6 / 7 / 2016

6 0 1
                                    

Inaantok na ako pero hindi pa rin makatulog

Sa isipan ko'y mayroong nambubulabog

Puso'y tumatakas sa mapait na kahapon

Bakit ganon, sa kahapo'y laging nakukulong?


Mga alaalang pilit tinatakasan

Mga pangakong walang kinapuntahan

Pagmamahal na noo'y pinanghahawakan

Nandito ka noon, ngayo'y nasaan?


Marami nang beses tinanong sa sarili

Mahal ko, saan ba ako nagkamali?

Hindi na ba ako maganda sa iyong paningin,

Kaya pilit mo na lang iniwanan sa dilim?


Mayroon ka bang gusto kong gawin?

Gusto mo bang ikaw ay suyuin?

Pasensya na kung naiinis ka na sa'kin

Gusto ko lang naman ika'y muling mapasa'kin


Ayan ang nais kong gawin noon

Noong ika'y pumipiglas sa'kin palayo

Yakap-yakap kita noon sa likod mo

Ngunit tinulak mo't iniwan mo akong bigo


Ngunit ngayon ako'y unti-unting nakakalimot

Kalungkutan ay dahan-dahang binaon

Aking sarili'y pilit inaayos

Itong hinanakit, malapit nang matapos


Ngunit biglang papasok sa isip ang mga alaala

Tawanan, iyakan, mga pinagsamahan

Mga tubig sa mata'y biglang pumiglas

Ano ba'ng dapat kong gawin upang ang lahat ng ito'y lumipas?


Habang pinipilit ang mga mata na tumahan

Piliting ilubog ang kalungkutan ng dahan-dahan

Palitan ang hinanakit ng kasiyahan

Sarili'y akin munang ihihimlay


Bigyan Mo ng Title ang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon