Page 11

273 14 4
                                    



Bangag na bangag akong pumasok sa University dahil sa insomnia. Nakatingin lang saakin yung mga kaklase ko habang pumapasok ako sa room. Sabi nga ng isa ay mukha daw akong zombie.


"Bakit naman ganyan itsura mo?" Tanong sakin ni Pete.

"Walang tulog." Sagot ko at inihiga ang ulo sa desk . Parang iiyak na yung mga mata ko sa kagustuhang matulog pero sakto namang dating ng instructor namin.


"Good morning class. May meeting ako sa main campus so this will be very quick. May ipapasa lang akong activity sheet sa President nyo at kayo na bahala mag photocopy. Hindi kayo aalis ng room without answering it, understood?"


Haaaaay salamat!


"Ikaw na bahala sakin Pete, goodnight."  


At pinikit ko na kaagad ang mga mata ko kahit na mukhang nagrereklamo pa si Pete.


- -


Tiningnan kong maigi si Halsey habang natutulog. No choice kundi tapusin ko lahat ang paper namin. Hays. Kung di lang talaga--


"Oy Peter di ka pa tapos dyan?" Tanong ng isa kong kaklase.


"Hindi pa eh, alis na kayo?"


"Yep, mall muna kami tagal pa ng next subject eh."


Oo nga pala,  3 hours ang subject na to at 2 hours naman ang vacant. Katamad hays. Sinubukan ko yugyugin si Halsey pero ayaw naman magising, tulog mantika. =___=


Ilang minuto pa at natapos ko na din ang sheet nya.


"Halsey, papasa ko lang to kay Pres dyan ka muna."


- -




Nggggh. 


Anong oras na ba? 


"Pete?"


Nasaan kaya yung ugok na yun. Iniwan ako. Tetext ko sana sya pero di nagsend. Lumabas ako ng room para hanapin sya. Baka nasa cafeteria. Tagal pa naman ng vacant.


Teka, di ko pa pala nasasabi sa kanya lilipat kami ng bahay. Paano ko kaya sasabihin sa kanya yun. 


"Miss Halsey." Nilingon ko yung tumawag sakin. Si Sir pala. Yung instructor namin sa lit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

closing our bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon