Entry 9

6 1 0
                                    

"Sorry. Para mas madali, isipin mo nalang na ganun. Na babae ako, bakla ako, bi ako, poser ako, nakabuntis ako. Pero tangina gusto kita kaso ayoko e. Kaya mas okay na isipin mo na ganun ako."

May 18, 2016, 11:45pm

***

Sana di mo nalang ako pinakilig kung iiwan mo lang din ako.


Akala ko matatapos yung araw na to na masaya ako. But I was wrong kasi hanggang ngayon, kung ano yung sinabi mo nung una na ayaw mo, ganon pa rin talaga.


Why? Is it because I am ugly? Ay oo nga pala, madalas mo sabihing pangit ako ay hindi pala madalas, lagi pala. Ba't pag sayo nanggagaling nasasaktan ako? Maybe because hindi ko kayang tapatan yung mga tipo mong babae. Saka hindi ko kayang tapatan yung magagandang chicks dyan sa school niyo at sa mga bar na pinupuntahan mo na may magandang chicks. Pangit ko kasi, aminado ako!


Or may girlfriend ka kasi no? Guilty ka kasi lumandi ka?


o baka naman kasi Age does matter to you. Mas matanda nga pala ako sa iyo. Okay tanggap ko yan.

Its so wrong na nakilala kita, its so wrong na nahulog ako sayo, heto na tama ako hindi mo nga ako sinalo. Hibang kasi ako, akala ko may chance na saluhin mo ako kasi ang sweet mo sakin.


Tama bestfriend mo eh. MUKHA KA LANG ANGHEL PERO MAS GAGO KA DAW SA KANYA. Well I guess he was right. Bat nga ba hindi ako naniwala? Eh bestbuds kayo? Alam niyo na ugali nang isa't isa. Tanga ko lang, may tiwala nga kasi ako sayo.



After all I've done. I save you naman. Pero ako naman siguro ang kailangan iligtas.


After ko magreply sayo, na-seen mo ako pero hindi ka na nagreply. Tapos 11:48pm nagDA ka. Hindi mo alam kung gano ko nasaktan? Mahal kasi kita eh, pero ayun nga as usual, pag ako nagmamahal laging nababalewala tapos iniiwan.


Hindi mo ba alam na iniyakan kita non? ng isa't kalahating oras? HA! Ay OO! Hindi, paano mo naman kasi malalaman, eh nagDA ka at wala kang pakialam sa nararamdaman ko, pareparehas kayo ng kambal at bestfriend mo, hindi niyo inintindi feelings niyo pero ako tong laging umiintindi sa feelings niyo.


Now, tell me. Ako pa rin ba ang unfair ngayon? O kayong tatlo?



Sabay sabay kayong nawala sa buhay ko. Ako nananatili pa din dun sa lugar kung san niyo ko iniwan, ayoko kasing umalis. As usual sa mga nang iiwan sa akin. Hindi ako umaalis sa pinag-iwanan kasi umaasa akong babalikan niyo ako.


Kaso mukhang malabo. Iba kasi kayo, iba estado niyo sa estado ko. Matataas ang pride niyo, gusto niyo kayo lagi sinusuyo, kayo lagi ang hinihingian ng tawad. Why don't you just understand that we're still humans, and in god's eyes, we are equal.



A/N: Huhu why am I so madrama. Hi! Kamusta kayo? HAHAHA

SAVE MYSELF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon