Through The Test Of Time: Chapter 25

578 25 3
                                    

Dawn's POV

Mula ng umalis sina Lea upang manirahan sa ibang bansa ay wala na akong ibang nakausap at nakasama sa galaan. Wala rin akong mapagsabihan ng nararamdaman ko. Kung totoo nga itong nararamdaman kong ito.

Kasalukuyan akong nandito sa aming kwarto, nakaupo sa dulo ng kama at may hawak na rosaryo.

Diyos ko, kung kukunin mo na ang buhay ko sana huwag muna ngayon. Sana hayaan mo munang makita kong magkatrabaho si Kathryn at bata pa si Tin-Tin para maiwan ko rito. Hindi naman po ako natatakot mamatay pero ang ikinatatakot ko ay ang magiging buhay ng mga anak ko oras na iwan ko sila. Hayaan nyo po munang maging stable ang buhay nila at pagkatapos ako pa mismo ang magdarasal sa inyo upang bawiin nyo ang buhay na pinagkaloob nyo sa akin. Pero sa ngayon, isang masidhing paggabay po muna mula sa inyo panginoon ang hinihiling ko.

Amen.

Matapos kong magdasal ay itinago ko ang rosaryo ko sa ilalim ng kutson.

"Mommy..." Napangiti ako ng makita ko ang bunso ko ng umupo sa kama habang ibina-bounce ang sarili.

Tumabi ako sa kanya at hinaplos ang buhok n'ya. "Dalaga na ang baby ko ah. Payakap nga." Niyakap ko sya at dinama ang init ng kanyang yakap, "mamimiss kita anak." Sabi ko dagli naman syang napatingin sa akin.

"Bakit mommy saan ka pupunta?" Kunot noo nyang tanong sa akin. Napangiti ako ng mapakla ng magsalita ulit ito, "Sama ako mommy?" Niyakap nya akong muli.

"Wala. Mamimiss kita kapag dumating yung time na mag-aasawa ka na din gaya ng ate mo." Sabi ko na lang.

"Ah...matagal pa po yun. I'm only in 3rd year high school eh." Natawa ako. "Nga pala mommy, bakit si daddy palaging late umuuwe?" Tanong ni Tin.

Napatigil ako saglit sa kanyang tanong. Paano ko sasabihin sa kanya na, "Anak kasi your dad and that bitch mistress are back in each others arms, I saw them exiting the motel nung nagpacheck up ako sa hospital na katapat nun."? Paano ko sasabihin yon?

Paano rin kung tanungin nya ako kung bakit ako nagpunta sa ospital? Paano ko sasabihin na baka mamamatay na ako soon? Baka lang naman pero kasi unti-unti na rin akong nanghihina. Hindi ko maimagine na ililibing ako while Tin-Tin is so young. Naalala ko bigla ang sinapit ni Kathryn sa kamay ni Greta noong nasa Brazil ako.

Hindi ko maimagine na hindi kakain si Tin-Tin ng maayos. Na maglilinis sya ng buong bahay, na pinapalo at minamaltrato ng ibang babae na ipapalit sa akin ng ama nya. At lalong hindi ko maimagine na matutulog si tintin sa labas ng bahay habang umuulan at pinapapak ng lamok habang nagpupuyos sa galit at lungkot.

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon