10 / 1 / 2016

9 0 0
                                    

Depende sa tao

Kung lalaban pa kahit sobrang sakit na 

Ng mga sugat na napapala

Sa pagpilit ng nadarama


Depende sa tao

Kung magpapatuloy pa

Sa kabila ng kritisismong binabato

At sinasaksak sa likuran niya


Depende sa tao

Kung isisigaw pa 

Ang mga gumugulo sa kanyang kaisipan

Sa gitna ng nakabibinging katahimikan


Depende sa tao

Kung magbibingi-bingihan pa

Sa mga masasakit  na katotohanang

Isinasambulat sa kanyang harapan


Depende sa tao

Kung magpapakamartir pa

Sa kabila ng mga panlolokong

Hindi na mabilang-bilang


At sa oras na ang tao

Maumpog sa katotohanan

Magsawa sa hinagpis na dinadala

Matauhan bigla


Eto ang asahan mo

At isaksak sa kokote mo

Ang taong paulit-ulit nang naloko

Hindi na muli magpapabilog ng ulo


At kapag nangyari iyon

Hindi na siya babalik

Hindi mo na siya makikita

Hindi mo na siya mahahabol


Dahil ang tao ay may isang sakit

Ang tao, sa una lang magaling

Malalaman lamang ang halaga ng isang bagay

Kapag ito'y nawala na sa kanyang paningin





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon