Through The Test Of Time: Chapter 26

584 15 0
                                    

Richard's POV

"Your wife is an HIV Positive." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabing iyon ng doktor.

"Paano ho mangyayare 'yun? I mean ako lang naman ang nakakasiping nya doc." Hinilot ko ang sentido ko. Hindi ako makapaniwala-- No, hindi ako naniniwala sa sinabi ng doktor.

"I suggest you get a second opinion to other doctors or might as well sa mga doktor sa ibang bansa. Hindi naman masama kung kaya nyo namang makapunta sa ibang bansa." The doctor tap my shoulder and leave.

Matapos iyon ay pumasok ako sa room ni Dawn to see if she's ok or what.

Tinanong ko sya kung bakit hindi nya sinabi sakin agad but I was surprised nung sabihin pa nyang nakita nya akong lumabas ng motel with Greta.

Tama sya, bakit hindi ko magawang layuan si Greta. Kahit anong sumpa ko na ayoko na, na hindi na ako magpapakagago eh hindi ko magawa lalo na kapag nasa harap ko na ang babaeng pilit kong nilalayuan.

But I still can't believe na sa akin galing ang HIV. I mean, hindi naman sa pinagdududahan ko ang asawa ko it's just that bakit ako hindi ako makaramdam ng sintomas ng ganoong sakit?

Nandito na kami sa kwarto and thank god I convinced my wife to have a second opinion with the doctors of America.

We settled the date kung kailan kami aalis ang problema na lang ay kung anong ipapaalam ko sa mga bata. Baka kasi sumama si Tin kapag sinabi kong magbabakasyon lang kami.

"Sabihin na lang natin sa kanila na may company meeting sa branch natin sa New York. Para hindi na mangulit pa." Dawn said while staring at the ceiling.

Napatingin ako sa kanya. She look so pale. Her skin color is closer to white than usual. Dry ang kanyang labi, you can also notice a shade of dark underneath her eyes. At mas lalo itong pumayat.

Napatigil ako sa pagtitig sa kanya ng harapin nya ako. "Bakit?" Tanong nya.

"Ha?" Kanina pa siguro nya ako kinakausap. Hindi ako nakinig sa kakaisip sa kalagayan nya.

"Bakit ka nakatitig sa akin? Pangit na ba ako?" Tanong nito saka muling tumingin sa kisame. "Siguro nga ang pangit ko na kaya pinagpalit mo na naman ako sa kanya." Nakita kong ngumiti ito ng mapakla.

"Dawn. Maganda ka. In every angle, maganda ka." Hinaplos ko ang pisngi nya saka dinampian ng masuyong halik. "Gago lang talaga ako."

"Ako rin. Gago rin ako." Lumingon sya sa akin. Nagkatinginan kami ng mata sa mata. "Gago ako para mahalin ka." Bigla na lamang tumulo ang luha nya. Nagiguilty na ako.

Ayoko ng humingi ng tawad kasi ako rin naman mismo ang bumabalewala eh. "Kahit ano gagawin ko gumaling ka lang." Sabi ko sa kanya.

Pumikit ito at sinabing pagod na syang maniwala sa lahat.

"Matulog na tayo." Bulong niya at tumagilid ng higa.

Hinayaan ko na lang sya sa ganoong posisyon, baka kailangan nya muna ng espasyo. Yun man lang sana maibigay ko sa kanya ng buo.

Kinabukasan habang nag-aalmusal ay kinausap na namin ang mga anak namin para sa pag-alis namin bukas. Tulad ng dati si Dawn ang unang nagsalita.

"May sasabihin pala kami." Panimula nito.

"Ano po yun?" Tanong ni Kath.

"Magiging ate na ba ako?" Nakangiting tanong ni Tin.

"Hinde, sira!" Narinig ko ang tawa nilang lahat. Pati tuloy ako napahiling na sana sintomas lang yun ng maselang pagbubuntis at hindi HIV.

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon