Chapter 56.1: Tears.

2.3K 23 6
                                    

Ang chapter na ito ay maikli lang at para kay Emerald at Carlo lang muna. :3

Chapter 56.1: Tears.

--

Carlo's POV

Nang tawagan ako nang driver ni Emerald, alam ko na agad kung bakit. Umiinom na naman sya at ayaw umuwi.

Bakit naman kaya? Hindi ba sya masaya sa nangyayari. O baka naman may nangyari hindi talaga naayon sa plano nya.

Pagkarating ko, sinalubong agad ako nang driver nito.

"Nasan sya?"

"Andun po sa may loob, mukhang balak po nyang ubusin lahat ng alak don."

"Sige salamat manong, mauna na po kayong magpahinga, ako na po maguuwi sakanya."

Umalis narin ito kaya dumiretso nako kung nasan sya.

There, I saw her drinking alone. At halatang maga pa ang noseline nito dahil narin sa suntok ni Ernest.

"Tama na yan iuuwi na kita." Kinuha ko yung bote na hawak nya pero agad nya rin itong binawi.

"Ayoko pan umuwi, samahan mo nalang ako dito."

Bigla naman nagring ang phone nito. Agad nya itong sinagot. At suddenly, she smile like a devil.

"I want you to go further, buy them all with whatever amount I don't care. He'll pay for this." Tapos ay binaba na nito ang hawak na phone.

This is too much.

"Emerald tigilan mo na to, maawa ka naman sa sarili mo." Naiinis talaga ako sa ginagawa nya.

"Mahal ko sya. Handa ko naman ibigay lahat nang kailangan nya. Mas kaya kong gawin yun kesa sa babaeng yon, pero ano bang nakita nya sakanya para tanggihan parin ako."

Gusto ko syang iwan ngayon habang sinasabi nya ang mga bagay na yon. So totoo nga? Mahal nya talaga si Chance.

At ang pinakamasakit sa lahat, yung babaeng dating bato noon, marunong palang umiyak ngayon. Tama kayo, umiiyak sya, at ngayon ko lang sya nakitang ganito.

"Iuuwi na kita." Marahas ko nang kinuha yung bote mula sakanya pero hindi inagaw nya ulit sakin to.

"Ano ba Carlo, iinom pa ko!"

Pero wala syang nagawa nang maagaw ko ito. Hinila ko sya patayo para dalhin sya sa labas pero nagpigil parin ito.

"Hindi mo kasi ako naiintindihan eh!"

Humarap ako sakanya at mataan itong tinignan sa mga mata nya. Kung alam mo lang Emerald.

"Naiintindihan man kita o hindi, uuwi kana."

"Sige uuwi ako, pero sa isang kondisyon." Pinunasan nito ang pisngi nya na nabasa nang dahil sa luha nito.

"Ano?" I narrowed my eyes at her.

"Agawin mo si Ernest kay Chance." Tila ba nagpintig ang tainga ko, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko.

*slap

"C-carlo? B-bakit mo ko ginawa yun?"

Nanginginig ang kamay ko pagkatapos nitong lumapat sa pisngi nya. Pagod nako. Sawang sawa nako sa mga ginagawa nya.

"Hindi kaba talaga titigil?! Ano bang tingin mo sakin para utusan mo ko na gawin yon?! Ganun mo ba tratuhin ang kaibigan mo!" My jaw tightened.

Nanatili itong nakitingin sakin na para nanamang naluluha. "Carlo..."

"Pagod nako maging kaibigan mo, Emerald, pagod nako." Tumalikod nako sakanya para itago yung mata kong nagbabadyang lumuha.

Napakahina ko. Umiiyak ako dahil sa isang babae. Pero hindi naman kasi sya karaniwang babae lang eh. Kasi mahal ko sya.

"Wag mo kong iwan. Please. Ikaw nalang ang meron ako, pati ba ikaw mawawala pa sakin ngayon?"

"Mahalin mo muna ang sarili mo, baka sakali pag nagawa mo yun. Baka sakaling bumalik ako sayo."

"Carlo..."

Naglakad nako palayo sakanya, tinawagan ko narin ang driver nito na bumalik para ihatid sya.

Mabuti narin siguro to, baka kasi ito narin ang sign para itigil ko na yung pag-asa kong mamahalin din nya ko.

Kahit pa masakit.

--

A/N: Pasensya na po kung super ikli. Medyo busy talaga si author ngaun. FINALS na kasi. T.T

Hope you understand. <3

Love in Disguise (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon