"Hals, anak, pakitapon nga nitong basura sa labas." Napatingin ako sa isang sako ng basura na nakantabay sa kusina namin.
Habang hirap na hirap akong nagbubuhat ng sako, hindi mawala wala sa isip kong wala na nga si Dalton. Tatlong linggo na syang hindi nagpaparamdam. Dati ay gustong gusto ko syang mawala sa utak ko pero ngayon ay parang nakukulangan ako kapag wala sya.
Napabuntong hininga na lang ako habang nilalagay yung sako sa basurahan.
"Hoy."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nilingon ko yung nag-hoy sakin. Si Dalton kaya iyon?
"Dun mo ilagay sa basurahan nyo yang basura nyo. Wag samin. Tsk."
Eh...? Hindi pala si Dalton, eh sino kaya tong maka-hoy parang di tao ang kausap nya.
Nung tiningnan ko yung sako namin ay mali nga ng pagpepwestuhan. Hindi pala namin basurahan yun.
"Sorry!" Sabi ko na lang at nilipat yung sako.
Hindi man lang ako nginitian.
- -
Kinabukasan
"Ma." Tawag ko habang nagluluto sya ng almusal bago ako pumasok.
"Oh?"
"Kita ko na yung nakatira sa kabila." Sabi ko.
"Kamusta naman? Ang babait nila diba? Kanina ay nakausap ko iyong may-ari ng bahay. Galing pala sila ng Canada. Naalala ko doon nga pala tayo magdi-dinner sa kanila mamaya."
"Ay hindi ma! Nakasabay ko magtapon ng basura yung lalake, kagabi. Hindi man lang ako ningitian!"
"Haha. Pabayaan mo na anak baka nahihiya lang."
Nahihiya? Hay ewan.
Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na ako sa university. Medyo maaga pa ako kaya kalmado akong pumasok sa room namin na wala pang tao.
Sinipag tuloy akong maglinis ng kaunti para naman may magawa.