Entry 5

7 1 0
                                    

"Happy birthday, boshbeybshs and to your kambal happy debut day! legal age na kayo mua. I love you both." - Z

April 01, 2016

***

Alam mo ba nung nalaman kong may kambal ka, natuwa ako. Amaze na amaze ako sa mga kambal eh sayang nga kasi dapat ate ko din may kambal kaso namatay nung birth giving na nila.


Curious din ako sa kambal mo, gusto ko din siyang makita, as in magkasing bait ba kayo? magkasing mukha, parehas ba kayo nang gusto? Yung ganon.


Debut na niya noh? Ang saya! Gusto ko sana siyang bigyan ng regalo kaso naisip ko, hindi niyo kailangan nang regalo kasi lahat na nasa inyo.


Tuwang tuwa ako kay baboy kasi nagpasa siya nang picture nang kambal mo, dun ko din siya naging girl crush at dun niyo ako inasar na talagang tomboy ako. Hindi naman ako tomboy :'( My ego was hurt kasi alam ko sa sarili ko na hindi naman so kahit na nasaktan ako sa sinabi niyong tomboy ako binalewala ko pa din, instead pinanindigan ko nalang.


Kasi that time alam ko sa sarili ko, nagkakagusto na ako sa bestfriend mo. Nung oras na malaman ko din na kakabreak niyo lang nang gf mo, I got disappointed to myself, umasa kasi ako na baka maybe, magustuhan mo ako kasi nga ayun nga we're close, kaso tinatak ko nalang sa sarili ko na 'Lahat nang sabihin nang lalaking to. Joke lang, wag mong paniniwalaan' kaya hala sigi! Sakyan ang kalokohan.


Nag-post ka dati na 'Save me, please'


Natatandaan mo pa ba yon? Ako kasi oo. Tinanong kita kung sa paanong paraan gusto mong maligtas, pero ang sagot mo? 'Ewan ko'


Ganda diba? Right at that moment hindi mo alam na gusto kitang iligtas sa pang-iiwan niya sayo kahit na sinabi mong ikaw yung nakipagbreak.


Masakit kasing maiwan. At damang dama ko yun sa mga nanligaw sakin na hindi nakapaghintay, sa mga girl friends kong pinaka-iingat-ingatan ko na inunfriend ako dahil lang sa naguguluhan sila sa ugali ko at hindi nila ako kayang I-handle. Kaya nung nag-post ka nang ganon, baka kako hindi mo kaya yung pain. Hindi ka naman kasi gaya ko na kaya kong maiwanan eh.


Hindi ba nung ka-chat kita, nung inutusan kitang pakinggan yung 'Sad song ng we the kings' after mong mapakinggan yun tinanong mo ako kung ano naisip ko kapag pinapakinggan ko yung kanta? Ang sagot ko sayo 'mga nang-iwan sakin'


Tapos ang sabi mo 'nagpaiwan ka naman' ang tanging sagot ko lang sayo non 'dun sila sasaya, bat ko pipiliting mag-stay?'


Tapos ikaw naman sabi mo 'ganyan naman lagi, kung san siya sasaya'


Gusto ko sanang itanong sayo, 'ikaw? Bat isa ka din sa nang-iwan?' kaso ayokong sisihin mo sarili mo at isipin na kasalanan mo yung nangyari kasi you break up with her, because you don't want LDR. Instead umisip ako nang dahilan mo kung bakit ka nakipag-break. May mga tao naman kasi talagang hindi kaya ang LDR. Hindi ko na matandaan kung ano yung sinagot ko sa tanong mo sakin na 'masama ba yung ginawa mo kung ayaw mo naman ang LDR'


Basta ang natatandaan ko lang 'Sinabihan moko nang thank you' masaya akong nakakatulong sa problema nang iba. Kaya buong puso kong sinabi sayong 'You're always welcome.'


Kaya ayun ang sabi ko sa sarili ko, 'hindi ko hahayaang masaktan tong lalaking to, gagawa ako ng paraan.' kung kailangan mo nang kausap araw araw, gagawin ko basta hindi mo maramdaman yung pang iiwan niya.


Kasi alam mo ba? Nung iniwan nila ako, wala akong makausap kahit isa. Ayaw kong maramdaman mo yun. Para san pa at magkaibigan tayo.




A/N: Halo halo na yung nasa utak ko. Nalaman kong iniwan ka niya after ng birthday niyo ata. Anyways. Readers, wag masyadong maging mabait, kapag nagsawa na sainyo yang plastic friends niyo iiwan na kayo nyan. Real talk nato, there was a girl na sobra kong 'clingy' pero ayun hahaha nag iwan siya ng masasakit na salita sakin. I end up crying kasi tinuring ko siyang real friend pero siya ayun sinakyan lang daw niya trip ko. ;) Kapag mabait wag abusuhin, kapag nirerespeto ka respetuhin mo din. Give and take.

SAVE MYSELF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon