6 / 9 / 2016

10 0 1
                                    

Unan at kumot

Karamay sa lungkot

Para sa pansamantalang paglimot

Sa mga alaalang masalimuot


Mga kolorete

Ano ba ang tunay na silbi?

Pangkubli sa mga magang mata

Sa kakaiyak noong lumayo ka


Alak na may yelo

Inumin ng mga tambay sa kanto

Pero ginagamit ng iba

Bilang pangtakas sa magulong mundo


Iba-iba ang paraan ng mga tao

Para makaalpas sa nawasak na puso

Ngunit pansamantala lang ang epekto

Babalik na naman sa dating estado 

Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon