11 - Text

43 1 0
                                    

Nauuna akong naglalakad kaysa kay Jacques. Dahil karamihan sa mg studyante ay nasa NLCC na ay masyadong tahimik ang paligid kaya mga yapak lamang namin ang naririnig.

Minsan ay sinusubukan kong lumingon kaso hindi ko din tinutuloy dahil baka magtagpo na naman ang aming mga mata. Aywan ko ba at hindi ko kayang tagalan ang kaniyang mga titig.

Pagkapasok ko sa loob ng NLCC ay sumalubong agad sa akin ang ingay ng iba't ibang mga studyante ng engineering department. Malaki at malawak ang NLCC kaya hindi kami nagsisiksikan.

Inilibot ko ang aking paligid at napahanga sa naggagandahang mga palamuti na nakapalibot sa buong lugar. Talagang pinaghandaan ng engineering department ang paparating na eng week. Hindi ko tuloy maiwasang maexcite.

Sa pinakastage ay may tarpaulin na kung saan nakalagay ang tema at logo ng Eng Week ngayong taon. Kasama nito ang ibat ibang simbolo ng bawat klase ng engineering.

Hinanap ko ang aking mga kaklase at kumaway nang natagpuan ang kanilang pwesto.

"Uy! Kaylie! Nandyan ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap." Sabi ni Feather pagkalapit ko sa kanila.

Maputi at may katamtamang payat siya. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang pagkainosente at pagiging mahinahon. Hindi ko nga inakala na maatim niyang kunin ang kursong Mechanical Engineering. Siguro ay passion niya na talaga ang napiling kurso.

"Oo nga. Akala namin ay hindi ka makakadalo. Kanina pa nandito ang Chem Eng at mga Civil tapos wala ka pa. Saan ka ba nagpunta? " Tuloy tuloy na bigkas ni Leandra.

Taga Mech Eng din gaya ni Feather. Pero hindi gaya ni Feather ay may pagkabrusko itong si Leandra. Not in a bad way. Siguro ay natural na iyon sa kaniya.

"Uhmm. May inayos lang akong gamit." Mahina kong sambit takot na baka mahalata nila ang pagsisinungaling ko. Ayaw ko naman sana kaso ay hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang totoo.

Kumaway na lamang din ako sa dalawa pang babae na nasa kanilang likod at ang isang lalaking seryoso at hindi pamilyar sa akin. Lahat sila ay kilala ko dahil kaklase ko sila sa Engineering Drawing at Physics. Pero bago sa aking paningin iyong lalaki nilang kasama.

Bago pa ako makatanong ay napansin na ata ni Feather ang pagtataka ko sa lalaking iyon.

"Ahh Oo nga pala. Ito nga pala si Sig.  Bagong transfer siya sa class namin sa Humanities and I think magiging kaklase mo na din siya sa Calculus next week?" Paliwanag ni Feather.

Bahagya naman akong nagulat doon ngunit ngumiti din naman agad. Tinignan ko siya na hanggang ngayon ay nakakunot ang mga kilay at nakahalukipkip. Bigla tuloy akong natawa ng may maalala.

"Hey! Whats funny?!" Baritonong boses na sabi niya.

Kinabahan naman agad ako sa maautoridad niyang tono kaya kinagat ko ang aking labi para pigilan ang tawa. Damn. And here I am thinking they have the same expression.

"Wala. Wala. May naalala lang ako. Hi Im Kaylie." Sabi ko habang kagat ang labi at naglahad ng kamay sa kaniya.

Ngunit imbis na tanggapin ay iniwas lamang niya ang kaniyang tingin at kumunot na naman ang mga noo. Napanganga ako dahil sa hindi niya pagtanggap ng aking kamay ngunit binawi ko na lamang at isinantabi ang lahat.

"Psh. Sungit!" Natatawa ko pa ring sabi.

"Tsss." Iyon lamang ang reaksyon niya bago pumunta sa mga iba niya atang kaklase na mga lalaki.

"Nako. Pasensya ka na ah. Ganun talaga iyan si Sig. Kala mo laging may problema. Pero mabait at magandang kasama naman siya. Parang galit nga lang lagi." Mahinahon na paliwanag ni Feather habang sumusulyap sa kaniya.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon