7 / 28 / 2016

7 0 1
                                    

"Ano'ng nangyayari?"

Tanong na gumugulo sa isip

Sa mga sinasabi ng iyong bibig

Na nambubulabog sa aking pag-idlip


"May nagawa ba akong mali?"

Mga pagdududa sa'king sarili

Pati ang puso'y nagbabakasakali

Na ang relasyon ay maibalik sa dati


"Mahal mo pa rin ba ako?"

Tanong ng aking isip at puso

Na halos walang tigil sa pagdurugo

Hinahanap-hanap ang presensya mo


"Ayusin naman natin 'to"

Litanyang gustong ibato sa'yo

Dahil sa inaakalang masasalba pa

Ang pag-ibig na ating ipinangako


"Hindi ba sabi mo kapit lang?"

Mga salitang pinanghahawakan 

Sa gitna ng mga sigawan at mga tampuhan

Ngunit ngayo'y hindi maramdaman


"Patawarin mo na ako"

Sinasabi kapag nanganganib na 

Ang pag-ibig na pinakaiingatan

Hindi na iniisip ang nangyari sa nakaraan


"Bumalik ka na sa'kin"

Puso'y nagmamakaawa

Na sana sa muling pagmulat ng mga mata

Ikaw ang unang makikita


Ngunit dahil sa hindi malamang dahilan

Bumitaw ka ng hindi inaasahan

Iniwan mo sa malakas na ulan

Namamaos ang aking lalamunan


Siguro nga pinagtagpo ngunit hindi itinadhana

Pinagsalubong ngunit hindi magtutugma

Hindi masasabi kung mali o tama

Ang ika'y mahalin habang ika'y malayo na


Tanging oras na lang ang makapagsasabi

Kung kailan maghihilom ang pusong sawi

At sana sa araw na tayo'y magkita muli

Bakas ng kahapo'y mapalitan ng ngiti




Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon