"Hindi ka na babalik, right? I should stop na, right? Hindi mo din naman susuklian yung nararamdaman ko, right? Kasi ayaw mo nga sa nararamdaman mo na gusto mo ko, right?" - Z.
June 06, 2016, 12:20am
***
Hinintay kita. Pang isang buwan na to. Isang buwan kang wala. Sinama ko na yung buwan kung kailan ka umalis nung April 26, 2016. Kabisado ko no? Kasi hinintay din kita nun eh. Hindi ako masyadong nalungkot nun kasi ka-chat ko kambal mo. Dun for sure alam kong babalik ka pa kasi nagkukwento siya about sayo.
Ikaw lagi yung matakaw, kung ano anong ginagawa mo. Naaaliw ako sa mga sinasabi niya. Pero nung huling usap naming namisunderstand niya yung sinabi ko. Kaya ko lang naman nasabi sa kanya yun kasi nga matindi na din yung pagka-miss ko sayo eh. Yun nga lang ayun, sabi ni baboy sensitive nga daw siya.
Hindi na niya ko pinansin non, since that day nadoble yung lungkot ko. Wala nang kumakausap sakin sa account ko. Yung isang account ko naman wala din kasi puro busy yung mga tao dun.
Hanggang ngayon hinihintay kita. Kaso nawawalan na ko nang pag-asa eh. Siguro kailangan ko na din ngang bitawan yung nararamdaman ko kasi wala nang patutunguhan to, wala na kasi alam kong di masusuklian eh, ako lang yung tangang umaasa.
Ngayon hindi ko na alam kung babalik ka pa. Wala na yung kambal mo, sabi naman ni baboy dika na babalik or kung babalik ka man may kasama ka nang iba. Sa isip ko, baka pinuntahan mo yung ex mo. Baka sinundan mo. Syempre mahal mo pa yun. Imposibleng hindi. Haha. Anyways I am happy if mangyayari yon. Atleast hindi ka na magmumukmok at magiging Bitter. Yung ampalaya na MAALAT. hahaha!
Hanggang dito nalang siguro yung paghihintay ko.
A/N: I miss you. I miss everything about you. I miss your eyes na kaparehas ng mata ng bestfriend ko. I miss every single thing about you. 6 months lang pala ng pagkakakilala natin. Magsi-six months rather hahaha. I still have our convo. :) I'll keep it with me. Malay mo iscreenshot ko pa siya lahat at ipost sa FB. HAHAHA ;)
BINABASA MO ANG
SAVE MYSELF.
Short StoryNasaktan, Iniwan, Nagmahal, Iniwan, Umiyak. Lahat naramdaman ko, paano nga ba maging masaya? Wala na ata akong ikakasiya sa buhay. Lagi nalang akong hindi masaya. Lord sino bang taong papadatingin mo sa buhay ko at magbibigay ng kulay dito? Bakit po...