Page 03

205 20 3
                                    

- -

"Hi Miss, just passing by. :)"  

Nagtatype ako ng story nang makita ko yan sa message board ko. Kakaunti lang ang nagme-message saakin kaya masaya akong nagreply sa message board ng lalakeng iyon.

"Hello! :)"

We started a small talk hanggang sa nalaman ko na mas matanda pala ako sa kanya so he decided to call me ate pero ayoko. Hanggang dun na lang. Di na sya nagreply.

Nawala tuloy ako sa sinusulat kong story. Akala ko kasi magkakaroon na ko ng kabigan dito. 

Nagpahinga ako ng ilang minuto para kumain at saka bumalik ulit sa pagsususlat. Nakatapos ako ng ilang chapter bago ako natulog.



..kinabukasan. Pagkagising ko matapos kumain at maligo ay binuhos ko ang buong araw para tapusin lahat ng projects na natitira. Mga bandang tanghali din dumating si Mama at Kuya galing sa probinsya.

"Nagsusulat ka na naman no? Halika kumain ka muna dito." Sabi ni Mama.

"Di po ma, nagawa po ako projects. Sige po kakakain ko lang." Sagot ko. 

"My Queen.."

Umihip ang hangin sa loob ng kwarto ko at para akong nangingilabot. Akala ko ay permanente na syang mawawala sa utak ko.

"You know you just can't forget about me, my queen."

I can imagine Dalton sitting on my bed beside me. Kagaya ng pagtabi nya kay Aoi nung gumagawa sya ng assignments nya.

"Hindi ka si Aoi, Halsey. Stop it."

At bigla na naman syang nawala. Mabuti na lang, 

Pagkatapos ko sa mga projects ko ay bumaba na ako para samahan sila Mama manuod ng basketball. Pero ang totoo nyan ay may hawak akong cellphone at nagbabasa sa wattpad. 

"Hal." Tawag sakin ng Kuya ko.

"Bakit?"

"May bago tayong kapitbahay alam mo ba?"

"Talaga, hindi eh." Sagot ko habang nakatingin pa din sa cellphone.

"Wala ka talagang alam." Aniya. Inirapan ko sya kaya napatawa sya, 

"I wish I have longer life, Halsey."

Napatingin ako sa paligid, palagi ko syang hinahanap even though I know I won't find him. 

"I wish I'm not just like any other character of your story."

Napatigil ako sa paggalaw nang marinig ko si Dalton na umiiyak. Parang binibiyak ang puso ko habang naririnig ko sya. My conscience is telling me I killed a beautiful man.  

"You'll always be my Queen Halsey, remember I will be the first one wiping your tears."



I can imagine Dalton's sad face while bidding goodbye. 







closing our bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon