5 / 12 / 2016

21 1 0
                                    

Tatlong araw makalipas ang eleksyon

Inaasahan ng mga mamamayan ang pagbabago

Dahil sawa na raw ang mga tao sa baluktot na sistema

Ganid na mga opisyales at kahirapang nadarama


Lagi ko na lang naririnig sa tabi-tabi

Mga reklamong nakakarindi

At pag-uwi mo sa bahay para manood ng balita

Bangayan at patayan ang lagi mong makikita


Problema sa agrikultura at edukasyon

Lalong lumalalang init ng panahon

Pera ng bayang napupunta sa kung saan

Problema sa trapikong tila wala nang hangganan


Sabihin na nating may pagkukulang ang mga mambabatas

At laging nating bukambibig na walang ngipin ang batas

Ngunit kung titingnan mo ng masinsinan

Tayo rin ay may kasalanan sa ating inang bayan


Nakalimutan natin ang pagkakaroon ng disiplina,

Ng respeto sa mga opinyon ng bawat isa,

Ng laging pagsunod sa kung ano ang tama

Nakaligtaan na natin ang salitang "pagkakaisa"


Tama na ang turuan, tama na ang sisihan

Ngayon na ang panahon para baguhin ang nakagisnan

Para sa sarili, sa pamilya, sa kapwa, at sa bayan

Sa kinabukasan ng Perlas ng Silanganan


Para sa taong iniluklok ng taong bayan

Sa'yo nakasalalay ang magandang kinabukasan

Aasa sa'yo ang mahigit isandaang milyong Pilipino

Sa malaking pagbabagong ipinangako mo


Para sa mga Pilipinong nais ng pagbabago

Kung gusto mo nga ng pagbabago, simulan mo sa sarili mo

Dahil hindi sa gobyerno magsisimula ang kinabukasan ng bayan

Ngunit sa mga nasasakupan nitong mga mamamayan


Kung gusto natin ng maayos na Pilipinas

Sa kasalukuyang kahirapan ay makaalpas

Magtulungan ang gobyerno, tao, at batas

Para maaninag ang inaasam na bukas


At bago ka man magreklamo ng kung ano-ano

Tungkol sa paligid mong napakagulo

Pwede bang pakiayos ang tricycle mo?

Nakabara sa daan, sa mga motorista'y nakakaistorbo


Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon