"Basta. Wag ka lang masyadong ma-attach masyado. Kasi malay mo bukas wala na ko, wala ka nang makausap. :)".
May 30, 2016. 12:40am.
***
Kahit na alam kong seryoso ka dun baboy. Ginawa ko pa ding joke. Eto sana gusto ko sabihin sayo about dun sa thank you ko, kaso ayokong lahatin eh. Ang dami kong ipagpapasalamat sayo. Tingin ko hanggang dito nalang nga yung friendship natin. Almost 10 months. Nahanap ko na yung convo natin. Ikaw yung unang nag-Pm sakin pero ako yung unang nag-approach kasi ako yung unang nagcomment sa picture mo. YUNG REAL PICTURE.
Paano nga ba ako hindi maa-attach masyado sa inyo? 2 months from now, one year na tayong magkakilala. And kinikilala na kitang friend. And as for your bestfriend siguro hanggang 5 months lang kami, hindi nasama yung May kasi lumayas siya nung May 18. Eh pang 6 months na sa May 22. Hindi pa niya pinaabot no? Well, ayaw niya nga kasi sakin.
Thank you for being here ang drama ko ba? Oo, ganyan ako kapag nararamdaman kong iniiwan nanaman nila ako. Sabi niya sa akin dati 'Bat daw ako nagpa-iwan' pati ako tinatanong ko sarili ko 'bakit nga ba?'
Maghihintay ba ako kung kalian ka din aalis? Kasi ayoko yung biglaan.
Yung masaya akong kausap kayo tapos kinabukasan, hindi na kasi wala na kayo.
A/N: Eto ang isang halimbawa na hindi talaga lahat ng bagay permanente. Malay mo dumating lang talaga siya para pakiligin ka at hindi seryosohin. Haha. Guys, Walang masama magmahal, ang masama yung manloko ka para lang mahalin ka. At isa pa, be loyal please. hahaha
BINABASA MO ANG
SAVE MYSELF.
Short StoryNasaktan, Iniwan, Nagmahal, Iniwan, Umiyak. Lahat naramdaman ko, paano nga ba maging masaya? Wala na ata akong ikakasiya sa buhay. Lagi nalang akong hindi masaya. Lord sino bang taong papadatingin mo sa buhay ko at magbibigay ng kulay dito? Bakit po...