1 - New

76 4 0
                                    


"Lei? Asan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito sa building niyo wala ka pa din?"


"Wait lang. Pababa na ako. Late na kasi kaming pinalabas ni Mr. Raymundo."


Nandito ako ngayon sa Accountancy building, building nila Lei. Napagkasunduan kasi namin ni Leira na magkita at gumala since parehas kaming free sa araw na ito. Simula ng grumaduate kami ay ngayon lang kami ulit magkikita kaya talagang hindi namin pinalampas ang pagkakataon na ito. Baka sa susunod ay hindi na ulit kami magkaroon ng free schedule. 


Nilibot ko ng tingin ang building nila. Indeed, it was good and well-furnished. Maraming accountancy students ang nasa benches at may kanikaniyang ginagawa. Tingin ko ay napakabusy talaga pag Accountancy student although my course is also a tough one, I guess mas mahirap nga lang siguro ito. Maybe because Chemistry is not hard for me to learn kaya tingin ko ay mas challenging ang Accountancy. 


Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang grumaduate kami. And now Im currently facing the struggle of being a freshman in my college life. After that incident with Jacques, things change a little bit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay unti-unting naglalapit ang mundo namin. O siguro ako lang talaga ang nag-iisip nun. Pero kahit ganun masaya ako na kahit papaano ay may interaction kami.


Naalala ko pa noong first class namin sa Differential Calculus. Ang professor namin ang siyang nag-arrange ng seating arrangement namin at hindi ko inaasahan na magiging kaklase at katabi ko si Jacques. Halos hindi na ako huminga noong mga oras na iyon. Panay ang tingin ko sa kaniya ngunit parang siya ay normal lang na nakikinig at nakatingin sa professor namin. 


"Okay, Class. For your activity today you need to find a partner and answer these problems in a yellow paper."


Hindi ko alam kung sino ang papartnerin ko. Okay sana kung yung seatmate na lang which is in my case ay si Jacques. Pero nung tinignan ko siya ay parang umurong na lamang ang dila ko at luminga para maghanap ng ibang kapartner. 


"Hmm. May Yellow paper ka bang dala?"


Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita sa gilid. Napatingin ako sa kaniya at hindi ko inasahan na sobrang lapit na ng kaniyang mukha sa akin. Ayun na naman ang kaniyang mga matang malalalim at kuryuso. 


"Uh. Ha?"


"May Yellow paper ka ba? Wala kasi akong dala ngayon so I assume na sana ay mayroon ka."


"Uh. Yes. Yes. Teka lang"


Dali dali kong kinuha ang aking yellow pad paper sa bag. Wala bang yellow paper ang kapartner niya at sa akin niya pa talaga naisipang manghingi? Hindi naman sa ipagdadamot ko ito pero. O baka naman magsosolo siya? Pero imposible dahil sakto ang bilang namin sa room para  magkaroon ang bawat isa ng kapartner. Pinilas ko na ang isang yellow paper at agad na iniabot sa kaniya. 


"Thanks."

Pagkatapos kong iabot sa kaniya ang papel ay lumingon na ako sa iba pang line para maghanap ng posibleng kapartner. Ngunit parang lahat ata ay may kapartner na. Nanlumo naman ako dahil mukhang gagawin ko ang activity ng mag-isa. Hindi naman sa hindi ko kayang sagutan ito ng mag-isa pero mapapadali sana kung may kasama ako.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon