Through The Test Of Time: Chapter 22

644 30 4
                                    


Dawn's POV

"Kumusta kayo ni Aga?" Tanong ni Dawn kay Lea ng bisitahin nya ito sa bahay nila.

"Okay lang. May mga nagbago lang but we're okay." Nakangiti naman nyang sagot kay Dawn.

Kasalukuyan silang nagkukuwentuhan ng madako ang usapan kay Greta.

"Bye the way ate, kumusta kayo? I mean baka nanggugulo pa rin si Greta ha?" Napa-iling naman si Dawn sa tanong na iyon ni Lea.

Mula kasi ng magbalikan sila ni Richard ay hindi pa ito nagpaparamdam.

"Hindi naman na sya nanggugulo. Kaya lang kilala ko 'yang hitad kong pinsan. Kapag nanahimik yan bumubwelo lang 'yan." Sagot nya saka humigop ng kape.

"Baka naman kapag bumwelta ulit si Gretchen hiwalay na ulit kayo ni Richard ha? Hahahah! Parang switch lang ng ilaw. On and Off!" Kapwa naman sila natawa sa sinabi ni Lea.

"Bumabanat ka na ha? Hahahah! Syempre depende 'yun sa makikita ko. Kung wala talagang kasalanan ang asawa ko then be it. Kung meron naman... Ay wala ng usap-usap!" Inakto pa nya ang kamay nya para sumignal ng 'layas' na nagets naman ni Lea.

"Eh ikaw? Kapag ba bumalik si Agot sa buhay ni Aga anong gagawin mo?" Tukso naman nya kay Lea.

"Depende din kung pababalikin sya ni Aga edi." Ginaya nya ang kumpas ng kamay ni Dawn kanina na nagsasabi ring 'layas' kaya natawa na naman silang dalawa. Maya maya ay dumating ang mag-aama nilang dalawa.

"Mommy!" Niyakap sya ni Tin -tin si Richard naman ay hinalikan ito sa labi.

Ganon din sina Aga, Lea at Mico.

***

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Albert ng makita si Gretchen sa labas ng unit nya.

Sinundan pala sya nito sa Palawan.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya kay Albert kahit na alam naman nyang sinundan nito si Agot.

"Ate pwede ba hayaan mo na ako." Tumalikod ito at akmang isasarado na ang pinto ng kontrahin ito ni Greta. Sumunod ito sa kanya sa loob.

"Albert, 'wag mo na syang habulin. Maawa ka sa sarili mo hindi ka na nya mahal." Naawa sya sa sitwasyon ng kapatid nya. Hindi sya sanay na si Albert ang naghahabol sa babae. Sanay syang si Albert ang nagtatago whenever girls are after him.

"Sabihin mo 'yan sa sarili mo ha?" Payak na sagot ni Albert saka umalis at iniwan si Greta na nakatayo sa loob.

Nagbyahe sya ng kinse minutos papunta sa hotel na tinutuluyan ni Agot, nais nyang makausap ito para bumalik sa kanya. Kahit pa lumuhod sya at lumuha ng bato wala syang paki-alam.

"What are you doing here?!" Naiinis na tanong ni Agot sa kanya. Pangatlong beses na nyang pinalalayo si Albert pero sadyang mahal sya nito kaya hindi sya sinusunod ni Albert.

"Nandito ako para kausapin ka. Para kumbinsihin kang bumalik sa akin." Mahinang sagot nito.

"NO!" Sigaw nito sa kanya. Dahan-dahan namang lumuhod si Albert at nag-umpisa na namang magmakaawa sa kanya.

"Please. For the nth time nagmamakaawa ako sa'yo. Bumalik ka na sa akin, pangako mamahalin kita ng higit sa pagmamahal mo sa kanya hindi kita sasaktan. Kahit hindi mo na ako mahal okay lang mamahalin pa rin kita. Kahit hindi mo ako kayang mahalin pabalik. Basta akin ka lang masaya na ako." Umiiyak na sya sa mga oras na ito pero sadyang bato talaga ang  babaeng kaharap nya.

Parang hindi na nya ito kilala. Muli itong nagsalita na may halong pagkainis sa tono ng kanyang boses.

"Kapag hindi ka pa tumayo dyan tatawag na ako ng security then you'll be banned here." Sabi ni Agot na hindi man lang sya nagawang tingnan.

Tumayo si Albert at naglakad paalis ng hotel na wala sa sarili. Lutang sya habang naglalakad at hindi alam kung saan pupunta hanggang sa napadpad sya sa isang lugar na mayroon pagkain at alak. Umorder sya ng isang bucket ng beer at uminom mag-isa. Nang maubos ay muli itong umorder hanggang sa tamaan na sya ng kalasingan. Halos nakayuko na ito sa mesa ngunit patuloy pa rin sa pag-inom ng may babaeng nakiupo sa table nya.

Sa tantsa nya kahit nakaupo ito ay matangkad ito. Payat at maputi. Umiikot na ang kanyang paningin pero pinilit nyang makipag-usap.

"Miss, kilala ba kita?" Tanong nya rito na malapit ng mapikit.

"No. But, hi." Inabot ng babae ang kamay nya kay Albert upang makipagkamay, pilit naman itong inabot ng kaharap nya. "I'm Tracey. You are?" Dugtong na tanong ng babae.

"Albert. Bakit ka ba nakikisalo sa mesa ko?" Tanong nya.

"Ahm, kasi kanina pa kita pinagmamasdan, do you need company?" Tanong nito.

"Anong akala mo sha-shaken? Ha? Mahirap? Walang kumpanya? I don't need your company ate! I have mine." Lasing na turan nito na ikinatawa naman ng babae. "O, bakit ka tumatawa ha? Gushto mo bigyan pa kita ng company? Ay wag na phalah para lang 'yun kahay Ahagoht! Shege na miss Trasheh ibigay mo na lang sha ibah 'yang company mo! Di ko kailangan yan..." Gumegewang na ang ulo sa lamesa habang nagsasalita si Albert.

Hindi naman mapigilan ni Tracey ang pagtawa dahil na-mis-interpret ni Albert ang sinabi nya.

Ng tumayo si Albert ay muntik na itong matumba kaya naman inalalayan ito ni Tracey hanggang sa labas.

Agot's POV

Katatapos lang ng pictorial ko, yah, heard it right pero sideline lang. Habang naghahanap ako ng makakainan ay may nakita akong babae na parang inaalalayan ang lasing na lalaki sa labas ng Musikampay, nagdahan dahan ako sa pagdrive dahil mukhang tatawid sila. Nang makalapit ako ay bigla na lang umayos ng bahagya sa pagtayo ang lalaki at hinalikan sa labi ang babae. Kumunot ang noo ko, kahit nakatalikod ay kilala ko pa rin sya. "Albert" bulong ko habang ibinababa ang bintana ng kotse ko.

"Gusto raw akong balikan pero may ibang kahalikan!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

Napatingin naman ulit ako sa kanila at aba mukhang enjoy na enjoy rin ang bruhilda. Ipinarada ko sa gilid ang kotse ko at bumaba. Lumapit ako sa kanila at hinampas ang braso ni Albert gamit ang pouch ko.

"Aw! Miss ano ka ba nakita mo ng nahihirapan ako dito eh nakuha mo pa syang hampasin." Reklamo ni Tracey.

"Hoy! Manahimik ka ha baka gusto mong hampasin din kita dyan! Akina nga yang lalaking 'yan! Iuuwi ko na!" Kinuha nya ang isang kamay ni Albert at iniakbay sa kanya ng magsalita si Tracey.

"Miss pwede ba get your own!" Umirap ito kay Agot.

"You get your own! THIS BASTARD IS MY HUSBAND!" Pagkasabi nya nuon ay agad binitawan ni Tracey si Albert at hinayaang isakay ni Agot sa kotse nya.

Habang nasa loob ng kotse at lasing na lasing pa rin ay biglang nagsalita si Albert. "Agot...mahal kita. You are my life please come back to me. Dahil kung hindi magpapakamatay ako bukas." Pagkabigkas ng mga salitang iyon ay tuluyan na itong nakatulog sanhi ng kalasingan.

Umiling na lamang si Agot. "Lasing ka lang kaya mo nasasabi yan." Mahinang sabi nito at saka nagdrive muli.

At dahil hindi alam ni Agot kung saan ito ihahatid ay minabuti nyang dalhin na lang muna ito sa unit nya.

Pinunasan nya ito at inalis ang pantalon pati polo shirt, tanging sando at boxer na lamang ang suot nito at saka inayos sa pagkakahiga. Nagharang na lang sya ng dalawang unan sa pagitan nilang dalawa. Papikit na sya ng gumalaw si Albert at yumakap sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang kamay at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Gustuhin man nyang bumitaw ay hindi nya nagawa dahil mahigpit ang kapit ni Albert sa kamay nya. Hinayaan na lamang nya ito at natulog na sa pag-aakalang bukas paggising nya ay hindi na sila magkahawak ng kamay.

***

Itutuloy.

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon