Entry 6

6 1 0
                                    

"Namimiss kita. I mean, namin pala." - Z.

April 26, 2016 and so on.

***

Matagal naman na tayong nagkaka-chat tapos nagkaroon tayo nang away pero nagbati din pero hindi na madalas nag-uusap kasi halos kambal mo na lagi ang kausap ko. Sinasabi niya sa akin na may ka-phone pal ka diyan. Medyo nasaktan ako, kasi nung nag-away tayo ni hindi mo manlang ako kinausap. Hindi ba uso sayo na baka 'nagtampo' lang ako.


Bakit? Kayo lang ba ang may karapatan magtampo. Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman noon na dumidistansya ka eh, tapos one word lang lagi ang sagot mo nao-okay-zoned pa ako. Nung balak balak ko nang umamin na gusto kita nasaktan ako sa sinabi mo, buti nalang jokejoke lang yung usapan natin, para hindi talaga halatang na-offend ako, dun siguro nag-umpisa yung awkward moment between us.


Hindi ko na alam kung anong nasabi mo sa akin pero nasaktan talaga ako tapos nagDA ka pa kaya pakiramdam ko iiwan mo din ako tapos nung chinat ko si Baboy sabi niya magDDA na din daw siya.


I mean? What was that? Naramdaman kong balewala yung friendship na binuo ko kasi wala kayong pakialam eh. :'( As in wala talaga. Gusto kong tanungin kung ba't ganyan kayo? Ang hilig niyo akong iwanan.


Hindi niyo ba alam na? Takot akong maiwan. :( Oo nga naman. Wala kasi kayong alam sa akin, ni hindi nga kayo nagbibigay nang oras kamustahin ako kasi laging kayo ang kinukumusta ko, laging ako unang kumakausap sa inyo. Hindi niyo nga alam kung paano ako magalit, pero kayo alam ko na kung pano? Funny right. Hindi kayo interesado sa buhay ko kasi mga selfish kayo.


Hanggang sa kailangan mong umalis kasi pinapaalis ka nang Mama niyo. Sabi ko matutulog lang ako, pumayag ka naman. Akala ko hihintayin mo kong magising, kaso hindi eh. Hindi mo ako hinintay. Alas-onse pasado na ako nagising and you were like active 2 or 3HRS ago. Ang galing diba?




Hinintay ko mag-umaga, akala ko mag-oonline ka, pero kambal mo pala yung nagchat sa akin, masaya naman ako pero hindi kasing saya kapag ikaw ang ka-chat ko.


Sa loob ng 3 weeks okay naman kami, Masaya kausap ang kambal mo, gusto ko siyang alagaan, parang kapatid na din turing ko sa kanya. Alam niyo namang wala akong mas batang kapatid kasi ako na yung bunso diba? Pero wala eh, ayun hindi rin nagtagal, kasi namisinterpret niya yung sinabi ko sa kanya.


Banggit siya nang banggit sa pangalan mo, ang sabi ko bawal ang pangalan mo kasi namimiss din kita, Oo totoo yun. Feeling ko isang taon ka nang nawawala. Punyeta naman oh! Iniisip ko kung gusto lang ba kita o mahal na ata kita.

Sabi nang kambal mo hindi na niya babanggitin and then another message from me sabi ko paulit ulit siya, kaninang umaga pa niya binabanggit nahahawa talaga ako, I am missing you damn much, boshbeybshs.


Hindi na niya ako kinausap after non, naramdaman ko nanamang ako lagi ang mali, na dapat di ko nalang sinabi. Saktong oras pa nun, iniwan ako nang taong nangako saking di ako iiwan.



Tanginers na mga pangako yan! Lagi akong naniniwala! Uto uto ata talaga ako. Tapos yung kambal mo naman, na-hurt ako, hindi ko lang sinasabi pero nahuhurt talaga ako. Minsan lang ako magsorry sa isang tao pero seen lang ang natanggap ko sa kanya. Kung siguro yung mga taong nakakakilala sakin ang gumawa nito? Malamang iniiyakan na nila ako at sila na ang hihingi nang tawad sakin at hindi na ako.


Hay, I miss you na din kambal ni boshbeybshs. :'( Dahil sayo, hindi ako nalungkot nung panahong wala kambal mo, kasi mas gusto kita ka-chat sa kanya! Hahaha! Pero ngayon wala na, hindi din naman ako importante sayo. Kailan lang tayo nagkakilala :'( Iniyakan kita pero hindi naman mababalik yung closeness natin eh, kaya wala din. Right?




A/N: Aminin nagkakagirlcrush tayo! Hahaha ako marami akong crush na babae pero hindi ako tomboy or something okay? Hindi naman kasi ako maganda e kaya ayun admiration ko yung beauty nila na sobrang sobrang parang dyosa. hahaha Hay kambal niya! Alam kong hindi ka mahilig sa ganito pero ang ganda mo po!! Sad to say wala na tayong communication hahaha

SAVE MYSELF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon