Chapter 32

1.8K 41 4
                                    

12 midnight ng umuwi si Richard sa bahay ni Dawn pero dun sya sa kwarto ni Kath dumeretso. Kinabukasan naman maagang gumising si Dawn para gisingin si Kath dahil may pasok ito pero pagdating nya sa kwarto nito napangiti sya nang makitang mahimbing pa rin itong natutulog sa bisig ni Richard. Nagluto muna sya bago ginising ang mag-ama.

Nang masundo na si Kath ng school bus pinuntahan ni Dawn si Richard..

“Ahm Richard pwede ba tayong mag-usap?” Dawn

“Sure. Pag uwi mo mamaya.” Richard

“Hindi muna ako papasok.” Dawn

“Bakit naman?” Richard

“Pinuntahan ako ni.. ah nang mama mo sa opisina.” Dawn

“Ha? Anong ginawa nya sayo ginulo ka ba nag--.” Richard

“Hindi. Hindi Richard. Humingi sya ng tawad, sinabi nyang sya ang dahilan kung bakit hindi ka nakauwi nuon kasi nakatulog ka sa bahay nyo. Pero hindi daw mangyayari yun kung…kung hindi nya nilagyan ng pampatulog yung wine mo. …. Richard bakit hindi mo sinabi agad? Tapos pinagpatuloy mo pa imbes na gawin mo ang tama.” Dawn

“I’m sorry Dawn. Hindi ko na alam kung anong pumasok sa kokote ko sa tuwing makikita ko si Greta nagbabago ang isip ko. Sorry talaga. Pero ngayon sigurado na akong kaya ko na syang iwan. Kahit na huli na ang lahat kasi …sinagot mo na si Ian.” Richard

“Nagkakamali ka. Hindi ko sya sinagot nung gabi na nakita mo kami na magkayakap yun eh dahil nagpapaalam lang sya kasi aalis na sya. Hindi na nga nya sinabi kung san sya pupunta eh ang sabi nya lang may bago syang business sa ibang bansa. Yun lang yun. Kaya ba ngayon ka lang umuwi?” Dawn

“Oo. Akala ko kasi kayo na.” Ngumiti sya kay Dawn.

 

*Ngiting tagumpay hahahah jk! Papa.*

“Oo nga pala si Greta naman ang pumunta nung isang araw. Humingi din ng tawad at nagpaalam. Ito nga pala yung sulat nya sayo.” Dawn

Binasa naman agad yun ni Richard

Richard,

 

Sorry kung dito lang ako magpapaalam ayoko ko na kasing makita ka baka maudlot na naman ang pag-alis ko gaya dati nung pinigilan mo ko sa airport, pero ngayon alam kong hindi mo na ako pipigilan but still hindi ko kayang magpaalam ng harapan kasi alam kong sarili ko naman ang pipigil sakin na umalis once na makita kita. I want to thank you for all the good memories we’ve shared sobrang napasaya mo talaga ako. Ngayon ikaw naman ang gusto kong maging masaya. Pinapalaya na kita Richard, gusto kong mabuo mo ulit ang pamilyang sinira ko, namin ng mama mo. Sana hindi pa huli ang lahat. Mahal ka ni Dawn kaya nga hindi nya sinagot si Ian, natatabunan lang yun ng galit nya pero alam mo kapag kaharap natin sya nakikita ko ang selos sa mukha nya. Konting tiis lang mapapatawad ka rin ni nyan and malay mo one of this days mapatawad ka na nya. Kung ako nga napatawad ikaw pa kaya na one and only man nyan. Basta Richard mahal kita pero mali na ipagpilitan ko pa. Bye!

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon