *niyakap si DJ* DJ, mahal ka ng anak ko, alam mo yan. Hindi ko rin alam kung bakit ganun ang nangyari, Hindi ko alam na possible pa lang mangyari yun.

DJ: Kahit ako tita, kaya sumunod po agad ako dito kasi nga ayokong mangyari yun. Pero nangyari naman.

Min: anong balak mo nak? Iiwan mo na ba ang anak ko?

DJ: Tita, alam mo naman pong hindi ko magagawa yun kay Kath, mahal ko po siya. At hindi po nagbago yun simula pa nung una. Natatakot lang po ako na baka sa huli ipagtabuyan niya po ako at baka tuluyan ng mawala ang nararamdaman niya para saken.

Min: Siguro Dj you’re asking yourself Why do you always have to suffer? Nakikita ko naman noon pa ang mga paghihirap mo sa anak ko. I’ll be the one na lang to say sorry for that. Alam kong hindi ginusto ni Kath yun dahil nasa tabi nya ko nung mga time na yun, kung hindi mo alam DJ, sobrang nasaktan siya nung mga panahong umiwas siya sayo, ang pagtatago niya about sa sakit niya at lalo na nung nagbreak kayo.

Oo, Mahal Kita. Walang Magbabago ha? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon