5 / 1 / 2016

13 1 0
                                    

Mahigit apat na buwan, ang haba ng bakasyon

Ano kale ang pwedeng gawin ngayon?

Ayoko naming aksayahin ang panahon

Sa paghilata sa kama buong maghapon


Kung sumama kaya sa mga outing?

Magpakasawa sa pagsu-swimming

Sa swimming pool man 'yan o sa dagat

Sige, langoy lang hanggang matosta ang balat


O kaliman gumawa ng ingay

Gamit ang boses na kakaibang tunay

Gamitin ang videoke, magwala sa bahay

Hangga't hindi pa pinapa-barangay


Pwede ring kalikutin ang imahinasyon

Makapagsulat ng kung ano buong maghapon

Tula o kuwento, kanta o hugot

Kahit ano, sa utak bubunot


Tutal may cellphone naman,

Malinaw naman ang camera sa harapan

Maggawa ng dubsmash o musical.ly

O kali selfie, basta magpaka-funny


Ako lang din naman dito mag-isa

Sa harapan ng salamin, doon ako magwawala

Kumanta at sumayaw, o mag-modelling pa

O magtatatalon sa ibabaw ng kama


Para may magawa namang matino kahit papaano

Maglinis ng bahay, o kali magtrabaho

At least matatagtag ang mga taba ko

Magkapera pa ako pambili ng taho


Pwede ring maggala-gala lang

Magbisikleta papunta sa kung saan

Pwedeng ako lang, pwedeng may kasama

Matanggal lang, bagot na nadarama


May talento rin naman ako sa musika

Gumawa ng rendition ng mga kanta

Malay mo, baka ma-discover pa

Sa show ni Ellen, bigla mong makita


Kaya lang minsan, may likas akong katamaran

At daig ng antok ang aking kasipagan

Kaya itong plano, kalimutan na lang

Kapiling ang kama, ako'y matutulog na lang

Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon