- -
Kasalakuyan akong nakatayo sa harapan ng librarian's desk ng Boys' Town Library. Si Pete ang pinagbayad ko para sa borrower's card. Pagtapos namin bumili ay dumiretso na kami sa section ng History. Tama si Pete napalaki ng library na 'to. Walang wala kung ikukumpara sa library ng university namin.
"Oh, sarado mo yan baka pasukan yan ng langaw."
"Heh." Sabi ko na lang. Nagtingin-tingin ako sa paligid dahil baka makasalubong ko dito yung Caleb na yun. Pero asa naman ako, mukhang hindi naman sya mahilig sa mga libro.
"Uy dito tayo Halsey."
Lagpas ng tatlong daan ang mga libro sa history section, mukhang mahihirapan yata kami maghanap nito. Hays.
"Sige dun ako maghahanap tapos dito ka na lang Pete para mas marami tayong mahanap." Suhestyon ko kay Pete. Lumipat ako sa kabila at doon naghanap.
Halo-halo ang origin ng mga libro kaya't di ko alam kung saan ako magsisimula. "Haaays, saan ba ko maghahanap ng history ng mga mathematicians.."
"Hals! Kita ko na!"
"Shh.."
"Ay sorry."
Halatang nahihiya si Pete nang lumapit sakin matapos sitahin ng mga estudyanteng nagaaral. Hawak hawak nya yung libro. "Saan mo nakuha yan?"
"Dun sa Math section hahaha. Tara hiramin na natin."
Matapos namin hiramin ay dumiretso na kaagad kami sa labas ng University. Mas dumami na ang mga estudyante, kumpara kanina. Lunch break na din kasi nang pumunta kami dito.
"Tara bigay na natin 'to kay Miss Cynthia." Sabi ko kay Pete pero; "Wag muna, gala muna tayo dito minsan lang tayo magawi dito eh."
Hinila nya ako papunta sa kung saan. Ang dami ko tuloy nabanggang estudyante. "Teka Pete pagod na ko." Bumitaw ako sa pagkakahawak nya. Nasa tapat kami ng gymnasium.
"Teka Pete nakakahiya. Di naman tayo taga dito eh." Bulong ko kay Pete pero nasa gymnasium pa din ang baling ng tingin nya.
"Pete!"
"Pete ako lang nagiisang babae dito tara na.." Napalakas yata ang sigaw ko at nagtinginan ang mga lalake sa paligid ko. Pahamak ka talaga Pete!
"Tara na nga!" Hinila ko paalis si Pete, mukhang ayaw pa sana pero nagpadala na din. Nagmamadali akong naglalakad palabas nang may humarang sa amin.

BINABASA MO ANG
closing our book
RomanceI never wanted to write any story other than the story I've shared with you, but after everything I promise I will be the one closing our book.