- -
"Ma, feeling ko may sakit ako." Hinarap ko kaagad si mama na nasa kusina at nagluluto. Hinapo nya ang noo ko, pati leeg. "Wala naman ah."
"Sakit ng ulo ko Ma, kanina pa 'to mula nung bumagsak ako sa quiz namin sa calculus." Nagpaawa pa ako sa kanya para maniwala sya.
"Anak, palagi ka naman bumabagsak sa quiz mo sa calculus. Tumabi ka na dyan at di pa ko tapos magluto." Tinulak nya ko sa tabi.
"Ma naman eh." Nag-pout pa ko para effective. Pero di naman nya ko pinansin. "Ano ba yang niluluto mo?" Tanong ko.
"Adobong manok." Sagot niya at hindi na ulit ako pinansin. Ano ba naman 'tong nanay ko.
"Ma.."
"Ma.."
"Ma!!! Aray!" Pinukpok nya ako ng sandok sa ulo kakasigaw ko. "Ang ingay ingay mo, dun ka na nga lang sa sala."
"..Eh Ma."
"Bakit ba?" Iritado nyang tanong. Alam ko ayaw niyang nagagambala pag nagluluto sya dahil papangit daw ang lasa ng specialty nya.
"Di ako sasama sa dinner mamaya sa kapitbahay ha." Pabulong kong sabi. Sana payagan ako! Please please pleaaaa--
"Sasama ka Halsey. Magsuot ka ng pormal na dress kung ayaw mong mapukpok ulit ng sandok dyan." Sagot nya habang nakatingin saakin ng masama. Sabi ko nga! Sabi ko nga! T___T
- -
Kanina pa akong paikot ikot sa salamin habang nakasuot ng blue and black dress na nakatago sa baul ko. "Ma, pwede bang di na ko sumama!" Sigaw ko para marinig ni mama sa kabilang kwarto na nag-aayos na din.
"Pag di ka sumama di ka makakakain ngayong gabi." Sagot nya. Kaya no choice. Ano pa kayang mukhang maihaharap ko sa lalakeng yun.
Sinubukan ko lang naman syang sagipin dun sa lalake. I kennat.
Napatigil lang ako sa pagaayos nang katukin ako ni Mama. Aalis na daw sabi nya. "Opo ma, pababa na po." Sabi ko atsaka bumaba na nga. Dala dala ni mama yung adobong niluto nya kanina. Katabi ko si Kuya sa kaliwa atsaka ko siniko.
"Bakit?" Tanong nya. "Pustahan tayo may masungit na lalaking nakatira dyan."
"Haha, ba't parang natatakot ka? Wag ka na ngang maginarte dyan. Lika na pasok na tayo."
Kumatok si Mama ng dalawang beses bago pa kami pagbuksan ng isang matandang babae na wari ko'y nasa mid 50s na.
"Martha," ngumiti ito kay Mama, inialok naman ni Mama ang adobong hawak nya at saka kami pinapasok.
Their house is a bit bigger than ours, painted cream. Their lawn is perfectly mowed, may mini garden din sila na may red and white roses, gusto ko sana pitasin hehe. Nakakagulat naman ang loob ng bahay nila. Halatang mayaman ang nakatira sa bahay na'to. Nakakalula ang ganda ng mga gamit sa loob, pero nakakadistract naman ang isang picture frame na nasa tabi ng Keyboard piano sa ilalim ng hagdan. "Ay ang cute sinong baby nagdrawing nito?"
Nakangiti kong tanong kay Tita Carla."Hahahahaha!"
Napalingon ako sa babaeng biglang tumawa sa gilid ko.
"Bakit po?" Tanong ko sa magandang babae na tingin ko'y nasa mid 20s na nya. Tumigil sya sa pagtawa pero bakas pa din sa mukha nya yung saya ng sagutin nya ko ng, "wala naman pfft."
Dumiretso kami sa dining room, and luckily wala pa yung lalakeng yun. Umupo ako sa tabi ni Mama. There are six seats. Si Kuya ay nasa harap ko katabi yung babae kanina. Wala namang nakaupo sa harap ni Tita Carla.
Nagdasal muna kami bago kumain. Habang kumakain naman ay masaya silang nagkakwentuhan. Mula sa kung bakit sila lumipat sa Pilipinas, hanggang sa kung gaano kasarap yung adobong niluto ni Mama, ayon pa kay Tita ay sayang daw at wala ang bunso nya, paborito nya daw kasi yun. Siguro yung bunso na yun yung nagdrawing nung cute na bahay kanina. Haha.
Matapos kumain ay nanatili sila doon, di natapos yung kwentuhan nila.
Ako lang walang kausap. Si Kuya, kausap yung magandang babae na si Ate Stella.
"Excuse me, cr lang po ako, san po ba?" Tanong ko, nang makahanap ako ng lakas ng loob na abalahin sila.
"Ah diretso ka lang dyan tapos kaliwa." Sabi ni Ate Stella, nginitian ko muna siya bago ako umalis. Hehe. Dire-diretso akong pumasok sa cr para maghugas ng kamay, hindi ko na sinarado yung pinto kasi di ko mahanap yung switch ng ilaw.
Nang matapos ako maghugas ay may napansin ako sa sulok. May kwarto doon, nakaka-curious 'yong sign nito na "Do not enter" Kaya pinasok ko ito ng walang permiso.
"Ang dilim.." Wala akong maaninag at hindi ko din alam kung nasaan ang switch kaya lumabas ako kaagad pero nagulat na lang ako sa kung anong nakita ko sa labas.
"W-waa..waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"
"Sht!!" Pinunasan nya kaagad ang mga mata nya mula sa pagkakahilamos gamit yung uniform niyang may mantsa ng ice cream ko kanina. Sinugod nya ako kaya napatakbo ako palabas, bago pa man ako makarating sa hapag kainan ay naramdaman ko na yung kamay nya sa likod ko kaya humarap ako sa kanya at tinulak sya
pero nadulas ako at lumagapak sa sahig kasama sya
Napahawak sya sa may ulo nya sa lakas ng pagkakabagsak namin sa sahig. Pareho kaming hindi makatayo.
"Halsey!!"
Tawag ni Mama na alam kong matinding explanation ang kapalit. Napapikit na lang ako sa kapalpakan ko ngayong araw na 'to.
BINABASA MO ANG
closing our book
RomansI never wanted to write any story other than the story I've shared with you, but after everything I promise I will be the one closing our book.