CHAPTER 25 - Sleepover + Exchange Gift.

16.4K 190 13
                                    

 Happy 11/11/11 po. :) *Nakikiuso lang, once in a blue moon lang to :))))*

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*Nakalipas ang ilang linggo after ng aminan. Nalaman na ng lahat ang totoo about sa sakit ni Kath, nasabi na kela Tita Karla at sa buong barkada. Nalungkot sila pero super alaga sila kay Kath everytime.  March na. Nagkaron ng meeting ang barkada*


=Sa rooftop=

Neil: agenda?

Yen: I have an idea guys, sleepover naman tayo.

Kiray: Oo nga, para may bonding moment naman tayo.

EJ: Oo nga, hindi naman sa nasasawa ako Vanilla ha, pero ever since na puro couples na tayo wala ng bonding ang barkada.

Julia: Go ako diyan!

Diego: Ako din, kasama naman pala si Julia ee.

Kath: Siyempre ako din! And I have another Idea, total hindi tayo nakapag exchange gift nung pasko, ngayon naten gawin. Tatawagin naten tong exchange gift for Graduation.

DJ: Kelangan ganun kadrama ang sleepover?

Kath: O bakit? Ayaw mo? Edi sige wag ka sumama, kami na lang.

DJ: Tampuhin talaga ng baby ko oh. Joke lang po. Syempre sasama ako. Kasama ka eh. So ano magbubunutan ng names?

Kath: Tsss.

Julia: E kung ganito na lang, wag na bunutan, by pair na lang ang magpapalit ng gifts para special talaga. Girls, you have to pick a very special gift for your boyfriend. Boys, vice versa.

Yen: Uuuy! Kilig naman. Agree ako jan.

Kiray: HAHAHA. Cheesy pero agree din ako.

Neil: O sige, go rin ako jan. San nga pala tayo magsleepover?

Kath: Samin na lang, ipapahanda ko na yung kwarto at mga pagkain naten.

EJ: Ok after class, kanya kanya na muna tayo ha.

Kath: Kumuha na rin kayo ng mga gamit sa inyong bahay. 7 pm sa bahay!

DJ: Dapat lang! Sigeee. Pasok na muna tayo sa klase.

*Natapos na ang klase at kaya nagpunta na sila sa kanya kanyang pupuntahan. Syempre para surprise. After nun. Isa isa na silang nagdatingan sa bahay nila Kath. Dinner muna*


=Sa dining area=

Neil: O bebe Kath, nakainom ka na ba ng gamot mo?

DJ: Oy wag mo ngang tawaging ganyan ang baby ko. *syempre pabiro lang*

Diego: Haha. Selos ka pa kay Neil?

Yen: Oo nga Kath, ok ba pakiramdam mo ngayon?

EJ: Ako na kukuha ng gamut mo, san ba nakalagay?

Julia: Nakakatuwa naman Kiray, di na lang tayo nag-aalalay kay Kath.

Kiray: CHECK! O ano say mo Kath?

Kath: Guys. Chill lang. Ok lang ako tsaka sabe ko sa inyo gusto ko normal lang trato diba? Pero super thank you sa concern. I love you guys!

DJ: Ako ba? Walang Love you jan?

Kath: Kanina ka pa, side comment ng side comment ah. Hahaha. Para sa lahat na nga yung pagsabi ko ng labyu eh.

Oo, Mahal Kita. Walang Magbabago ha? ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon