Marlo's POV
I look at Jea, nasa parking lot na kami. Bakit ba ang hirap basahin ng mata niya?
"Ummm. Jea, may problema ka ba?"
"Lowe, kasi.. ano.." Yumuko siya.
"Ano?"
"Ayoko na talaga. Marlo.. please. Let me find myself first. Let me.. Just set me free. Just let me go." Nakatingin lang ako sa kanya habang sinasabi niya yun. Walang expression yung mukha ko.
"Ayoko."
"Lowe naman. Ayokong lokohin ka. Marlo, hanggang salita lang yung Mahal kita ngayon. Lowe, mamahalin mo ba ako kahit ayoko na sayo?"
"Oo,"
"Lowe, sorry. Pero sa tingin ko hanggang friendship lang kaya ko ibigay sayo. Sa ngayon." She said at tumalikod. Wala na akong magagawa. Bukod sa sinabi nyang salita lang yung Mahal kita Marlo niya. Ansakit. Antagal mong sinabi na gusto mo rin ako. Tapos. Ano 'to? Ang gulo mo.
Janella's POV
Pinunasan ko ang luha ko at umupo sa sasakyan ko. Sorry. Pero yun talaga ang alam kong pwedeng irason sayo. Na alam kong. Kaya mong.. tanggapin ng mabilis. Pero Marlo, minahal kita. Mahal kita. Pero ayoko ng saktan ka. Ayoko ng paasahin ka na magtatagal at magiging strong pa tayo.
"Jea?" Napalingon ako sa nagtanong.
"E-elmo? Why are you here?"
"May ginawa lang ako. Bakit ka umiiyak?"
"Wala, nami-miss ko lang si.. Papa." Yun lang ang alam kong pwedeng irason. Yun lang ang naisip ko.
"Okay lang yan, magkikita pa kayo. Tumahan ka na, aalis na ako. Take Care huh?" He wave. I nod.
Marlo's POV
Nanunuod ako ngayon. TWBA hindi ko alam pero feeling ko may gusto siyang aminin. Medyo napangiti ako nung kumanta siya ng Mananatili. Pero nawala yun ng magtanong si Elmo. Kumanta siya ng Born for you.