Through The Test Of Time: Chapter 12

730 34 9
                                    

Lea's POV

We will be having a dinner at Gomez's residence and we only have 10 minutes to go there. The estimated travel time is 25 to 30 minutes. Male-late este late na talaga kami kakahintay sa lalaking 'yun. And speaking of,

"Lei, hi." Bati nya and give me a soft peck.

"Late ka na naman! Nakakahiya sa pinsan mo." I said as I crossed my arms then called my son. "Mico, let's go!" Then we headed to his car.

"Sa susunod 'wag ka na sumundo kung late ka lang din ulit. Kanina pa naghihintay ang anak mo." Basag ko sa katahimikan sa loob ng kotse.

"Traffic lang kasi. Sorry." He calmly said.

"Edi sana umalis ka sa bahay mo ng maaga." I didn't look at him.

"Sungit." Bulong nito habang nagmamaneho.

Nilingon ko sya with a tiger look. "What was that again?!"

"Wala..." And then he stayed focus on the road.

***

We arrived 30 minutes late in Dawn's house. Kristine and Kath approached us and I hugged them. Mico stared at them.

"Hi, Mico." Bati ni Kristine. Mico just hugged his cousins and go beside me again.

"Nihihiya pa eh." Bati ko at pinuri silang dalawa. "Kath, dalaga ka na ah! Eto din si Tin-tin oh, nagdadalaga na. Pumapayat ka ah?!" They both chuckled tapos ay dumating sina Dawn at Richard.

"Hi." Bati nilang dalawa at nagbeso-beso kami.

"O Aga." Sabi ni Dawn ng pumasok si Aga.

"Naghanap ako ng paparadahan." Sagot nya at humalik sa pisngi ni Dawn at mga bata.

***

"Kumusta? Tagal nyo sa ibang bansa ah." Tanong ni Aga habang kumakain.

"Oo nga, naku ha! Akala namin dun na kayo titira." Tumawa sila habang ako ay sinusubuan si Mico.

"Napasarap lang ng bakasyon, kayo? Kumusta kayo? Mukhang nagkabalikan na kayo ah?" Sabi ni Richard at tinukso kami ng mga ito.

"Yiieeeehhh!" Sabay sabay na sabi ng mag-anak habang kinikilig.

"Naku hindi. For our little boy lang kaya nakakapunta sya sa bahay. But we're not actually reunited." Sabi ko na halos bulong na lang ang mga huling salita.

"Naku, tita. Alam mo dyan sa ganyang set-up nagkabalikan ang lolo't lola ko. Hahaha!" Sabi ni Kath na may halong biro.

"Huwag kayong mag-alala bibigay rin 'to." Turo sakin ni Aga.

"Ha! Asa ka!" Sagot ko sabay baling ng atensyon kay Mico.

"Ikaw naman kasi Aga, hindi ka nag-iingat eh nahuli ka tuloy." Sabat naman ni Richard na tiningnan ng masama ni Dawn. "Ah hehe! Buti nga sa'yo Aga. Ikaw kasi eh." Bawi ni Richard sabay inom ng tubig kaya pinagtawanan sya ng mga anak nya.

***

Aga's POV

Kasalukuyan kaming nandito ni Dawn sa pool side ng bahay nila. Nag-uusap kami habang pinagmamasdan sa labas sina Lea, Mico, Kath at Kristine na nagkukulitan.

"Ano ng balita sa inyong dalawa?" Tanong bigla ni Dawn.

"Iniiba mo usapan." Sagot ko.

"Sagutin mo na lang." Iritang sabi ni Dawn.

"Okay lang kami. Masaya naman sila ng anak namin." Sagot ko habang nakatingin pa rin sa mag-ina ko na akala mo nagfu-football.

"Masaya ka ng ganyan lang? Ni hindi ka man lang gagawa ng paraan?" Medyo napataas ang kilay nya ng tumingin sakin.

"Masaya. Pero mas sasaya ako kung magkabalikan kami." Sabi ni Aga.

"Gumawa ka kasi ng paraan hindi yung nakatingin ka lang dyan." Singhal ng pinsan nya sa kanya.

"Nasubukan ko na kaso wala eh. Beastmode talaga sakin eh." Sagot ni Aga at nagkwento ng paraang ginawa nya sa pagsuyo kay Lea.

"Lea, mag-usap naman tayo please." Sabi ko at niyakap sya.

"Wala na nga tayong dapat pag-usapan. Hindi pa ba sapat na nakakatungtong ka sa pamamahay ko dahil sa anak mo?" Sagot nya habang nagpipigil magtaas ng boses.

"Hindi! Mas gusto kong magkakasama tayong tatlo bilang buong pamilya." Aga

"Hindi lahat ng gusto mo, masusunod!" Sigaw nito at kumalas sa yakap.

"She was bondage by her own anger, pinsan. Sobrang iba sya. Ang laki ng pinagbago ng ugali nya." Nagsisising sabi ni Aga.

"Sa'yo lang sya nagbago insan. She's still the Lea I know and the Lea you Loved and still love. Galit lang sya kaya akala mo nagbago sya." Paliwanag ni Dawn.

"Antanga ko naman kasi eh. Nagpadala ako sa init ng laman." Napakuyom sya at napahampas sa noo.

"Insan, wag ka ngang ganyan. Ikaw yata ang nagbago hindi ang asawa mo eh." Napatingin si Aga sa kanya.

"What do you mean?" Tanong nito na may halong pagtataka.

"Ang Aga kasi na kilala ko ay yung hindi hahayaan na balewalain sya ng babae." He frowned. "O, wag mo akong tingnan ng ganyan, ibalik mo muna ang pagiging babaero mo ngayon. Pero..." Itinaas nya ang hintuturo nya para signalan si Aga na makinig muna at wag munang magtanong. "...yung pagiging babaerong sinasabi ko ay yung gagawin lahat mapansin lang sya ng babae. Pero syempre si Lea lang ang lalandiin mo. Na-gets mo?"

"Oo, dami mong satsat eh. Ipagtimpla mo nga akong kape, para matuwa ako sa'yo!" Sabi ni Aga sabay tawa.

"Leche ka! Bwiset!" Sigaw ni Dawn sabay tayo at nagtimpla ng kape.

11:00 in the evening ng magpasyang umuwi si Lea. Nagpaalam sya kina Richard at sa pamilya nito, dahil na rin nakatulog na si Mico habang buhat buhat ni Aga.

***

"Dito mo na lang sya ihiga sa kama ko." Sabi ni Lea habang inaayos ang paghihigaan kay Mico.

"Ahm, mauna na ako." Sabi ni Aga habang palapit ito sa pinto.

"Ingat." Simpleng sagot ni Lea at lumapit din sa may pinto para maisara ito kapag nakalabas na si Aga.

"Yeah." Alangan na sambit ni Aga na hindi mapakali at hindi makatingin ng diretso kay Lea.

"Take care." Sabi nya at humawak sa door knob. "O sige na, baka umagahin ka na sa daan." Tumango si Aga at naglakad na habang pinagmamasdan sya ni Lea maglakad palabas ng gate.

Maya maya ay bigla itong huminto at dali-daling bumalik at hinalikan si Lea sa labi. "Goodnight." Bulong nito.

Halos maestatwa naman si Lea sa bilis ng pangyayari kahit animo'y dampi lang ang paglapat ng labi ni Aga sa labi nya.

Matapos ng damping halik na iyon ay mabilis pa sa alas kwatrong nakalabas ng gate si Aga.

Wala sa sariling isinara nya ang pinto at napasandal dito. Napapikit sya habang inaalala kung paano nag-umpisa ang halik na iyon pero ang tanging pumapasok na lamang sa memorya nya ay ang halik at goodnight na sinambit ni Aga kasunod ng pag-andar ng kotse nito.

***

To be cont.

#GirlBehindTheseStories

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon