Chapter 40

1.7K 37 1
                                    

Sabado ngayon kaya walang pasok sa kumpanya. Nasa sa empleyado na lang kung papasok sila para may dagdag kita. Umalis si Lea ng bahay pero hindi sya pumasok namasyal lang sya dahil sobrang namiss nya ang pinas.

Habang naglalakad lakad sya. Nabangga sya ng isang lalaking may hawak na lobong hugis puso at isang puting rosas.

“Ano ba? Bakit kasi hinaharangan ng lobo ang mukha eh nakabangga ka tuloy!” Bulyaw nya sa lalaki habang pinupunasan ang pantalon nyang medyong nadumihan dahil napaupo sya.

Nagtaka sya dahil hindi pa rin inaalis ng lalaki ang lobong nakaharang sa mukha nya. Lumakad sya pero sumunod ito sa kanya.

“Aga pwede alisin mo na yang lobo sa mukha mo at pwede huwag ka nang sumunod sakin baka putukin ko lang yang lobo dyan sa pagmumukha mo.” Sabi ni Lea kay Aga pero diretso lang ang tingin nito sa dinadaanan nya.

“Paano mo nalaman na ako ‘to?” Aga

“Ang baduy kasi na style mo eh. Saka kilala ko yang amoy mong yan.” Lea

“Talaga? Pano mo ko nakilala dahil sa amoy ko?” Aga

“Malamang ako bumili nyang pabango mo sa Canada! Saka wala namang ganyang pabango dito noh.” Lea

Tumalikod sya kay Aga at nagmadaling maglakad pero hinabol pa rin sya nito.

“Sandali lang.” hinawakan nya ang braso nito at iniharap sa kanya “Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa naglalakad.” Aga

“Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa sumusunod!” Lea

“Hindi.” Ngumiti pa ito sa kanya

^_^ Aga

*pouts* Lea

“Epal!” tinalikuran ulit sya ni Lea

“Bakit ba ang sungit mo?!” Aga

“Sayo lang ako masungit nuh!” Lea

“Sorry na kung niloko kita. Sorry na kung pinagpustahan ka namin. Pero promise sincere ako sa sorry ko.” Aga

“Papatawarin kita. Sa isang kundisyon.” Lea

“Kahit ano.” Aga

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon