3 / 15 / 2016

56 1 1
                                    

'Wag mo akong sanayin

Sa laging pagtawag mo

Dahil ayaw kong hanap-hanapin

'Yang malokong boses mo


'Wag mo akong linlangin

Gamit ang mga salita mo

"I love you" na binubulalas mo

Baka maloko ako


Isip ko'y 'wag paglaruan

Ng mga makukulit mong banat,

Ng pagkanta mong lihis sa nota,

At ng pagtugtog mo ng gitara


'Wag mo akong kunsintihin

Sa talento mo sa musika

Pati mga kuwento mong likha

Araw-araw inaalala


'Wag mo akong lokohin

Ng iyong ngiting makulit

Dahil pati ang iyong mukha

Sa diwa'y hindi maalis-alis


'Wag mo akong sanayin

Dahil ayaw kong umasang

Balang araw, ang makakapiling ay ikaw

At ang pag-ibig ko'y iyong matatanaw


Dahil alam ko ang katotohanan

Ang puso mo'y iba ang laman

Ayaw ko lang sa bandang huli

Maiwan akong nasasaktan


"Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw"

Sambit ni Ely Buendia

Hirit naman ni Chito Miranda,

"Tanggap ko, oh aking sinta, pangarap lang kita"


Mukhang pinapatamaan ako

Ng mga kantang naririnig ko

Dahil sinasabi nila ang totoo

Sa kung ano'ng laman nitong puso ko


Alam kong kaibigan mo lang ako

At sa panaginip lang ang salitang "tayo"

Kaya ang damdamin ko'y pilit itatago

Sa isang palayaw kong ibinigay mo


Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon