Page 09

156 9 1
                                    

- - 



Saturday; 08: 36 am. Tagaktak ang pawis ko habang mabusisi kong pinapantay ang bermuda grass sa bakod namin.  


"Nak, malapit na ba yan? Sabi ko naman sayo wag mo na yan pagkaabalahan at di na naman natin yan magagamit." 


"Sandali na lang po Ma, matatapos na 'po ito." Sigaw ko pabalik. Last look, tiningnan ko kung pantay ba at kung malinis na tingnan ang bakod namin. Perfect!



Papasok na ako ng bahay nang makita kong palabas naman ng bahay si Caleb. He's wearing a jersey at may dala dalang basketball. 


"Magba-basketball ka?" Tanong ko sa kanya.


"Nope, table tennis." While flashing a hideous smile. Tss. Dumba$s.


"Aga aga nangiirap ka dyan Haha."


"Aga aga nambi-bwisit ka."


Pinagmasdan ko lang sya habang lumalakad palayo ng nakangiti na parang baliw sa tabing kalye. Mukha kang aso Caleb kung alam mo lang. Pfft.


Later then I finished breakfast. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ko ng RPW Confessions nang mag ring ang phone ko. Sht 4% na lang.


"Hello?"


"Halsey!"


"Oh Pete napatawag ka? Bilisan mo 4% na lang battery ko."


"Ay hehe. Ano, punta ka ng court bandang 1 pm. May liga kami cheer mo ko babes. Hehehe."


"Babes mo mukha mo. Oo na sige. Lobat na ko, bye."



Teka, liga daw? Kasali kaya si Caleb dun? Hmm... Ay teka anong pake ko dun sa kulugong yun? Matagal tagal pa naman ang liga, maliligo muna ako.


- -


NaughtyBacon sent a message.


"Hi Kyung."  12:36 pm


- -



            Marami nang tao sa loob ng court nang makarating ako. Hindi pa yata ako makakaupo kung di dahil kay Pete na pinaupo ako sa space na para sa kanilang team. He's been winking at me since makarating ako dito, parang timang akala nya yata kikiligin ako sa pagapacute nya. 


"Babes, cheer for me okay? *wink*"  Binato ko nga ng towel sa mukha. Tinawanan lang ako ng mokong. "Galingan mong unggoy ka ha may pa-babes babes ka pa dyan kapag ikaw natalo libre mo ko isaw mamaya!" Sabay tongue out ko sa kanya. Thumbs up naman ang response nya sakin bago iannounce na dumating na ang opponent's team.

closing our bookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon