Through The Test Of Time: Chapter 23

664 35 16
                                    

-Lea's POV-

Aga and I talked about our plans last night at napagkasunduan namin na doon na lang magstay sa london. He has his own house naman there where we can live. I agreed. Doon nag-umpisa ang pagmamahalan namin at saksi ang bansang iyon sa lahat ng pinagdaanan namin, whether good or bad. Pero syempre hindi naman kami basta aalis. I need to tell this to ate Dawn, ofcourse she has the right to know. S'ya ang naging sandigan ko sa lahat ng lungkot na pinagdaanan ko bilang asawa ng pinsan n'ya. S'ya rin 'yung nandyan when I was devastated and Mico needs a mom.

"Hello, Lea? Napatawag ka?" She said on the line.

"Ah...wala naman ate. Just want to tell you something." I said.

"Ano 'yun?" Ate Dawn.

"Uhm ano kasi. 'Yung pinsan mo...he wants to go back to london...with me and Mico. Gusto ko lang sana ipaalam na bukas na 'yung alis namin." I bit my lips dahil naiiyak ako, iiwan ko ang isang taong tinuring kong tunay na kapatid.

"Ah...g-ganun ba? Ang bilis yata. How about his work here? Kayo ni Mico, nag-aaral pa si Mico ah, hindi pa tapos ang school year." Sunod sunod na tanong niya. I have a feeling na parang gusto n'ya kaming pigilan.

"Ang sabi ni Aga mag-stop na lang daw muna si Mico besides he's still in pre-school mahahabol pa daw 'yun next year. And sabi din n'ya he already build a business there a year ago, successful naman daw so okay lang na tumira kami doon." I explained in a low voice.

"Okay. Kung okay sa'yo sino ba ako para tumutol. Basta pag may problema ka ha. I'm only one call away...I'll be there to save the day..." Sabi ni ate, natawa pa nga kaming pareho ng kantahin n'ya 'yung huling sinabi n'ya.

"O sige na ate. Mag-aayos muna kami ng gamit. I know naman na I can count on you like 432 and you'll be there eh hahahaha. Bye ate." Nag-goodbye na rin s'ya then we dropped the call.

***

Hanggang dito sa airport eh panay ang iyak ni ate Dawn. Pinagtatawanan tuloy s'ya ng mga boys. Hihihi.

"Ano ba 'yan parang sila 'yung magpinsan!" Kunwaring nagtatampo si Aga with matching hawak pa sa dibdib n'ya.

"Tse! Hoy ikaw Aga! Huwag na huwag mo ng sasaktan 'tong bff ko kundi kakalbuhin kita sa baba't taas!" Magsasalita na sana si Aga para kumontra ng magsalita ulit si Ate Dawn. "Hindi pa ako tapos! Pupugutan pa kita ng ulo. Baba't taas din!" Hahahaha! Natawa naman ako dun! Kaloka talaga si ate Dawn. Hayy...pero ito 'yung mamimiss ko sa kanya.

After n'ya kaming yakapin ay tinawag na rin ang flight namin kaya agad na rin kaming umalis.

Mamimiss kita Pinas!

Sabi ko sa isip ko and type a status on facebook.

Bye ate...see you soon bunso.

Then tagged Leslie (my younger sister who migrated to London three months ago.) And ofcourse I tagged ate Dawn too.

Maglologout na rin sana ako ng makita ko ang isang picture.

Aga Muhlach posted a photo of you and Dawn Z. Gomez

A photo of me and ate kanina na magkayakap at nag-iiyakan. Nakakaasar pa ang caption.

Dadrama ng mga inday! :p

I liked the photo then glare at Aga saka ito siniko.

"What?" Tanong n'ya. "Baka matamaan anak mo." Kalong kasi n'ya si Mico. Nakaseatbelt silang dalawa (using Aga's seatbelt only).

"Hindi kami madrama noh!" Sabi ko then log-out on my facebook.

Si Aga naman inakbayan ako. "Nilalambing ko lang kayo. Saka para mapangiti ko naman kayo kahit dahil sa inis kanina pa kayo nag-iiyakan eh."

I just lean my head on his shoulder.

***

This is our third week in London and we decided na ipasyal naman si Mico. Habang naghahanap kami ng makakainan ay may tumawag kay Aga.

"Aga!" Sabay kaming lumingon sa tumawag sa kanya. He's familiar to me.

"Bro!" Bati nito at nagfist bump pa sila. "Ikaw ha!? Hindi mo sinabing si Agot pala 'yung babaeng mahal na mahal mo ah!" Sabi nito. Napasmirk naman si Albert.

"Ikaw naman 'tong mahal na mahal n'ya. Nga pala hindi n'ya alam na pinsan kita." Ngumiti ito at saka tumingin sa amin ni Mico.

"Oh, eto ba si Lea? Ang ganda pala talaga ng misis mo pre! Kingina ka bakit niloko mo 'yung ganito kagandang dilag. Hi." Nilahad n'ya ang kamay n'ya and we shake hands.

"Hello. Si Mico anak namin." Pagpapakilala ko then I forcefully let go of my hand. Napansin naman ito ni Aga.

Inakbayan n'ya ako and said, "Pre! She's mine. Si Agot naman ang intindihin mo. Hahahaha!"

"Pre naman! Nagmomove-on na nga ako dun dahil ayaw nga sa akin. Kaya nga ako nandito sa London para magpakalayo-layo sa kanya eh." We both laugh at pagkatapos ay nagpaalam na s'ya sa amin. Pero sumigaw muna ako bago s'ya makalayo. "Nandito din s'ya pre!"

"Ulol!" Sigaw n'ya at naglakad na ulit.

Nang papaliko na kami ay nabunggo naman ako ng isang babaeng tumatakbo.

"Oh my gosh! I'm sorry...I'm s- Lea?" Sabi n'ya. So andito nga si Agot. "Aga?" Sabi n'ya ng tumingin ito kay Aga. Mico is just staring at us. "Sorry ha? Nagmamadali kasi ako. May hinahabol ako." Sabi sa akin ni Agot at tumakbo na naman papunta sa nilikuan ni Albert.

"Bakit alam mong nandito 'yang babaeng 'yan? Nagkita kayo?!" Singhal ko kay Aga.

"Hindi ah! Niloloko ko lang si Al malay ko bang nandito talaga s'ya?" Sagot nito saka muling tumingin sa direksyon na pinuntahan ni Albert. "Teka, di kaya si Albert ang hinahabol non?" Tanong sa akin ni Aga.

"Malay ko. Saka wala akong pake! Tara na nga naiinip na 'yung anak mo!" Then tumawid na rin kami.

***

"Albert!"

"Hey! Wait! Al!"

Kanina pa 'yan! Kanina pa may tumatawag sa akin dito eh. Wala naman akong kakilala dito, bukod sa aksidenteng nagkasalubong kami ni Aga at pamilya n'ya. Lumingon ako pero mukhang hindi naman ako 'yung tinatawag kaya dumeretso na ulit ako. Medyo marami kasing tao eh baka kapangalan ko lang 'yun. Assuming lang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may sumigaw na naman sa pangalan ko. Hindi ko na lang pinansin. Ngunit sa pagliko ko ay may humawak sa bag ko at pilit ako hinarap sa kanya.

"Bwisit ka! Kanina pa kita.....hinahabol...." Sabi ng babaeng nakayuko na sa sobrang hingal.

"Excuse me miss?" Nagtataka ako kung bakit n'ya ako hinahabol at sa pagtingala n'ya ay nagulat ako...

"Agot?"

***

...itutuloy....

(Pag sinipag ang author. Lol!)

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon