Entry 2

7 1 0
                                    

"Nakilala kita, dahil sa bestfriend mo. Natuwa ako sayo, Nakuha mo ang atensyon ko. Bihira lang mangyari to kaya gusto kitang makilala nang husto" - Z.

November 22, 2015.

***

Kailan lang naman tayo nagkakilala e? Hindi ba parang speechless pa ako kasi hindi ako makapaniwalang ikaw mismo nag-add sakin at di ako makapaniwalang, ikaw si Migo, na bestfriend niya na gusto kong makilala kasi nga feeling ko magkakasundo tayo.

Parang kailan lang pinag-uusapan ka lang namin ng bestfriend mo sa chat, hindi ko akalaing gumawa ka nang account para lang guluhin ang buhay ng 'beybs' mo. Kaya kita nagustuhan kasi magkaiba kayo, unang crush ko talaga yung bestfriend mo...


Pero habang tumatagal na nakakachat kita sabi ko sa sarili ko, mas may sense of humor ka sa baboy na yun. And isa pa, sayo ko din nalaman na may girlfriend na siya which is yung kambal mo, right? Dun ko nilagyan yung sarili ko na, 'ay distansya ka dito, may mahal to' and I succeeded naman kasi nawala yung pagka-crush ko sa kanya. Hindi ko na din siya masyadong china-chat.


Kapag naman nawawalan na ako ng sasabihin kapag magka-chat tayo, nalulungkot ako kasi gusto ko matagal pa yung pag uusap natin.


Tanong ko lang? Masarap ba kong kausap? Feeling ko kasi nung una parang ang boring kong kausap eh.



I love guys more than girls. Bago kita makilala, hindi talaga ako umaarteng babae, I talk like guys, I  act like one of them. Kasi mas maganda kung ganon ako. Pero ewan ko nasasayahan akong kausap ka. Hindi ko kailangan lagyan ng limitations lahat ng sinasabi ko kasi open-minded ka naman. Saka isa pa kahit na matanda ako sayo, ikaw ang umaaktong mas matanda sating dalawa.


Inaasar niyo kong, Tanda lagi. Oh c'mon babe. Age is just a number. Pero feeling ko para sa inyo big deal yon.



Nung mga panahong wala akong makausap sa account ko I didn't hesitate to chat Baboy kasi ang laki talaga nang problema niya sa mundo e. Hindi ko alam din sa sarili ko kung bakit ko ba siya kinausap? Lagi naman akong K-zone at hahazone sa kanya. Suplado pa, masungit tapos bastos kausap kasi masama tabas nang dila pero I am hooked kasi pakiramdam ko 'ay naliligaw nang pananaw to.' kasi nga yung mga posts niya about sa parents niya. I got curious sa buhay niya. So I decided to talk and chat him.


Nung time na yun, iniwan ako nang lalaking bestfriend ko, he told me that he's inlove with me pero lalayuan niya ako kasi ayaw niyang masira yung friendship namin. Then I saw the post of baboy na naghahanap ng 'girl bestfriend' hindi ko alam pero gusto ko siyang maging bestfriend kasi nga gusto kong ipaintindi sa kanya na may mga bagay na nakatakdang mangyari sa buhay.


Wala ka pa 'non. Hindi pa kita nakikilala non. Nung nakita ko yung post mo na sabi mo 'HI MIGO HERE, BESTFRIEND NI CHESTER' dun ako natuwa sayo kasi hinack mo yung fb niya and bwisit na bwisit sayo si baboy but at the same time masaya kayong dalawang nag aasaran.


I realize I wanna be part of your friendship. Happy go lucky and totoo sa sarili. So natutuwa akong gumawa ka nang account, tinanong ko pa nga yung bestfriend mo kung siya din yun kasi hindi ako makapaniwala at ayun nagalit pa siya sakin kasi pinabibintangan ko siya hahaha! At sabi pa niya wag daw kita I-chat, pero wala eh gusto talaga kitang I-chat.


Hinahatak ako nang mga kamay ko para mag-chat at kausapin ka sa mga kalokohan kong buhay. At ayun nakikisakay ka naman e.



A/N: Random thoughts. Minsan ba nararamdaman niyo rin yun? Yung gusto mong maging part ng friendship ng ibang tao pero ang hirap kasi feeling mo dika belong? or so I thought kasi minsan may pagkaintrovert ako in real life. lol! Wala atang maniniwala sa 'Introvert' kuno ko hahaha.

SAVE MYSELF.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon