- -
"MAAAAAAA!" Napatakip si Mama ng tenga sa sigaw ko habang nagpapaliwanag sa kanya. "Alam mo namang hindi mo ako pinalaking manyak di ba?" Nakanguso kong paliwanag sa kanya.
"Nakakahiya yung ginawa mo Halsey, nakakahiya kay Carla!"
"Eh.. Hindi ko naman sadya yun eh, nadulas lang ako nung tinulak ko sya kasi hinabol nya ko." Paliwanag ko.
"Sus, ang sabihin mo crush mo yung kapitbahay natin. Hahaha!" Singit naman ni Kuya. Lalo tuloy nag-init yung tingin sakin ni Mama.
"Hoy hindi ah!" Depensa ko.
"Magsorry ka bukas kay Caleb." Utos ni Mama.
"Ma nam--" Tumalikod kaagad si Mama bago ka pa man matapos yung sasabihin ko. *sighs*
Magsorry? Hay nako naman!
- -
Madaling araw ng sabado, gumising ako ng maaga para makapag-jogging. Nakasuot ako ng simpleng shirt na may tatak na, "Dango" kapares ang isang paborito kong shorts. Kinabit ko ang earphones ko saka ako lumabas ng bahay at nagikot-ikot kasama ang alaga kong aso na si Tokwa.
Minabuti kong sa kabilang street dumaan para di ko madaanan ang bahay nung Caleb na sinasabi ni Mama. Di ako makapaniwalang kelangan ko mag-sorry. Hindi ko naman kasalanan diba? I was just defending myself! Afterall sya naman itong humabol saakin. *sighs*
"Arf! Arf!"
Napatigil ako sa pag-jog nang tumigil si Tokwa. Pagtingin ko sa tinatahulan niya ay nakita ko si Pete sa may basketball court at nagpa-practice kasama ang dalawang lalake pa.
"Pete!" Tawag ko sa kanya. Napatigil si Pete sa pagba-basketball at pinuntahan ako habang nakangiti.
"Halsey! Good Morning!" Bati niya saka nakipaglaro kay Tokwa.
"May liga ba kayo? Bakit ka nagpapractice? Haha."
"Oo eh, hindi mo ba nabalitaan? Haha." Sagot niya. Umiling ako bilang sagot. "Dapat sinabi mong magja-jogging ka para nasamahan kita." Dagdag ni Pete.
"Hindi ko naman plano 'to, gusto ko lang mapagisip-isip ngayon Haha." Sagot ko saka tumingin sa baba. "Bakit, may problema ba?" Tanong ni Pete.
"Wala naman, nagiisip lang ako ng pwedeng topic sa essay na ipapasa natin. Ikaw meron ka na ba?" Baling ko sa kanya ng tanong kahit na ang totoo ay iniisip ko kung paano ba ako hihingi ng tawad sa taong ayaw ko naman hingian ng tawad.
"Meron na, actually matatapos ko na yung essay ko."
"Waah! Buti ka pa. Ako nga hindi pa nagsisimula." Sabay tawa ko sa kanya. "Osya, balik ka na dun sa mga kasama mo. Uuwi na din ako Pete."
Nagpaalam na ako sa kanya at saka tuluyang umalis. Alas sais y media na din ng umaga. Nag-jog ako pabalik ng bahay nang makalimutan kong may iniiwasan nga pala akong daan. Huli na ng makita ko si Caleb na nagdi-dribble ng bola ng basketball sa may bakuran nila. May suot syang salamin at isang weirdong statement shirt na may nakalagay na "Naughty".
Binilisan ko ang pag-jogging para di nya ako sana makita. Nilakasan ko din ang volume ng pinapatugtog ko para di ko sya marinig kung sakaling tawagin niya ako, pero asa naman ako. Isang hakbang na lang ang layo ko sa bakuran namin nang tumigil si Tokwa sa pagtakbo at saka nagtatahol.
"Halsey ilag!"
Parang slow-mo ang eksena ko habang tinitingnan yung bola papalapit na tumama sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
closing our book
RomanceI never wanted to write any story other than the story I've shared with you, but after everything I promise I will be the one closing our book.