Through The Test Of Time: Chapter 16

705 40 25
                                    

This is for theleasalonga and Franchella_CharDawn thanks for your unconditional support to all of my stories even if I feel that some of it are just nothing but a nonsense update. Yehehehe!

***~~~***

Dawn's POV

I wake up at 8 something in the morning, nag-inat inat muna ako bago tumayo ng makita ko si Lea na nakatagilid sa kama nya.

"Kauuwe lang siguro nito." Umiling iling ako saka nagtungo sa banyo to wash my face. Paglabas ko I tried to wake her up pero hindi sya gumising bagkus ay nagtalukbong pa.

So, hinayaan ko muna sya na makatulog. Ako naman nagsuot ng see through black dress, flipflops and shades bilang naka-two piece ako mula pa kagabi. Lumabas na ako ng kwarto to find something to eat.

Kasalukuyan akong kumakain dito sa isang cottage ng makita ko si Agot na mag-isang nagbibilad sa araw. Maya maya ay tumayo ito at sinalubong si...napatayo ako ng makita kong si Greta at Richard ang sinalubong nito. So ngayon lang pala sila dumating? Haha! Baka nag-ano pa bago pumunta dito.

Habang pinagmamasdan ko sila na masayang nag-uusap ay biglang may sumulpot na bumbilya sa utak ko!

Well, well, well. Kung kahapon ay nasaksihan nyo na ang pang Tony Awardee Revenge ni Lea, ngayon naman ay uumpisahan na natin ang aking Phenomenal Revenge with a Heart. O diba? Title pa lang ng mga revenge namin pang award winning na. Haha! O tama na ang satsat, let's start.

Bilang panimula, hinubad ko ang see through black dress ko at nagsimulang rumampa ng nakablack two piece at shades. Dumaan ako sa pwesto nina Greta at sinadya kong bungguin si Richard.

"Ay, naku sorry, sir." Sabi ko at hinawakan ang kamay nya habang nakayuko ako.

"Ano ba naman kasi yan miss, tumingin kasi sa daan wag kung saan saan." Singhal ng retokadang palaka sa gilid namin.

"Nagsorry na nga ako diba?!" Mataray na sagot ko at tumingin sa kanya, nagulat ang gaga! Tapos ay tiningnan ko si Richard na bakas din sa mukha ang pagkagulat.

"Dawn?" Sabi nito at hi-nead to foot pa ako, tss! Hindi ata makapaniwala sa suot ko ngayon.

"May problema ba sa suot ko?" Nameywang pa ako na akala mo ay nasa beauty pageant. Umiling sya at hinawakan ako sa balikat.

"You're gorgeously sexy." Sabi nya ngumiti naman ako at tumingin kay Greta.

"Narinig mo?" Inirapan naman nya ako. "Is that your luggage?" Pag-usisa ko sa malaking bag na dala ni Richard, sasagot na sana ito ng sumabat si Greta.

"Akin yan, sya ang nagbitbit para sakin." Sabi nito at nagcross arms pa. Pwe! Akala nya bagay sa kanya?

Kinuha ko ang malaking bag at saka ibinagsak sa harap ni Greta, napanganga ito sa gulat saka nagsalita. "What is wrong with you?" Ngumiti lang ako ng nakakainis para sa kanya kaya lalo itong nag-ngitngit sa galit. Si Agot naman parang tuod na nanunuod lang sa'min.

"Sakin walang mali, pero sa pagmumukha mo..." Itinuro ko pa para ramdam nya. "...may mali, wala na ngang paglagyan sa dami eh!" Matapos iyon ay hindi ko na sya pinakinggan pa at hinila ko na si Richard palayo sa kanila.

Greta's POV

"Nakakainis talaga ang babaeng yan!" Sigaw ko habang inaayos ang mga gamit ko sa kwarto namin ni Richard. "Kaya ikaw wag mong hayaang mangyari sa'yo ang nangyare sakin kanina!" Sabi ko kay Agot na mukhang wala sa sarili.

"Nangyare na sakin yan kahapon." Sabi nya saka ikinwento ang nangyare sa kanila nina Aga at Lea sa beach, pinabasa pa nga nya sakin ang text convo nila ni Lea na ginamit ang cellphone ni Aga.

"Kaya pala pang-byernes santo yang mukha mo! O tapos, asan na si Aga ngayon? Nakay Lea pa rin?" Tanong ko ulit sa kanya. Bwisit, iiyak na yata si Agot. Ang bitch talaga nito, masyadong mahina pagdating sa agawan ng lalaki!

"Siguro, hindi naman sa kwarto namin natulog kagabi eh." Sagot nya na medyo pabulong na.

"Huwag ka ngang paapekto! Hoy, Agustina, sa relationship status natin bilang kabit hindi pwede 'yang affected chuchu na 'yan kailangan matuto kang makipag-unahan. Kailangan mong maging matapang! Magpakamanhid ka! Ganyan ang kabit, kung makaasta parang tunay na asawa kaya umayos ka kung ayaw mong masayang ang paghihintay mo ng matagal kay Aga!" Diskusyon ko sa kanya. Napairap na lang ako ng makita kong nagpunas sya ng luha. Ba naman 'yan! Ayoko sa lahat yung iyakin eh! Kabwisit!

"Tama ka! Parang 'yung linya mo dati sa teleserye...you want war? I'll give you war!" Sabi nito sa akin, jusko natuto rin sa wakas.

"Kailangan malaman natin lahat ng plano ng dalawang walang kwentang babaeng yan. Para makontra natin lahat ng gagawin nila." Agad ko inilagay sa drawer ang mga damit na tinupi ko ng maayos habang naghihintay sa akin si Agot. Hahanapin pa namin ang mga jowa namin na kinalantari ng mga tunay na asawa nila.

Richard's POV

Nagulat ako sa inasta ni Dawn kanina. Ibang iba sya. Ang tapang na talaga nya. Sabagay, kahit ang maamong kambing pag ginalit mo manunuwag din eh, tao pa kaya?

Nandito kami ngayon sa parte ng dakak na konti lang ang tao. Wala pa nga ata kaming sampu dito eh, pinagmamasdan ko si Dawn habang nagsuswimming. Ang sexy pa rin nya parang hindi nanganak, bagay sa kanya ang suot nyang swim wear. Lantad na lantad ang kaputian nya, ang swerte ko sa kanya kaso eto na naman ako nabubulag na naman sa maling relasyon. Ewan ko ba, mahirap pigilan. Minsan nakakakonsensya minsan naman parang wala lang, okay lang.

"Huy!" Napabalik ako sa reyalidad ng tapikin ako ni Dawn.

"O? Ayaw mo ng magswimming? Gusto mo ng bumalik sa cottage?" Tanong ko sa kanya habang pinipiga nya ang kanyang buhok.

"Hindi pa, yayayain lang kitang lumangoy." Bago pa lang akong tatanggi ng mahawakan nya ang sando ko at pilit iyong hinubad saka ako hinila sa dagat kaya ayun hindi na ako nakatanggi.

Sumisid kami sa bandang gitna, nakakagulat dahil marunong na pala syang lumangoy sa malalim pero ang mas nakakagulat ay nung hawakan nya ang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi habang sumisisid kami. Natulala ako pero sumenyas na rin sya na umahon muna kami.

"Hooh!" Huminga sya ng malalim saka sumandal sa malaking bato.

"Kelan ka pa natutong sumisid ng ganun kalalim at ganun katagal?" Tanong ko rito sabay sandal sa tabi nya.

"Turo ng swimming instructor ni Kristine, one time kasi sinamahan ko si Tin sa swimming lesson nya eh nainggit ako kaya ayun nakisali ako, for a week lang naman." Pagpapatuloy nito.

"Bakit mo ako hinalikan?" Tanong ko pero hindi ko sya tiningnan.

"Kinapos ako sa hangin eh." Seryoso nitong sagot.

Tumango na lang ako dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko. Tiningnan ko sya at nakatingin din pala sya sakin.

"Bakit?" Tanong ko, umiling sya tapos ay hinalikan na naman nya ako bigla. Hindi ko na napigil ang sarili ko at hinalikan ko rin sya. Napapwesto pa nga ako bigla sa harap nya.

Naghalikan kami ng hindi inaalintana ang matinding sikat ng araw. Hinalikan ko sya ng madiin. Passionately, intensely, senselessly!

Hanggang sa naramdaman kong naglalakbay na ang mga kamay ko sa bawat parte ng katawan nya na tanging kamay ko lang may pahintulot na maglakbay. Hinila ko ang tali sa likod nito na sanhi upang lumantad sa akin ang mapuputi nyang dibdib. At dahil sa may sariling buhay rin ang aking mga labi ay naglakbay din ito kung saan saan. Hanggang sa nangyari na nga ang lahat.

****

Itutuloy...

Waaaa! Bitin na naman sila!!! Hahaha!

Sana Ngayon Lang ang KahaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon