Entry 3

6 1 0
                                    

"This is my first time na kiligin sa isang tao. Kahit na naglolokohan tayo at alam ko namang di totoo okay lang, atleast isang beses sa buhay ko may tumawag sakin, yun nga lang pang #babe2 lang ako, kasi sabi mo may babe1 kana eh"  - Babe10

***

December 24, 2015

Its near Christmas eve. Ang tagal na pala nung huli tayong nagchat? But I am happy kasi ikaw yung unang nagcha-chat sakin, hindi gaya nang bestfriend mo na ako lagi unang nagcha-chat para lang malaman kung anong lagay ng hinayupak na yun.


I care too much na ba? Well ganyan ako sa mga gusto kong maging kaibigan, extra sweet, extra effort. Hindi ako gumagawa nang bagay na ikakagalit o ikakasama nang loob nila. Wala akong pakialam kung I-criticize ako nang mga kababaihan na 'Ay ang landi.'


Tanginers niyo po. Di po ko malandi, magkaiba yun at isa pa wala akong interes sa lalaki.


Hay, naaalala niyo ba pag sinasabi niyo na ang gwapo niyo, lagi ko kayong binabasag sa trip niyo? Ayaw ko kasing maging mayabang kayo. Mabilis akong mainis kapag may ganyang lalaking nagsasalita at inaangat ang sariling bangko.


Minsan naiinis ako sa inyo, hindi ko lang pinapahalata kasi lagi kong sinasabi sa sarili ko, chill lang mabait sila. Pasaway lang. Minsan naiinis ako sa inyo kasi trip niyo lagi asarin akong matanda, I got feelings too. Alam ko namang mas matanda ako sa inyo pero please naman hindi naman ako masyadong matanda. Isa o dalawang taong lang naman ang tanda ko sa inyo diba?


Chinat mo ko non, nagulat ako pero masaya nga kasi ako, kasi nga ikaw unang nagcha-chat sakin. Kadalasan kasi ako ang unang nag-eeffort. Hindi ako sanay na may nageeffort sa akin. Siguro umpisa palang, crush na kita pero binalewala ko yun kasi nga bubuo ako nang friendship nating tatlo.


Sana matupad yun no? 3 months palang kaming nagcha-chat ni baboy nung dumating ka, and yung chat pa na yun bihira lang kasi ewan ko? diko din alam.


Nung una inisip kong poser kayong dalawa kasi nga diko Makita yung mukha nyo. Sabi ko naman lagi sa post ko hindi dummy account yung gamit ko kaya hirap akong kontrolin yung curiosity ko if totoo bang kayo mismo yung kayo.


Alam kong invasion of privacy yung ginawa ko pero I've been trying to search your real fb's pero wala e, bigo ako. Bigong bigo ako, pero binalewala ko nalang ding isipin na poser kayo kasi may tiwala akong hindi niyo naman siguro ako lolokohin.


Nagbibiruan tayo nang tawagan na 'babe' kasi nga takot ka mag-isa sa bahay niyo. Nauna na sila sa Iloilo. That time nanonood ka ng Basketball. Nakakatawa nga kasi first time mong magpuyat at first time na sabay tayong matulog. Nauna ka nga lang mag aya ata non dahil bukas susunod ka sa kanila right? Ingat sa byahe mo. :)




A/N: Pag friends friends lang hahaha! Anyways minsan di rin natin maiiwasan kiligin diba kahit na magkaibigan lang kayo? Pero please lang, don't dream too much na maaaring maging kayo Lalo na kung one sided lang yung nararamdaman ng isa sa inyo.

SAVE MYSELF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon