An open letter for my future 'BOYFRIEND'
Hi, future boyfriend? Mabasa mo kaya to? Hindi ko alam, malay ko, anong paki ko? Hahaha let's make it straight to the point na, hindi naman kasi ako kagandahan, hindi ako famous, hindi ako mayaman but I am proud to say that I have a very happy family na magwewelcome sayo kapag dumating kana sa tamang panahon.
NBSB? Hopeless romantic? Okay lang sakin yun, basta dadating ka, sa TAMANG PANAHON nga.
Hindi ko naman hinihiling ang perfect guy. I am not asking for a better man. Ang gusto ko lang yung kumportable akong kasama ka, masaya akong kausap ka, magbobonding tayo, kakain sa labas, wala parang barkada lang ang turingan. By means of looks naman, sige eto kasi yung gusto ko sa isang guy: Maputi, singkit, tama lang ang built ng katawan, matangkad sakin ng konti, makulit, pasaway, moody (para ako ang lalambing sayo kapag tinopak ka). Yung kaya akong I-handle, malakas ang topak ko, yun ang dahilan kung bakit hindi nila ako natatagalan (friends).
Minsan naiisip ko, masarap bang magka-boyfriend ng gwapo at may sasakyan? Ikaw ba may ganon future boyfriend? Okay lang naman kung hindi. I'd rather walk on streets with you. I'd rather travel and commute together with you. Mas masarap yun kasi para tayong si Dora and boots. Yun nga lang hindi ako marunong ng ganon dahil hindi ko alam kung san ang pasikot sikot sa daan, hello! Ang laki kaya ng Pilipinas. So, better if ikaw ang magto-tour sakin around the world? Great idea right?
Nasan ka na ba future boyfriend? Marunong ka bang magluto? Ako kasi hindi eh, kaya sana marunong ka. Lagi kasi akong gutom eh. Iparanas mo sakin ang makipag-date, ano kayang feeling non? Masarap kaya? Parang oo eh. Sana naman dumating ka na, isalba mo naman ako sa pagiging bitter oh!
Truly yours, Z.
BINABASA MO ANG
SAVE MYSELF.
Short StoryNasaktan, Iniwan, Nagmahal, Iniwan, Umiyak. Lahat naramdaman ko, paano nga ba maging masaya? Wala na ata akong ikakasiya sa buhay. Lagi nalang akong hindi masaya. Lord sino bang taong papadatingin mo sa buhay ko at magbibigay ng kulay dito? Bakit po...