Chapter 14

1.5K 26 11
                                    

Pinag-isipan nga ng mabuti ni Dawn ang offer sa kanya ng boss nya pero hindi talaga nya kayang sya pa ang magsumbong sa boss ni Richard.

“Pasensya ka na Richard lahat ng matataas ang katungkulan sa pwesto dito sa kumpanya ko ina-update ko o sabihin na natin pina-i-imbestigahan alam mo namang kaakibat ng relihiyon ko ang kumpanya ko kaya hindi ko tino-tolerate ang mga katulad mong may higit pa sa isang asawa.” CEO

“Naintindihan ko po.” Richard

“Magaling ka at ayaw ko sanang mawala ka sa kumanyang ito pero pasensya ka na ang kumpanyang ito ay itinayo ko para makatulong sa bawat pamilya ng mga empleyado ko hindi para maging daan para tustusan ang kabit. Im sorry but I’m firing you Richard.” CEO

“O-Ok lang po. Naintidihan ko po ang kasalanan ko.” Richard

“Nalulungkot ako para sa’yo dahil alam kong kapag nanggaling na rito sa kumpanya ko hindi na tinatanggap pa sa iba. Dahil ito na ang pinakamayamang kumpanya at kalat sa buong mundo ang policy ko. Once na natanggal ka rito hindi ka na tatanggapin ng iba.” CEO

“Yes I know.” Richard

Pagkatapos nilang mag-usap ng may-ari ay niligpit nya na ang mga gamit nya at umuwi sa bahay nila ni Dawn hindi naman kasi sya pinalayas nito pero hindi rin naman sya kinakausap masyado, mag-uusap lang sila pag may kailangang itanong at isa pa dun sya natutulog sa guest room ayaw kasi syang makatabi ni Dawn.

“H-hi.” Richard

“Bakit ang aga mo? Ano yan?” Dawn

Tumungo lng si Richard at pumasok sa bahay…

“Wala na akong trabaho. Alam na nilang may kabit ako.” Richard

“Paano?” Dawn

“Nag- lifestyle - update ang boss namin kaya yun siguro nagtanong sa kapitbahay o anuman kaya alam na nila at tinanggal ako.” Richard

“Papasok na ako.” Dawn

Naawa sya kay Richard pero wala syang magawa dahil tadhana na ang may gusto nito.

End of Chapter 14

Follow, vote and comment for dedication ^_^

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon